Marian Rivera, pakitang-tao lang ang pagdalaw kay Buboy Villar sa ospital?!

SA DAMI NG mga negatibong sinasabi at nasusulat tungkol kay Marian Rivera, nakatutuwang isipin na hindi naman siya nagpapaapekto sa mga pang-iintriga sa kanya. Malalaman na lang kung affected siya, kapag nangyari na habang sumasagot at nagpapaliwanag siya tungkol sa isyu ay umiiyak siya. Pero kung wala naman siyang paki, tinatawanan lang niya ang mga pang-iintriga sa kanya. kaya naman lalo siyang kinaiinisan ng mga kontra sa kanya.

Katulad na lamang nitong huli, pinagdududahan ang sincerity ni Marian sa kanyang naging pagdalaw sa hospital nu’ng manganib ang buhay ng child actor na si Buboy Villar dahil sa sakit na dengue. Sikat na sikat daw kasi ang bagets dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte, kaya nagpakitang-gilas ang girlfriend ni Dingdong Dantes, at sinamantala ang pagkakataon na mayroong TV crew ng GMA-7 para buong-ningning na maipakita kuno na bait-baitan siya.

Unfair din naman iyon kay Marian, dahil nasa plano na rin naman niya talaga na dalawin at tulungan ang pamilya ni Buboy tungkol sa pangangailangan sa kanyang pagpapagamot, lalo pa nga’t pati na ang isa pang kapatid ng child actor ay napasabay ring dinapuan ng dengue.

Nagparamdam na rin kasi ang pamilya ni Buboy, na dahil sa laki ng kanilang gagastusin sa hospital, kailangan na rin nila ng tulong pinansiyal. Kaya lalong nagbigay ng panahon niya si Marian para sa kaibigang nagka-dengue.

Ito ang isa sa kapuri-puring ginawa ni Marian. Kasi, sa totoo lang, sobrang natakot na si Buboy sa kanyang buhay nu’ng nakaratay siya sa hospital. Habang may sakit, gusto pa rin niyang magtrabaho, dahil siya na ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.

Down na down ang bagets, pero nang malaman niyang dadalawin siya ni Marian ay nabuhayan ng loob ang damdaming-bata niya, dahil parang ate na ang turing niya kay Marian. Gumanti lang naman ang magandang aktres, dahil napakalaki ng naging suporta sa kanya ng bibong pag-arte ni Buboy sa mga pinagbidahan niyang teleserye, gaya ng Dyesebel at Darna.

NAGWAKAS NA NGA ang pinagbidahang teleserye ni Andi Eigenmann, ang Agua Bendita sa ABS-CBN, kung saan masasabing isang malaking tagumpay ito para sa Kapamilya network. Dahil hindi lumaylay ang rating ng nasabing palabas, mula sa paglabas ng child star na gumanap na bida, hanggang sa magdalaga na nga siya, na ginampanan ng anak ni Jaclyn Jose. Nakalikha na naman ang Dos ng bagong artista, dahil sikat na sikat ngayon ang pamangkin ni Cherie Gil.

Wala pang bagong teleserye na ipinangangalandakan ang ABS na muling pagbibidahan si Andi. Pero pinaplanong bigyan siya ng isa pang matinding project.

Habang nagpapahinga muna siya sa telebisyon, hindi naman siya mababakante.  Habang showing pa rin ang kanyang first movie, ang Mamarazzi ni Eugene Domingo, may dalawa pa siyang pelikulang gagawin, una ay ang movie na ilalahok sa darating na Metro Manila Film Festival-Philippines, at makakasama rin siya sa remake ng pelikulang Temptation Island ng Regal Films.

Habang nasa plano pa lang ng ABS ang bagong teleserye ni Andi, maraming suhestiyon ang natatanggap ng network, na dapat ay fantasy ulit ang pagbidahan ng magandang young actress. Pasok sana kung magkaroon ng remake ang teleseryeng Marina na pinagbidahan noon ni Claudine Barretto. Mukha kasing sirena ang anak ni Mark Gil, dahil hindi nakakasawang pagmasdan ang kagandahan ng kanyang mukha.

Ang malaking problema lang, kung magiging sirena siya sa teleserye, baka hindi na pumayag si Jaclyn. Kasi, kung mermaid ang gagampanan ni Andi ay sa tubig na naman siya maglalagi. Nagkaroon na kasi dati ng problema sa pagbibida niya sa huli niyang teleserye, dahil nabababad siya sa tubig, na nagiging dahilan ng madalas niyang pagkakasakit. Hindi kill joy si Jaclyn para sa tuluyang pagsikat ng kanyang anak. Kaya lang, bilang mommy, mas gugustuhin pa niya na siya ang magsipag na magtrabaho, kesa naman makita lagi ang kanyang anak na nagkakasakit dahil sa pag-aartista nito.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

44 thoughts on “Marian Rivera, pakitang-tao lang ang pagdalaw kay Buboy Villar sa ospital?!

