Marian Rivera, magandang birthday gift kay Alden Richards

Alden-Richards-Marian-RiveraMAITUTURING DAW para kay Alden Richards na birthday gift ang kanyang biggest soap as of now sa kanyang career, ang Carmela, dahil kapareha niya rito ang GMA 7 Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nag-birthday last January 2 si Alden at happy nga siya dahil isa ang kanilang soap ni Marian sa buena mano ng Kapuso Network na magsisimula nang umere sa January 27.

Happy nga ang mabait na aktor dahil sa magagandang feedback na naririnig nito sa mga nakapanood ng teaser ng serye, kung saan marami ang nagsasabing maganda ang tandem nila ni Marian at bagay na bagay silang dalawa.

At kahit nga si Direk Dominic Zapata ay nagsasabing maganda ang chemistry ng dalawa at parehong marunong umarte at maganda pareho ang rehistro sa screen. ‘Di pa man nag-uumpisang mapanood, marami nang nag-aabang nito at nagsasabing kinikilig sila sa tambalan ng dalawa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Marian Rivera, magandang birthday gift kay Alden Richards

Leave a Reply

Your email address will not be published.