Marian Rivera, pinatanggal si Katrina Halili sa Darna?!

OLA CHIKA! DAHIL sa nangyari noon, hindi pa rin nabubura hanggang ngayon sa isipin ng mga kasamahan ko sa hanapbuhay, at sa mata na rin mismo ng publiko ang hindi magandang pangyayari sa pinaggagawa ni Marian Rivera noon. Marami ang ispekulasyon noon na hindi na mabubura. Nakakaloka talaga!

Kaya nga may nakarating pang chika sa akin na kapag ginawa na raw ni Marian ang Darna na nauna nang ginampanan ni Angel Locsin, eh, mabigyan daw kaya niya ng justice ang role?

Dagdag pa ng aking parazzi girl, kaya raw inetsa-puwera ang beauty ni Katrina Halili sa Darna, ayaw raw kasi ni Marian na mabahiran o masamahan ang cast ng Darna ng isang mababa raw ang tingin ng lipunan. May ganu’n? ‘Yan ay nakarating lang po sa akin. Dahil na nga rin sa kontrobersyal na nangyari kina Katrina at Dr. hayden Kho.

Kuwento pa ulit sa akin na ani Marian na raw umano ang nasusunod. Nakakaloka, ha? Bumalik na naman daw ang pagmamahadera ng actress. Kaloka, ha? Kaya hindi mawawala sa imahe ng actress ang mga negatibong nangyari sa kanya noon. Kahit ano ngang gawin niya, at saan man siya magpunta, nakadikit na iyon sa imahe niya.

Naku, ha? Wala pa nga siyang napapatunayan sa industriya, ganyan na siya kung umasta! Ano kaya ang masasabi ni Katrina sa isyung ito?

Kaya hayun,  ang beauty ng actress na si Katrina, napunta sa Rosalinda. Dagdag pa nga kasi, iniisip daw ni Marina na baka bumagsak ang rating ng Darna kung sakaling kasama si Katrina. Naku, ha? Katrina, ano ang mase-sey mo? ‘Yun na!

HINDI NGA MAAWAT ang naging hidwaan nina Melissa Mendez at Madam Auring noong nakaraang linggo, kung saan nag-away nga silang dalawa dahil sa isang lalaki na nagngangalang Raymond Cabral. Marami ang saksi sa naging awayan ng dalawa na nauwi sa demandahan.

Naku, si Madam Auring, idedemanda si Melissa! Kung matatandaan, nag-away na ang dalawang ito dahil sa lalaki rin. Naku, ha? Dinaig pa ng mga ito ang mga baklita!

Hindi ito chika, dahil mismong sa shooting ng pelikulang Baklas nangyari ang awayan at muntik nang maihampas ang mga make-up kay Melissa. Pa’no naman kasi, itong si Madam Auring, nag-water-water pala sa model-actor na si Raymond Cabral. Nang makita nga kasi ni Madam Auring ang mga larawan ng actor na halos luwa na ang kaluluwa, hindi na niya ito tinigilan. Pati nga ang beteranang actress na si Melissa Mendez, idinawir na ni Madam.

Naku, ha? Magtigil ka na Madam, daig mo pa ang bakla sa pambo-boylet mo. Ang nakakaloka, naiyak na lang sa isang tabi si Melissa, at hayun, todo-rescue naman ang model-actor na si Raymond, kung saan kasama rin sa pelikulang Baklas na idinidirek ni Neil Buboy Tan.

Kaya abangan na lang ang awayan na ito, kung saan ito hahantong. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMga Pinoy sa US, nagaspangan kay Toni Gonzaga?!
Next articleCarla Abellana, nilampaso ni Angel Locsin!

No posts to display