Marian Rivera, nagagamit sa pelikula nina Dingdong Dantes at Angel Locsin?!

NAKU! HINDI pa nagsisimula ang pelikula ni Dingdong Dantes sa Star Cinema, dinadamay na si Marian Rivera sa intriga.

Kasama kasi ni Dingdong sa pelikulang ito sina Angel Locsin at Angelica Panganiban. Pero dahil sa kabi-break lang ni Angelica kay Derek Ramsay, malamang na maiintriga raw ito kay Dingdong dahil may mga matitinding love scenes silang gagawin.

Medyo daring kasi ang pelikulang gagawin nila kaya hinuhulaan nang tiyak na pagseselosan daw ito ni Marian Rivera.

Nu’ng tinanong ang magkasintahan tungkol dito, tiniyak naman ni Dingdong na hindi na raw aabot sa ganu’n.

Trabaho lang naman daw ang sa kanila kaya hindi raw mangyayari ang ganu’ng intriga.

Nang tinanong naman si Marian tungkol diyan, ayaw niyang magkomento dahil hindi naman daw siya kasali sa pelikula. Huwag na raw siyang idamay.

Sana nga ganu’n, ‘di ba? Kasi baka magagamit lang si Marian sa publicity kaya mabuti na habang maaga ay huwag nang paabutin sa ganu’ng intriga.

Sabi naman ni Dingdong, may limitations naman daw ‘yun kaya hindi naman daw all-out ang pagka-daring nila rito.

Pagbalik nila galing sa ilang shows sa Amerika ay sisimulan na ni Dingdong ang pelikulang ito.

Si Marian naman ay sisimulan na rin ang pelikula nila ni Coco Martin. Pero siguro naman hindi na pagseselosan ni Dingdong si Coco, ‘di ba?

Nakatakda nang umalis si Dingdong pa-Amerika dahil tapos na ang taping nito sa My Beloved.

Si Marian naman ay hahabol dahil meron pa siyang mga eksenang kukunan sa My Beloved at magti-taping pa siya sa Tweets for My Sweet.

 

ANG DAMI na naman ngayon ang nagkainteres na i-guest si Sen. Lito Lapid sa mga TV shows dahil sa naging trending siya sa Twitter gawa ng speech niya sa Senado nu’ng ibi-naba nila ang hatol kay CJ Renato Corona. Tinalbugan niya ang lahat na mga senador na nagsalita dahil sa mga nakaaaliw niyang pahayag.

Kahit may mga ilang bumabatikos pa rin, hindi na apektado riyan si Lito. Basta nagpakatotoo lang daw siya.

Tamang-tama lang ito sa pagbabalik niya sa showbiz dahil may ginagawa itong drama series sa ABS-CBN 2, kaya sana iere na ito agad. Bumalik na nga si Lito sa taping ng drama series niyang Little Champ.

Kahit si Sen. Bong Revilla ay naging trending din du’n sa Impeachment Trial dahil siya kasi ang pang-16 na senador na bumoto ng “guilty” kay CJ Corona.

Ang inaabangan kasi ng lahat ay makabuo lang ng 16 votes, ‘yun na ang desisyon. Tamang-tama, pang-16 si Bong, kaya pinag-usapan din ito at nagpalakpakan ang halos lahat.

Sabi nga ni Bong, nahirapan din daw siya sa desisyon niyang ‘yun, pero kailangan daw niyang ibaba at gaya ni Lito, ginamit din niya rito ang kanyang kunsensiya at pinag-aralan din niya ito nang matagal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

31 thoughts on “Marian Rivera, nagagamit sa pelikula nina Dingdong Dantes at Angel Locsin?!

  1. I’ve never liked Sam & Anne loveteam. Hindi naman sila bagay pero masyadong maPDA. :p Pati yung Piolo & KC…..yuck!
    HINDI NIYO BA ALAM NA BADING PAREHO SI SAM AND PIOLO?
    Samantha and Piola naman kasi pangalan nila sa gabi. LOL!

    Pero naniniwala ako na bading sila pareho. Hello? Wag na kasi kayong magbula-bulagan. Oo, alam ko yung iba diyan may crush sa mga bading na ‘to at willing pa na ipagtanggol sila sa lahat ng nagsasabing bading nga. Sorry na lang sa inyo kasi hindi yan mga tunay na lalaki.
    Isipin niyo nga, ang tanung kang naman dito ay bakit nila hiniwalayan yung mga GF nila? Almost perfect na nga si Anne and KC! Wag niyong sabihin na hindi kasi sila karapatdapat. Ang sabihin niyo, para sa dalawang bading na ‘to, karapatdapat daw sila sa isa’t-isa.

