Marian Rivera, kapansin-pansin ang pagbabago ng ugali

1 Marian-RiveraKAKAIBANG ATTITUDE ang gustong i-project ni Marian Rivera sa press launch ng Ginebra San Miguel calendar 2014. Ang nasabing event ay inihahandog  para sa nalalapit na 180th anniversary ng flagship brand Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa susunod na taon. Daring and sexier ang tatlong posing/ layout ng dalaga for the calendar 2014. Naging image model na rin siya noong 2009.

Ayon kay Marian, mas may confident siya ngayon kaya nagawa niya nang tama ang daring pictorial. Natutuwa siya dahil maganda ang naging resulta at nagustuhan ito ng mga big bosses ng Ginebra. Bago i-finalize ang layout, pinaa-approve muna ito sa actress.

Kailan lang, she was voted the sexiest female celebrity in the country by FHM Magazine. Naging lead star ng GMA -7’s top-rating primetime soap Temptation of Wife and Star Cinema’s and Reality Entertainment’s Kung Fu Divas with Ai-Ai delas Alas. Malapit nang simulant ang upcoming series niya “One Day, Isang Araw: Ang Sikreto ni Milette sa Kapuso Network.

Marian-RiveraKalian naman kaya gagawa ng pelikula together ang mag-sweetheart na sina Dingdong Dantes at Marian?

Paliwanag ni Marian, “One at a time, hindi ko pagsasabayin ang TV at pelikula. Sa ngayon, concentrate muna ako sa bago kong soap. ‘Yung movie with Dingdong, hindi ko masabi kung kailangan. Depende siguro kung may magandang material na babagay sa aming dalawa na kakaiba ang story. If ever, may magandang script at maluwag pareho ang schedule namin, why not?”

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa pag-uugali ngayon ni Marian. Napaka-sweet niya sa entertainment press nang hapong ‘yun lalo na sa Q & A portion. Sinasagot niya nang walang katarayan ang mga katanungan ng press nang maayos kahit medyo bastos. Game naman ito, ngingiti lang siya kapag ayaw niyang sagutin ang tanong. Hindi tulad ng dati, bara-bara kung sumagot. Kapag wiz niya type ang nagtatanong, tatarayan niya ito. Malaki ang pinagbago ng character ni Marian simula nang lumayas ito sa poder ni Popoy, totoo pero hindi bastos. Tahimik na nga ngayon sa mga negative issue ang actress.

Totoong pinaghandaan ni Marian ang pictorial para sa calendar 2014 ng Ginebra San Miguel. Diet, exercise, zumba (pampaliit ng baywang) ang ginawa niya. Kailangang maging alluring and sensual ang actress sa mga kuha ng photographer na si Marc Nicdao, at Liz Uy ang stylist, na kinunan sa Batangas, Boracay at Palawan.

Three different layout na naka-two-piece bikini ang ginamit ni Marian for the poster ng Ginebra calendar 2014. “’Yung first layout na naka-yellow bikini ako, mas relax ang posing ko du’n. Hindi ako nahirapan, madali naming natapos ni Marc. ‘Yung red bikini, mukhang mamahalin ang dating ko du’n sa poster. At ang pinakamahirap na pictorial ko ay ‘yung naka-white two piece ako dahil aahon ako sa tubig tapos saka ako kukunan, paulit-ulit ‘yun pero enjoy, ” kuwento ng dyowa ni Dingdong.

Walang naging problema habang pini-pictorial si Marian sa beach, may mga barangay tanod na nagko-control sa mga taong gustong masilayan ang kaseksihan ng dalaga. Sobra raw ang ginawang pag-aasikaso at suporta sa kanya ng grupo ng Ginebra. Para nga raw siyang reyna sa set, “Totoo ‘yan, kaya nang malaman kong gusto uli nila akong kunin for the second time para maging calendar girl for 2014, agad-agad kong tinanggap. Hindi naging problema ang talent fee dahil tiwala ako sa support na ibinibigay nila sa akin,” papuring sabi ni Marian.

