Marian Rivera, nagmaldita sa isang commercial shoot?!

MARAMI ANG NAGTAAS NG kilay sa balitang 15 million pesos daw ang pinirmahang kontrata ni Iya Villania sa ABS-CBN for 3 years. May pinatunayan na nga ba para bigyang-halaga? Inamin kasi ng dalaga na desidido na siyang lumipat sa GMA-7 para mag-host kasama ang boyfriend na si Drew Arellano. Agad itong nabalitaan ng Dos kaya raw biglang nag-counter offer ang nasabing network. “It means they value me pala naman. Aside from Us Girls now, they’ll give me new shows, a news and public affairs, reality show and a soap,” say ng sexy star.

Hindi naman inamin ni Iya kung totoo ngang P15-M ang inalok sa kanya ng ABS. Basta ang sabi niya, super touched siya sa ginawa ng network. “It’s my manager who knows. But whatever it is, I’m happy, that I’m staying with ABS.” Nagpapasalamat din si Iya sa Kapuso network sa magandang offer na inalok sa kanya. “I really have to be thankful to GMA for showing their interest in me.”

AYAW TALAGANG PAAWAT sa pagmamaldita ni Marian Rivera. Umiral na naman ang diva attitude ng dalaga sa bago niyang commercial. Ayon sa tsika, pagdating daw nito sa set, agad inutusan ang assistant na sabihin sa production staff at director na wiz niya type mag-shoot sa labas dahil baka masira ang mala-dyosa niyang kutis sa init ng araw.

Kahit naiirita ang director at buong production staff pinagbigyan ang kahilingan ni Marian para matapos na lamang i-shoot ang commercial. Dismayado ang mga ito sa ipinamalas na primadonna attitude ng actress. Nga-yon sila naniniwalang totoo pala ang mga negative write-up na naglalabasan tungkol sa dyowa ni Dingdong Dantes. Pinagsigawan pa raw ng production staff na ayaw na nilang makatrabaho ang isang Marian Rivera na wala pa namang napapatunayan sa movie industry.

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ngayon ang diumano paglipat ni Sarah Geronimo sa TV5. Wala raw kasing project na naibibigay sa kanya ang ABS-CBN. Bukod dito, katakut-takot na intriga pa ang inaabot niya sa kapwa niya artista sa Kapamilya network.

Ayon sa aming source, malabo raw na lumipat si Sarah sa TV5 dahil ang expiration ng contract ng dalaga sa Dos ay late 2011 pa matatapos. May inihahandang bagong teleserye ang Kapamilya network para sa Young Superstar. Pero teka, bakit sa isang episode ng Willing Willie buong ningning na sinabi ni Willie Revillame na si Sarah ang magho-host ng isang bagong show sa TV5 na A Star Is Born?

Hindi nilinaw ni Boss Vic del Rosario kung may katotohanan ang mga bali-balita.

AYAW Paawat!

by Eddie Littlefield

Previous articleShalani Soledad, kumportable na kay Willie Revillame!
Next articleRampahan sa Peryahan

No posts to display