  1. sa mga haters ni marian sorry na lang sa inyo at lalong sumisikat si marian,dami nyang blessing and sya na ang bagong billboard queen.kahit anong paninira nyo kay marian d kmi matitinag na mga fans ni marian,lalo na kung kay cristy fermin lang galing mga balita at walang kwentang tao yang si sherk.

  2. Yah ur ryt! Marian Rivera is not Good as what other people think about her.. She’s beautiful, pro kng malalaman nyo lng ung tlgang pguugali nya bka mgulat nlng kayo at kainin nyo lhat ng pagdedefend nyo s knya.. gtg..

  3. hahahaha! ehhh… lalo nyo lang pinasisikat si marian eh.. sa mga issue na pinupukol nyo sa knya.. who cares kung dinalaw nya si buboy.. naiingit ba kau? gusto nyo din magkadengue at sumulat sa wish ko lang? hahaha.. saka kung palengkera man si marian.. wala na kayo dun kasi.. yun sya! hindi nya kailngang magpasosy noh para maplease nya ung mga tao na maniwala sknya kung anu sya.. unlike sa ibang actress and actors jan.. pakitang tao kung magpainterview.. si andi nung ininterview sa morning show ni kc concepcion.. hahaha! nkakatawa kasi trying hard kung magspeech don. english na pauulit at utal utal..! may hydrocephalus yata yun eh.. laki ng ulo! hahaha… ganyan ang artista di nagpapaapekto sa intriga..tas’ ung iba napulot lang sa kalsada kung umasta… ehh si marian foreign ang ama nyan pero mala-gabriella silang.. go marian.. aanin mo ang maria clara sa camera kung demonyita naman ang ugali.. diba? go marian!

  4. Bakit may camera pa kasi.. if she can do it behind the scenes.. pero anyway… thankfuly pa rin sa side ng bata.. kung ano man ang real intention ni Marian she still helped the lives of those kids…

  5. sige lng hwg nyo tantanan si marian! kada judge nyo sa kanya at sa mga paninirang puri na ginagwa nyo major major na kapalit ang natatamo ni marian! sya lng naman pala ang bagong “BILLBOARD QUEEN” na noon ay si Ms. Kris A.!!! BELAT KYONG LAHAT!!!!!

  6. I’m sure lahat ng nag-comment dito wala namang naitulong kay buboy. salamat, marian, at nakatulong ka na naman. sabi nga ni solid marian na poster dito..die like rats (addressed to the haters) Lol!

    hindi madaling mamula o mamuna sa kapwa, kaya lang ang mabilis gumawa nito ay yung mga taong bumubuga ng masasamang salita kasi sila yung mga salitang yun. Get that into your head.

  7. Ay naku kung tutulong man lang wag na isabi sa buong mundo, hindi na kailangan ipagsabi o ipakita man lang sa tv. ganyan ang mga taong gustong makuha lahat ang credit sa pagiging sikat, eh sumikat lang naman siya sa pagigin palengkera. nakita ko nga yang sa showbiz central, naku naku sayang siya maganda sexy pero lumabas pa rin ang trademark niyang bungangang palengkera…

  8. Plastik ni marian, tingnan nyo nga lang sya kng magsalita palenkera talaga. tingnan nyo yong showbiz central, the way she react kng sino ang mga secret informants, talaga bungisngis ang dating hahaha palengkera talaga. maganda nga hindi naman marunong sumagot ng tanong na may sense. hahaha bwaaaaaaaa people in new york hate marian..

  9. To all the haters of Marian Rivera…dieeeeeeee like a rats!!mamatay kayo sa inggit!!tandaan nyo walang gamot sa insecurity!!sa tingin nyo ba mapapatalbog nyo si marian sa mga paninira nyo?!hindi noh!!dahil habang sinisiraan nyo sya lalo nyo lang syang pinapasikat at pinapatatag!!kahit na negative issue atleast pinag-uusapan!!palibhasa kasi hindi na pinag-uusapan ang mga “manok” nyo kaya si Marian ang pinagdidiskitahan nyo!!sige go lang ng go para mas lalo nyo syang pasikatin!!hahahahaha!!

  10. Kahit isang milyong dolyar ang di-nonate mo oh binili mo pa ang hospital oh binili mo ng house and lot ang pasyente, lahat yun ay walang sinseridad kapag nagsama ka at sinamantala mo ng CAMERA at CREW! lesson 104

  11. Tama yung sinabi ni “kulitkulit” dahil napanuod ko rin yung bumisita si marian sa ospital kay buboy! matutuwa na sana ako kaso sobrang na-TURN OFF ako dahil halatang drama lang pala ni marian yung kunwari hindi niya alam na may TV crew dun at kukunan sila ng video! Dahil si Marian pa mismo nagsabi kay Buboy na i-announce sa t.v. na tutulungan niya si buboy sa gastos sa ospital! Kung talagang bukal sa kalooban niya tumulong dapat hindi na niya INUTUSAN yung bata para sabihin sa t.v. habang iniinterview sila…kaya halatang-halata si marian na gusto lang ng good publicity kaya tumulong!