    PIOLO AND SAM, KAHIT NA ANO PANG GAWIN NIYONG PAG DENY, HINDI KAMI TANGA PARA HINDI MALAMAN ANG TOTOO.

    Tingin ko, hindi hihiwalayan ni Dingding si Marian.

  2. I’ve never liked Sam & Anne loveteam. Hindi naman sila bagay pero masyadong maPDA. :p Pati yung Piolo & KC…..yuck!
    HINDI NIYO BA ALAM NA BADING PAREHO SI SAM AND PIOLO?
    Samantha and Piola naman kasi pangalan nila sa gabi. LOL!

    Pero naniniwala ako na bading sila pareho. Hello? Wag na kasi kayong magbula-bulagan. Oo, alam ko yung iba diyan may crush sa mga bading na ‘to at willing pa na ipagtanggol sila sa lahat ng nagsasabing bading nga. Sorry na lang sa inyo kasi hindi yan mga tunay na lalaki.
    Isipin niyo nga, ang tanung kang naman dito ay bakit nila hiniwalayan yung mga GF nila? Almost perfect na nga si Anne and KC! Wag niyong sabihin na hindi kasi sila karapatdapat. Ang sabihin niyo, para sa dalawang bading na ‘to, karapatdapat daw sila sa isa’t-isa.

    PIOLO AND SAM, KAHIT NA ANO PANG GAWIN NIYONG PAG DENY, HINDI KAMI TANGA PARA HINDI MALAMAN ANG TOTOO.

    Buti pa si dingdong, tunay na lalaki.

  3. ntawa nmn ako sa article na to hello xa pa ang ngagamit d2 ko lng ata ito narinig sa article mo lolit wow nmn pra nmn my nag boxoffice ng movie si marian wla ata xa sa top 20 highest grossing film ng pinas! nku ang sinungaling tlaga wag kang mag malinis remember the MMFF scandal todo deny pa sa una sinungaling gawa gawa ka na nmn ng istorya at mga slow nmn pniwlng pniwla na gngmit ang idolo nila na di convincing ang pag arte sa mga award giving bodies aber

  4. sobra  naman manlait k marian, bakit minsan na rin binansagaN LAOS SI ANGEL LOCSIN, hindi rin nag rate leleserye nila piolo. show nila ni robin dyan di rin nagrerate. at  marami din movie ni angel di naman kumita like the promise, kumita lang pelikula nya dahil k john loyd. magbilangan tayo ng teleserye at movie ni marian  at angel na nag rate. nakilala lang si angel ng mamatay si mico sotto. kumita lang ang darna at mulawin lumayas n ng GMA at nag mukhang pera sa ABS. NALAOS DIN SI ANGEL NG BINANSAGAN N WALANG UTANG N LOOB SA GMA. kaya kayo wag masyadong manlait k marian. hindi pa artista si marian rivera marami ng achievement. 6 yrs p lang si marian marami ng naging achievement compare sa iba. MARAMING SHOWS NG ABS ANG NAKATAPAT NG TELESERYE NI MARIAN ANG HINDI NAG RATE. TANGGAPIN NYO N ANG KATOTOHANAN.

  5. dong & angel dont need anybody for publicity. they have big names already. they both got major award previously. hello??? stop making non sense stories. who’s marian to compare for both of them?

  6. grabe talaga ang kepias ni marian at laging nagpapainterview at the expense of angel locsin’s movie. bwahahaha.

  7. IYANG PELIKULANG IYAN ANG ITATAPAT NG ABS SA PELIKULA NI ANNE CURTIS, DEREK RAMSEY AT KC CONCEPCION UNDER VIVA FILMS. NATURAL KAILANGAN NGA NAMAN PANDAGDAG SI MARIAN SA PUBLICITY PARA MAS LALONG MAG INGAY KAHIT WALA NAMAN KINALAMAN SA MOVIE. NAUNA NA NGANG GINAWAN NG MGA BAYARANG PRESS NA KUNWARI MAG SESELOS NA NAMAN SI ALING MARIANITA PARA YUNG MGA LUKA LUKANG FANSITAH NG ABS KUMO GALIT SA PAMBATO NG GMA PAMPARAMI NG COMMENT AT TALK OF THE TOWN. LUMANG STYLE PERO EFFECTIVE NA PUBLICITY PARA SA BOMBA FILMS NG STAR CINEMA.

  8. Pautot ng GMA yan na gamitin si Marian sa mga interviews tungkol sa pelikula nina Dingdong at Angel at Angelica para mapag-usapan ang lumlalamlam na career ng “Primteime Queen” nila kasi Luz Valdez ang ratings ng My Beloved na umurong sa Walang Hanggan at hindi na-extend.