Sa takbo ng career at lovelife ni Marian, wala na nga yata siyang mahihiling pa. Hindi raw sa lahat ng pagkakataon  ay kailangang humingi sa Panginoon. Dapat daw magpasalamat tayo sa mga blessing na ibinibigay niya sa atin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

31 thoughts on “Marian Rivera, kapansin-pansin ang pagbabago ng ugali

  1. Ulol. Inggit lang kayo kay marian…ubod ng ganda…mabait…may super gwapong bf…at mayaman. Tawag jan inggit! Marami syang tinutulungan pero di pa grandstand. Maraming magandang bagay nangyayari sa kanya kasi mabait siya. Kayong namimintas at bitter ke marian maganda at pinagpala ba kayo? Hoh di ba HINDE! So…kaya kayo ganyan ke marian…di kayo happy sa kapwa nyo kasi wala kayo nung meron cya. Belat!

  2. Nyahaha. Bait baitan ang peg ni Inday Riburat Floptsina kasi ramdam na ramdam nyang humina ang karera nya sa pagiging PALENGKERA! Kaya kabig kabig muna pag me time ng ugaling PALENGKERA. Nyahaha….

  3. Isa iyan sa requirements sa pinirmahan niyang kontrata sa SMC: ang baguhin ang pakikitungo sa media/pagbabago ng ugali habang naka kontrata siya sa Ginebra.

    Besides, bakit si ex-manager Popoy ang sisisihin sa ugali niya eh UGALI niya iyon harharhar! kailangan niyang magpakaplastik para babalik ang GRASYA :D

    • nyahahahhaha,,ganyan talaga ang sinuswerte,,,hahahahha Milyones na naman ang nakuha niya diyan,,,,hahahah pinakamalaking TF natangap ng isang calendar girl ng ginebra,,,hahahah si Marian yun…

    • yahahahah si Marian kung kailan malapit ng maging liyebo tres ay lalong nag mumukhang bata, at lalong gumaganda at sumeseksi,,,,si Angel, habang nagkakaidad din ay lalong nagiging jubis at nagmumukhang Matrona,,,hahahahha

    • HANGGANG NGAYON, BINABASH SI MARIAN AT GANUN PA RIN ANG INYONG MGA HINAING. PERO TINGNAN NIYO ANG ESTADO NIYA, SIKAT PA RIN. SAMANTALANG IKAW, HAMAK NA BASHER PA RIN. ..

      • Nyahaha. As ALWAYS!! MAJOR HIT nnmn! Labas labas kasi ng Pinoyparazzi pag me time. Thanks po sa LAHAT ng mga nanood. Kita kits ulit sa Nov. 30.

      • nyahahahah nandun ka ba? nasa FIELD ka ba..kaya nasabi mong Major Hit..hahahhaha…baka naman Major FLOP,,,kunti ang nanood…. para kang si Korina Sanches ah….umaasa lang sa report ng news writer,,,,hahahhaa wala sa FIELD,,,hahahah are you SURE…..baka gusto mong mag iba ng pananaw..may oras pa ha Chicharot,,,wahahaha

      • Nyahaha. Marunong ka bang magtwitter? Mag IG? Check mo pls. ang mga posts ng mga KARANIWANG tao na mga nanuod at ng MASUPALPAL ang chaka mong fez. Nyahaha. At FOR SURE!!! LAGPAS naman nyan sa nanuod ng MAJOR concert DAW ni JulieBaba na hindi pa NAPUNO ang 700 SEATER na MUSIC MUSEUM. Nyahaha. HongCheap! At PLEASE!!! Me REPEAT ang concert ni Sarah sa BIGGER venue pa kesa sa ARANETA na sa MOA ARENA. At meron pa isang REPEAT sa CEBU namn. Nyahaha. Bakit kaya si JulieB hindi man lng makarepeat sa 700 seater na Music Museum?? Nyahaha.

