Marian Rivera, nag-iipon ng pondo para sa isang libong bangka

Marian-RiveraBONGGA PALA ang pinagkakaabalahang project ngayon ni Marian Rivera para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.

Sa tulong ng ibang kaibigan, nag-iipon si Marian ng mga pondo para sa mga bangka na ibibigay niya sa mga mangingisda na apektado ng Yolanda sa Cebu.

Balak daw niyang makabuo ng mahigit isang libong bangka na ipamimigay niya sa mga taga-Cebu para maipagpatuloy  nila ang buhay nila sa pangingisda. Hindi naman araw-araw aasa na lang sila sa relief goods na pinamimigay.

Kaya gusto niyang makatulong na makaahon sa trahedyang ‘yun. Ganundin nga ang tinatrabaho ngayon ni Dingdong Dantes ng kanyang yes Pinoy Foundation, nasa rehabilitation na sila, dahil hindi naman puwedeng puro na lang relief goods ang tulong na ibibigay mo. Dapat tulungan na silang maibalik ang normal na pamumuhay.

Sa totoo lang, malaki talaga ang impluwensya ni Dingdong kay Marian, kaya bagay na bagay talaga sila at mauwi na sa kasalan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Marian Rivera, nag-iipon ng pondo para sa isang libong bangka

  1. Pingback: Marian Rivera, nag-iipon ng pondo para sa isang libong bangka - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.