Marian Rivera, nagpabuhat para ‘di maputikan by Alex Brosas

SUPER MAARTE NA nga ba itong si Marian Rivera?

Well, matagal na! ‘Yan ang say ng isang tsikadora na may konek sa isang network. And mind ‘ya, talagang nuknukan daw ng kaartehan ang Marianita.

Nakakatawa nga dahil minsan, ang mga drama niya talagang kuwela.

Sa taping daw ng Darna, naimbiyerna ang beauty ni Marianita. Say daw ng hitad, ayaw niya ng maputik, ayaw niya ng mabaho. Naku ha, parang drama ni Maricel Soriano iyon sa isang heavy drama movie, di ba?

Maulan kasi noon sa location nila sa Bulacan kaya naman maputik ang daan.

Alam n’yo ba ang ginawa ng isang staff para hindi marumihan ang paa ng Donya Marianita? Well, binuhat lang naman siya papunta sa kanyang location. Binuhat dahil nagpabuhat. Laugh nga daw nang laugh ang mga naka-witness ng pagbubuhat kay Marian.

At hindi pa doon nagtapos ang pagmamahadera ng Marianita. Once naman, nang dumating ito sa Darna taping, bigla raw itong nagdayalog ng “Andito na ang reyna na walang bulaklak sa tenga!” Siyempre, naloka ang mga nakarinig.

Tanong ng naka-heard, is Marian referring to Carla Abellana? Si Carla kasi ang may bulaklak sa tenga para sa role niya sa Rosalinda.

Is a war of the roses brewing in the GMA fold?

Tatanungin sana namin si Marian about this, kaya lang, bigla siyang naglaho sa presscon ng Show Me The Manny.

Anyway, bilib na bilib naman si Manny Pacquiao sa comic abilities ni Marian sa nasabing sitcom.

“Si Marian, magaling ang memory niya. Kabisado niya ang mga linya niya. Natural na natural siyang komedyante na kahit hindi magpatawa ay nakakatawa talaga,” say ni Manny.

HINDI NAMAN PALA nagkita sina Hero Angeles at Sandara Park.

Say ng kapatid ni Hero na si Henry, hindi nagkita at hindi rin nagtawagan ang dalawa mula nang dumating si Sandara for a three-day vacation dito sa bansa.

Nang tanungin kasi si Sandara habang nasa airport pa ay sinabi niyang sabik na siyang makita ang kanyang mga kaibigan sa showbiz. When asked kung kasama ba rito sina Joseph Bitangcol na ex-boyfriend niya, at Hero na nakaaway niya before, hindi kaagad nakasagot si Sandara.

Sikat na sikat si Sandara ngayon sa Korea dahil na rin sa hit single nila ng kanyang bagong grupo.

/o:p>9  @PsJ=MsoNormal>Sa pagsasabi ng ganu’n ay para namang hinuhubaran na natin si Willie, parang hindi na natin binibigyan ng pagpapahalaga ang araw-araw niyang pagho-host sa Wowowee na nagiging dahilan na nga ng kanyang pagkakasakit, parang hindi man lang natin binigyan ng kredito ang mga pagsisikap at pagsasakripisyo nu’ng tao kapag ganu’n ang pinalalabas ng iba.

Kayang-kayang bilhin at ipundar ni Willie ang kung anumang ari-ariang meron siya ngayon, hindi naman barya-barya lang ang kinikita niya araw-araw sa Wowowee, bukod pa ‘yun sa mga tinatanggap niyang talent fee sa pag-eendorso ng iba’t ibang produkto.

At hindi maaaring kuwestiyunin ang kayamanan ni Willie ngayon, nagbabayad siya ng tamang buwis, wala siyang dapat panagutan sa ating gobyerno dahil idinedeklara niya ang kanyang kinikita hanggang sa pinakahuling sentimo.

Kunsabagay, kahit ano na lang ngayon ay puwede nang ibintang kay Willie, sabi nga ng isang tindero ng buko na nakausap namin ay ang sarap-sarap kasing batuhin ngayon ni Willie dahil kumbaga sa puno ay hitik na hitik siya sa bunga.

Read Alex Brosas’ Blind Item: Playboy personality, foreigner ang puntirya

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJaycee Parker, wala pang anak by Gorgy’s Park
Next articleHulicam: KC Concepcion: Botante, for the first time!

No posts to display