Marian Rivera, nilayasan na ang manager!

NAKU, ‘DAY! Katakut-takot na panlalait ang inabot ko sa mga fans ni Claudine Barretto, ha!

Narinig yata ako sa radio sa DZBB, at ang latest nga nu’ng pinag-comment ako sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.

Bakit ba?! Basta ‘yun ang pananaw ko riyan at wala kayong magagawa.

Sabi ko nga, riyan ko na-appreciate si Mommy Klenk na kahit inabot ng mahigit isang taon ang away nina Ara Mina at Cristine Reyes, tahimik lang siya talaga.

Wala siyang ginagawa kundi dasal lang nang dasal at inaayos na magkabati ang dalawa.

Kung may pinapanigan man siya, tahimik lang ito at hindi na pinapalaki ang away ng mga anak niya sa publiko.

Dati, kapag nag-aaway ang magkakapatid na Barretto, parang hindi na gaanong pinapansin ng mga tao kasi ganu’n na yata talaga sila.

Masaya nu’ng nagkabati at close na close na sila. Si Gretchen, naging relihiyosa na, dasal daw nang dasal sa Baclaran.

Si Claudine naman ay naka-focus daw sa pamilya niya habang naghihintay kung saang TV network na naman siya.

Pero bakit umabot sa ganu’n? Dahil hindi sila busy? Pati si Mommy Inday saka ibang mga kapatid niya hindi rin busy, kaya sumali rin sila sa gulo?

Itong si Joaquin daw ay nagtatrabaho kay Gretchen, kaya wala siyang magawa kundi ipagtanggol ang aktres at kontrahin ang Mommy nila kahit du’n daw siya nakatira.

Pero nu’ng naglabas ng statement ang isa pang kapatid na si Gia, parang tinapos na nito at parang hindi nila kayang tapatan ang katarayan nu’n.

Sinusubukan ng Startalk na makapanayam pa ni Ricky Lo si Mommy Inday, pero ayaw na raw niyang magsalita sa ngayon dahil hindi pa naman kailangan. Pero mas mabuting manahimik na lang nga muna siya talaga, pati ang mga anak niya. Pero sa pagkakaalam ko, nagsalita yata si Gretchen sa The Buzz kahapon.

 

NAGBAKASYON PALA ang buong grupo ng Eat Bulaga sa Hongkong, at kahapon lang sila umalis.

Treat daw ‘yun n Mr. Tony Tuviera para sa birthday ni Vic Sotto.

Ang exciting daw du’n, kasama ang batang si Ryzza Mae Dizon na bale first abroad niya ito.

Ipapasyal daw nila sa Disneyland ang bagets at kukunan na rin doon ang mga gagawin niya para sa The Ryzza Mae Show.

Siyempre roon na rin magsi-celebrate sina Bossing Vic at Pauleen Luna na sabi niya, wala pa raw siyang naibigay na birthday gift.

Bago sila umalis ay kasama ni Vic ang mga anak niya na nanood ng laban ni Marc Pingris nu’ng Sabado ng gabi, at mabuti nanalo raw ito.

Nakunan ng Startalk ang pag-alis nila at sinubukan ngang interbyuhin si Mr. Tony Tuviera pero tumanggi ito. Alam niya kasing hihingan ito ng statement sa pag-handle niya kay Marian Rivera. Tahimik lang ito at hinayaan lang niyang si Marian ang magsalita.

Hindi pa nga kami nagkausap ni Marian, at pati na rin si Popoy Caritativo. Saka na ako magtsika sa inyo kapag nakausap ko na silang dalawa.

Sa ngayon, nalulungkot lang ako dahil umabot sa ganito ang magandang pinagsamahan nilang dalawa. Sayang lang!

Hay naku! Napunta na kay Marian ang usapan.

Babatiin ko lang sana ng Happy Birthday si Bossing Vic.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.