Marian Rivera, magandang birthday gift ang mataas na rating ng Sunday show

Marian-RiveraMAGANDANG BIRTHDAY gift na rin daw kay Marian ang mataas na rating ng Sunday Pinasaya.

Ngayong araw ang kaarawan ng GMA Primetime Queen at siyempre ise-celebrate nila ito ni Dingdong Dantes kasama ang buong pamilya.

Pero nu’ng kamakalawa ng hapon ay nagkaroon ng thanksgiving mass kasama ang mga fans at ilang miyembro ng press na ginanap sa Makati Sports Club.

Ipinost nga niya ito agad sa kanyang Instagram account para roon na rin niya iparating ang pasasalamat sa lahat na nagmahal at nakasama niya sa kanyang journey bilang Mrs. Dantes.

Sabi niya; “Marami akong ipinagpasalamat sa buhay ko. Isa na roon ang pagkakaroon ng ganitong mga tao na sobrang magmahal sa akin—sa asawa ko, at sa anak ko na nasa tiyan ko pa lang.

“Salamat sa araw-araw na pagdarasal n’yo sa pamilya ko. Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit masarap mabuhay, dahil kayo ang isa sa mga nagpapatunay na ang pagmamahal ay walang hanggan.

“Maraming salamat sa pagiging mabuti ninyong mga tao, at palagi n’yo itong tatandaan; mahal na mahal ko rin kayo… hanggang sa pagtanda ko, isa kayo sa masasabi kong naging magandang parte ng buhay ko, na kailanman ay ipagpapasalamat ko sa Panginoon.

“Mabuhay ang mga tao na katulad ninyo na may busilak na kalooban at totoong nagmamahal. Nawa’y pagpalain pa kayo ng ating Ama sa langit.”

Ikinuwento na rin doon ni Marian na ang dami na raw niyang napamiling mga gamit ng baby. Meron na nga raw siyang bag para sa baby niya. Bongga, ‘di ba?

Happy birthday kay Marian na isa sa pinakatotoong tao sa showbiz.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “Marian Rivera, magandang birthday gift ang mataas na rating ng Sunday show

  1. GMA Wala nA Ba KAYONG bang artista kaya lapit NA KAYO ma bankrupt panay Career Lang Ni Marian inatupag NYO kaya Kayo nilalayasan nG mGa artista Nyo booo! Hahaha

  2. PARANG SAS LANG ABOT LANGIT ANG RATINGS SA AGB PERO AFTER TWO YEARS TIGOK MABUTI NAKA TWO YEARS DAPAT NGA ONE YEAR LANG

Leave a Reply

Your email address will not be published.