Marian Rivera, napiling ‘most beautiful’ sa isang magasin!

CONGRATULATIONS SA ISA pinakapaborito kong aktres na si Dawn Zulueta dahil nanganak na ito nu’ng nakaraang Lunes ng tanghali ng isang malusog na baby girl.

Sa Makati Medical Center ito nanganak, at caesarian. Kaya nu’ng nakausap ng Startalk crew namin ang manager niyang si Vivian Recio, nakiusap itong huwag daw munang interbyuhin si Dawn. Kailangan pa raw nitang magpahinga ng ilang araw dahil na-caesarian ito. Medyo nahirapan daw ito sa panganganak niya kaya na-caesarian.

Pero okey na raw ito ngayon at tuwang-tuwa sila ni Cong. Anton Lagdameo dahil kumpleto na sila. Boy ang panganay nila na si Jacobo at baby girl naman ngayon ang pangalawa. Siguro tama na muna ‘yun dahil next year magiging abala na si Dawn sa pangangampanya sa eleksiyon. Ang alam ko, tatakbo for re-election ang kanyang asawa.

Kinukumbinse na rin nga raw si Dawn na tumakbo sa Davao, pero ayaw niya talaga. Tama na raw na nandiyan lang siya para sumuporta sa kanyang asawa.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwento namin tungkol sa panganganak ni Dawn.

BONGGA ANG MARIAN Rivera at siya ang napiling cover ngayon sa Yes! magazine na 100 Most Beautiful Issue. Sabi nga ng Editor-in-Chief nilang si Jo-Ann Maglipon, ayon sa kanilang pagpili, siya ang Most Beautiful sa lahat ng celebrities na pinagpilian nila.

Naiintriga na naman ngayon si Jo-Ann dahil wala sa listahan ng Most Beautiful nila si Richard Gutierrez sa kategoryang leading men. Kahit nga si Ruffa Gutierrez ay wala rin.

Ang sabi naman niya, wala nga raw sina Gretchen Barretto at Kris Aquino dahil matagal daw nilang pinagtalunan ang mahabang listahan ng mga most beautiful nila, at ‘yun ang kinalabasan.

Ewan ko lang kung type ng Kapamilya network ang issue na ‘yun dahil si Marian na Kapuso ang nasa cover, at bale sa pinaka-last page naman si Carla Abellana, ang ilulunsad ng GMA 7 na bagong star nila sa Rosalinda.

Marami namang mga Kapamilya stars ang nasa listahan pero mas maganda ang exposure ng mga Kapuso stars.

Iyon daw ang lumabas sa matagal na pagtatalo nila, at ‘yun ang choice nila kaya wala naman sigurong kokontra pa.

Hindi ko lang alam kung ano ang reaksyon ni Bisaya diyan!

Nagkaroon nga ng press launch itong Most Beautiful issue na ito ng Yes! magazine at nakorner na naman doon si Marian ng intrigang sweetness nila ni Dingdong Dantes.

“Hayaan n’yo na kung ano ang nakikita niyo. Kung ‘yun ang tingin n’yo, bahala na po kayo,” safe na sagot ni Marian.

Marami na kasi ang nakapansin sa sobrang closeness at pagiging sweet nila ni Dingdong, at siguro hindi na kailangang tanungin pa kung sila na ba.

Tinanong naman si Marian kung kailan sila naging officially nag-on, napangiti na lang ito at wala na siyang nasagot. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Marian Rivera, napiling ‘most beautiful’ sa isang magasin!

  1. papanong lutong makaw? naman!!! kelangan pa ba iisplika kung bakit napili itong si marian? tignan ninyo ang bagong DARNA…hay naku pg di kayo mga naloka…….winner!!!! di lng darna dating ni marian…..

    WONDER WOMAN ang beauty!!!! maglaway ang mga ampalaya….!!!!! hahaha……..

  2. Congrats po ate Marian, ang ganda-ganda nyo po nakita po namin kayo sa Cavite. Ang bait nyo naman po pala tsaka nagjoke pa po kayo.
    Idol ko na po kayo.
    tsaka simple lang po kayo nung nakita namin kayo walang make-up pero ang ganda nyo po.
    Mahal po namin kayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.