  9. GRABE TALAGA MANGA GAMIT SI MARIAN NI HINDI NAMAN SIYA KASAMA DUN SA MOVIE PERO ISINISIKSIK NYA ANG SARILI SA MGA WRITE-UPS………..BWAHAHAHAHAHAHAHAHA………….SANA KAHIT KONTI AY MAINTERVIEW KUMITA ANG MOVIE NG LAOCENA DEEP NA ETO!………….MARIAN RIVERA YOU’RE STIPID!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!…….IKAW LANG ANG BALAHURA AT OVER SA PAG KA NEGA WALA NG IBA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  10. GRABE TALAGA SA SIKAT SI MARIAN NI HINDI NAMAN SIYA KASAMA DUN SA MOVIE PERO SIYA ANG FOCUS NG MGA WRITE-UPS………..BWAHAHAHAHAHAHAHAHA………….SANA KAHIT KONTI AY MAINTERVIEW DIN SI BALYENANG NGIWI TUNGKOL SA MOVIE………….MARIAN RIVERA YOU’RE NUMBER ONE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!…….IKAW LANG ANG SIKAT AT OVER SA GANDA WALA NG IBA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  11. juzko ha..pag naririnig ung pangalan na marian….ang laging kasunod si marian “UNG palengkera?, ” c MArian ung nang-agaw sa bf ni karryle ba yun?” -hahahahahah
    …………….am sure pang seselosan yan ni marian,,,eh ung iba nga kinukulong sa banyo,,praneng xe yan si marian…nagiging psycho na dahil sa ginagwang pang-aagaw..kaya akla nya lahat ng babae mg kakagusto sa jowa nyang akala mong ubod ng guapo e mukhang tukmol naman…ung mata mala tarsier.. don’t worry marian bagay naman kayu ni dingdong,..bagay ka sa bf mo din taksil

  12. oi..obvious nman na binabayaran c lolita tanda para isali c marian hahaha.. hay naku tandang lolita..my deperensya ka din sa utak noh! sino bang bumabanggit kay marian,,eh ikaw lang naman hahaha…kaloka!

  13. excuse me indi ginagamit si marian kundi si marian ang guamgamit dahil andun si dingdong? tama ba, at sino ba nagpapainterview wla pa sa cast si dingdong plang

  14. nakakahiya naman kay Marian.Sya pa talaga ang ginagamit,eh wala naman syang palabas na bumenta.manggagamit pa talga ang best actress na si Angel at ang leading lady ng box office hit na every breath u take na si Angelica?nakakahiya talga sa laos na si Marianita!tssk….

  15. Paano naman gagamitin si Marian Rivera eh wala pa naman naging pelikula iyan na maituturing na box-office hit?

    Si Angel bukod sa may box-office hit na nagka-best actress award pa.  Di ba, tumiba ang In the Name of Love sa takilya?

  16. Anon? BAket? Eh sa tinatanong sya ng Reporter eh! Ano gusto mo gawin ni Marian? Isnabin ang reporter? Edi tinawag nanaman syang mataray at maldita?? Ganyan nman kc sa showbiz konting galaw mo eh….gagawan ka ng storya me masulat lang….Hellooo!! 

  17. MAS SIKAT TALAGA SI MARIAN RIVERA kaysa sa isang Angel Locsin. Imagine, madami na ang gustong mag interview kay Marian tungkol dun sa movie ni Dingdong sa Star Cinema. MADAMI ng write ups. Samantala yung gaganap ng KONTRABIDA sa pelikula nina Dingdong at Angelica na ang istorya ay tungkol sa samahan ng mag asawang Dingdong at Angelica na sisirain ng KONTRABIDANG si Angel Locsin, yung Angel Locsin, WALAng interview, waley ZERO!

  18. agree ako…ni walang bumabanggit kay marian sa abs lalo na kung tungkol sa gagawing movie ni dingdong sa star cinema….at isa pa hindi naman talaga dapat pagselosan ni dingdong si coco dahil focus sa trabaho yung isa unless si marian mismo ang dumikit kay coco just like what she did with dingdong….yan ang hirap sa mang aagaw at taksil laging nakaabang kung gagawin din sa kanila ang ginawa nila sa kapwa nila.

  19. asus, sino ba painterview ng painterview di ba si Marian! d pa nga nakapagsimula dami n ng publicity ek-ek niya! sino ngayon ang nanggamit? d ba bayaran k n Marian?

Leave a Reply

Your email address will not be published.