Marian Rivera, Mocha Uson’s Sexual Fantasy

KAHIT MAY MASAMANG karanasan siya noon kay Marian Rivera, very vocal pa rin si Mocha Uson na ang girlfriend ni Dingdong Dantes ang pinaka-crush niya sa lahat ng babaeng artista ngayon.

Sa kanyang official blog (http://www.mochauson.com), binanggit ng bisexual singer ang ilan sa mga gusto niyang makatalik na babae. Ilan sa mga binanggit niya ay sina Angelica Panganiban, Rhian Ramos at Iwa Moto. Numero uno sa listahan si Marian at ikinuwento pa nito ang kanyang wild fantasy sa piling ng Primetime Princess ng Siyete – ang BDSM (Bondage Discipline Sado Masochism) ang trip i-apply ni Mocha kay Marian.

Hirap daw muna bago ang bonggang sarap! Ano kaya ang masesey nina Marian at Dingdong dito?

ALJUR ABRENICA, PINAG-AAGAWAN NINA BELA AT KYLIE PADILLA?

Machong-macho talaga si Aljur Abrenica ngayon at hindi lang dahil sa pagganap niya bilang Machete. Magpinsan lang naman na parehong magaganda ang nili-link sa kanya ngayon.

Kalat na kalat ngayon sa showbiz ang umano’y relasyon nila ni Kylie, ang isa sa babaeng anak ni Robin Padilla. Hindi itinanggi ni Aljur na espesyal sa kanya ngayon si Kylie, pero nilinaw niya na hindi niya ito nililigawan pa.

Umamin kamakailan si Bela na crush niya ang dating leading man. Nang malaman ito ni Aljur, nag-blush ito, sabay amin na naging crush din niya ang aktres. Parehong malapit sa puso ni Aljur ngayon ang magpinsang Bela at Kylie.

Sino kaya sa dalawa ang tunay na iniibig ng hunk leading man ng Siyete?

MATTEO GUIDICELLI, PAGSASABAYIN SINA KIM CHIU AT MAJA SALVADOR!

Masayang-masaya ngayon si Matteo Guidicelli sa kanyang hosting stint sa Happy, Yipee, Yehey.

Certified box-office hit nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na Catch Me… I’m in Love kung saan ay kasama rin siya. Ngayon ay nili-link si Matteo kay Maja Salvador dahil malapit nang ipalabas ang pelikula nilang Basted under Star Cinema.

Inamin ng aktor na type niya ang dalaga at isa itong inspirasyon para sa kanya. Si Kim Chiu naman ang magiging leading lady niya sa upcoming primetime series ng Dos na Binondo Girl.

Ang lupit ni Matteo, huh?! May Maja na, may Kim pa!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Marian Rivera, Mocha Uson’s Sexual Fantasy

Leave a Reply

Your email address will not be published.