MARIAN RIVERA, NAG-TOPLESS NA NAMAN!

NAGSIMULA NANG MAG-TAPING ang Amaya ni Marian Rivera at ngayon pa lang naging isyu na ang pagta-topless nila. Nu’ng nag-look test nga raw sila, nagulat si Lani Mercado dahil naka-topless ang lahat ng mga babae, pero ganoon daw talaga ang mga alipin nu’ng unang panahon.

Siyempre, hindi naman ‘yan puwede kay Lani kaya hindi nila napilit na mag-topless ito. Si Ma-rian naman, okay lang sa kanya dahil nagawa naman daw niya ito sa Dyesebel noon pa.

Ang alam ko na apektado nang husto ay itong si Sheena Halili dahil hindi raw siya talaga sanay sa ganoon, pero kailangan niyang gawin.

Madugo nga itong bagong project ng GMA-7 na tinawag nilang ‘epicserye’ dahil may historical churva ang kuwento nito. Abangan n’yo na lang dahil malapit na itong magsimula.

KA-CHEAP-AN NA ITONG away nina Angelica Jones at Illac Diaz, huh! Pera ang ugat nang pinag-aawayan nila ay dahil sa project na binuo nila sa Laguna. Sa pagkakaintindi ko, project ito ng My Shelter Foundation ni Illac na isang bottle school sa Laguna. Kay Angelica niya ito nai-propose dahil Board Member doon ang aktres. Pero ngayon, nagkagulo na sila dahil hinahanap daw ni Illac ang liquidations ng pondong naibigay niya kay Angelica.

Mahigit isang milyon na raw ang naibigay nila, wala pang nabuong kahit isang classroom man lang na dapat ay walo sa loob ng isang eskuwelahang itatayo. Nagulat daw si Illac na parang wala raw sa lugar ang mga gastos gayung isang classroom pa lang ang ginagawa, halos maubos na raw ang pondo.

Nilinaw ni Illac na hindi siya nagbibintang na ninakaw ang pera, pero baka hindi lang daw maintindihan ni Angelica kung saan dapat gastusin ang pondo. Kasi, sa gasolina pa lang daw naka-P50 thousand na gayu’ng tingin naman daw nito, hindi na kaila-ngang umabot sa ganoon dahil construction lang ang ginagawa nila at hindi naman kailangang magbiyahe nang magbiyahe.

Malinaw ang inilatag ni Illac na mga papeles at kasunduan nila ni Angelica, pero hindi raw nito maipaliwanag ang mga nagastos, kaya nagkagulo na. Umabot na sa demandahan, dahil ang sabi ni Angelica, pinagsisigawan siya ni Illac at sinabihan daw siyang magnanakaw.

Itinanggi naman ito ni Illac, dahil si Angelica raw ang unang nagwala nang magkita sila sa site at pinagsusuntok daw siya. Hindi raw niya namalayan, nasa likod din niya si Mommy Beth at biglang sinabunutan daw siya. Kaya nagsalita raw siya sa mga tao na ganito ba ang Board nila sa Laguna?

Bukod pa riyan, naligaw na ang isyu dahil nadamay na si Julia Clarete na girlfriend ni Illac. May isyu pang nali-link si Illac kay Angelica, pero ang sabi naman ng una, pilit na inililigaw ito ng huli para hindi maungkat ang totoong isyu: Saan napunta ang pondo para sa Laguna Bottle School na ‘yan?

Ang pagkakaalam ko, makikipagmiting si Illac sa ilang officials ng Laguna para maliwanagan sila ng totoong nangyari, dahil gusto pa rin nitong ituloy ang project na hindi na involve si Angelica. Ang sabi naman ng Board ng Laguna, gusto rin nilang ituloy basta sabihin lang daw ni Illac ang buong katotohanan.

Hay, naku! Abangan n’yo na lang bukas sa Startalk TX ang mainit na balitaktakan ng dalawa. Ka-cheap-an lang dahil pera ang pinag-aawayan nila!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

27 thoughts on “MARIAN RIVERA, NAG-TOPLESS NA NAMAN!

  1. sana at peace na sina angelica at illac…

    ganda ni angelica at blooming ang lovelife ni illac…ewan lang kung anu yung issue na on the rocks ngaun ang lablife nila ni julia clarete…

  2. si matian aayaw sa topless? hahaha jan nga nya na bingwit si dindong…as if nmn hihinde yan kahit hubaran mo pa yan basta bet nya ang ka loveteam nya gogogogo yan kahit di mo pa sabihin.. infairness masunurin

  3. ang tagal naman ng amaya…

    to sheena kung bothered ka gawin wag na lang girl kasi baka mahirapan ka pa huminga niyan,ayong kaibigan ang…

    to GMA saka na lang magsalita kapag handa na ang lahat…sa hina ngaun ng telebabad ninyo hindi solusyon ang mga isyu2x na yan para umangat ang ratings or better yet before you think of the ratings, think first kung paano mapapaganda ng husto ang inyong shows in terms of artists performance and story lines…infairness nandiyan nagun si mon confiado, may artist uality na rin keo…

  4. ok lang n magtopless..kasi nga before nahubaran siya sa SOP..HEHEHE..kita dibdib niya..sanay na sanay na yan c Marian..

Leave a Reply

Your email address will not be published.