    • tanga ka pala eh!!!hindi nya inutusan ang bata dahil si Buboy mismo ang nagtanong kay Marian kung pwede ba nyang sabihin ang ibinulong ni Marian sakanya!!manood ka nga ng mabuti!!hay naku!napakanega nyong mga haters bakit kapag negative issue pinapansin nyo pero pag positive binabalewala nyo!!ang hirap kasi sa inyo marinig lang sa iba yung pangyayari eh maniniwala kaagad!!kung makahusga kayo para namang andon kayo at na witness nyo yung buong pangyayari!!mga bobo!!wag si Marian palagi ang pagdiskitahan nyo dahil baka yung mga iniidolo nyo ay mas higit na “PLASTIK” kumpara sa inaakala nyo kay Marian!!andaming galit kay Marian pero palagay ko hindi galit yon kundi “INSECURE” sila sa kasikatan ni Marian!!bakit ganun kung sino pa yung mga panget yun pa ang galit kay Marian!kagaya ni_________!alam nyo na kung sino yon!

  12. pag tumulong ung tao may nega kayong ssabhn,,pag hndi tumulong may nega pa din,,,josko
    ang importante d2 buhay ung bata at nakaligtas,,,at wag n pati ung issue n mang aagaw eh inuungkat p,,,pareho lang sila n karylle na nang agaw,,,malay nyo isang araw maagaw din c dd kay mr,,,
    at magdiwang kayo,,,,

    • oo nga napaka nega ng mga haters!!hindi maintindihan!!buti nga tumulong si Marian eh! kung hindi nakaligtas yung bata magtatatalak sila dyan at sasabihing bakit hindi sya tumulong?!!hays!!ang nega nyong lahat!!

  13. i’m sure di naman taos puso ang pag2long ni marian kay buboy,pakitang tao lang un kc obvious na ang kamalditahan niya….

    • ows?!pano ka naman nakakasiguro?!bakit nararamdaman mo ba ang saloobin ni Marian?!diyos ka ba ha?!kung wala kang magandang sasabihin!!YOU BETTER SHUT UP!

  14. I dont like Marian as an actress but I salute her withe that act of charity! Wag naman natin masamain ang pagtulong sa batang may sakit.

  15. Ang importante, may sumagot sa bills ni Buboy at nung kapatid nya. Meron bang ibang nag offer?

    Maski naman nung nadisgrasya si Buboy sa Dyesebel noon, si Marian din ang gumastos kahit nag offer na ang network na sila ang sasagot.

    Marian doesn’t need to resort to these kind of gimmicks. Sa dami ng endorsements nya (sa SMDM pa lang, milyonarya na siya), may tv shows na nagre rate at may upcoming movies, kailangan pa bang gumimik?

    • I agree with you. Hindi mo talaga maintindihan ang mga haters ni MR. Before ng hindi pa dinadalaw ni MR si Buboy kesyo wala raw malasakit sa bata. Then whe she visited Buboy, pakitang tao lang daw. Common people, accept the fact that MR doesn’t need anymore publicity, kasi she’s made already. Hotest actress ng GMA, abundant endorsements, movies, TV shows and gwapo’t sikat na boyfriend. What more she could ask for. And to think that at her status now, eh wala syang maid. She does her own household chores. I remembered one scene sa endless love, she’s cleaning the table, an ordinary scene but will prove MR is a famous actress but she’s still an ordinary lady that knows the basic of life. Hindi plastikada. PEACE to all.

  16. tigilan nyo si marianita…pag di pumunta o dumalaw kay buboy,masama ang tingin nyo,….ngayon na dumalaw masama pa rin tingin nyo….bitterness yan teh!!!pakulot ka!!!

  17. hay naku sinabi nyo pa na talagang plastik yang babae na yan nakakarma na sya sa ginawa kay karylle……..laoooosossssss man sya ang kapusot network lang nag sasabi na silat sya…..magtanong ka kilala ba nila si marian mang aagaw wala…….kaya naaawa ako kay dingdong na nahuhulog ang mata sa kalakihan na baket pumatol at pinagpalit nya si karylle talented woman deans leaster sa malanding nyan…alam ko na kasi si marian malandi at malaki susu si karyll wala diba yan ang hinahabol ng isang lalake sa isang babae……tapos sabi nyo nagpunta sa isang bata na may saket hay naku plllllaaaaaaastek sya maniwala kayo……

    • ay sisihin mo ng bonggang bonga ay si dingdon g chulis.. mangangaliwa pa rin yan kht di nya nakilala si marian, kng tlgang mahal nya si karylle,kht maghubad sa harap nya si marian ,di nya papatulan….kng ayaw ng lalaki walang mangyayari….

    • yes,correct ka d’yan..dahil true naman talagang inagaw ni marian c dingdong kay karylle…atsaka di daw cya umiiyak pag my mga negative issue sa kanya…di ba nga maldita cya,matapang,pangit ang UGALI

Leave a Reply

Your email address will not be published.