      • nyahahahah saan ang Focus dun ba sa may mga tao hahahaha eh papano naman yung mga walang tao,,naka FOCUS ba,,,alam mo ba na ang nangyari sa Production nilang tatlo, Sarah. Leah at Regine,,,hahahha sige nga alamin mo,,,,hahahah

      • nyahahaha diba na post ko na yung telepone number dito ng Music Museum,,,nakapagtanong ka ba,,,hahahaha maaga palang Sold-Out na,,,hahahha eh yung Concert ni Sarati sa Big dome SOLD-OUT ba?,,,,,hindi nga napuno ang Bigdome baka lalong hindi na mapuno ang MOA…kung ganyan lang ang performance niya,,,,may bago ba,,,sa kanyang Style,,,o lalong nangangarag na,,,,ang boses,,,hahahha to see is to beleive Chicharot

      • nyahahahah ang napuno ay yung kapamilya Benefit concert nila hahaha yun napuno yun,,,hahahahha dahil nag libre sila ng Ticket sa Gen admin at Upper Box…namigay sa Examiner st….sa bahay ni Kuya,,,lahat ng nag Volunteer sa Repacking pati sa mga nag Donate hahahaha talagang manonood sila,,libre ticket eh bale yun ang bayad sa kanila ng pag Volunteer,,nyahahahah

      • Nyahaha. Namigay?? Proof pls.. Post ka ng pics o posts ng mga volunteers na binigyan sila ng tickets. O kaya ipost mo rito mga usernames ng mga nabigyan at ng macheck sa FB, IG o Twitter. Nyahaha. Ay napuno daw pala yung Music Museum na ginagawang STAGE lang ng Banananite ni JulieB! Bakit kaya WALA MAN LANG IMMEDIATE FOLLOW UP? Nyahaha. ALAM NA!!!

  4. According po sa “The Ryzza Mae Show” ipinapa auction po niya ung mga damit nya and ung na pag bentahan ay idodonate nya sa nasalanta ng bagyo.. sana naman po wag puro negative side and tignan natin.

  5. Hey Marian…you are obligated to share your financial blessings to other people. that is what is in.the bible. Counting at all your millions of earnings and parang we.didnt even hear you donate even at least 3 million to yolanda victims {which u can easily afford to donate in cash). While other stars who are earning lesser are able.to donate cold cash and.volunteer na walang arte…pls lang mga fans, mag isip kau..pinapayaman nio mga artista na gaya ng

    • I agree! Wag suportahan.ang mga gaya ni marian rivera na hindi marunong.mag share…mga fans.bakit di nio na.lang gastosin sa mga needs nio ang pera na.ginagastos nio para panoorin.or subaybayan ang taong.ito??pinapayaman nio ang mga ito samantalang mas need nio ang pera..

      • yahahah sigurado ba kayong, hindi na nag Donate si marian, ng maraming Pera,,,hahahaha yun ang akala ninyo,,siguro ang alam ninyo ay yung ipapa Auction lang niyang damit hahahaha,,,maraming Foundation ang tinutulungan ni Marian,,kasama na doon ang Foundation ni Dong,,,,tahimik lang lang siyang tumutulong,,hahahahha di tulad nina Kris at Angel at iba pang starlet ng Katol Network,,kuntodo pa pa picture, at press release,,sa mga TULONG nila hahahahha,,mas maganda na lang kung tahimik na tumutulong,,,mas pagpapalain pa yun, kaysa sa taong,,,gusto nasa News palagi siya,,kung tutulong siya,,,,hahahha

      • KAHIT NAMAN KELAN, KAHIT ANO ANG GAGAWIN NIYA, NEGA PA RIN. PERO AT LEAST SA MGA ARTICLE NIYA, MAY GINAGAWA SIYA NA PROJECT AT HINDI KAGAYA NG IBA DIYAN NA NAGKAKA-ARTICLE NGA PERO TUWING MAY DISASTER LANG NAMAN…..OO MAY PINARIRINGAN AKO, KASI TOTOO NAMAN!!!

    • ..i think po it’s not her responsibility or obligation to donate and don’t compare kung magkano ang idodonate nya or idinonate niya for as long as wholehearted nya itong ibinigay o ibibigay…my mga tao nman din po kasing malaki ang idinonate pro di galing sa puso,useless din nman po cguro un…isa pa,kung lahat ng taong kumikita eh obligasyong magdonate, mas ipagdadasal n lng po cguro nung mga less fortunate ang masalanta pra bigyan cla ng donation,hndi ho ba?kau po ba nagdonate na po ba kau?let’s just be thankful sa lahat ng mga taong nagbibigay ng tulong at wag n lng po ntin kwentahin kung maliit ba o malaki ang idinonate…let’s see the bright side not the evil side of others…

  6. Marian wala ka.naman atang.ginagawa para tumulong sa mga.mahihirap at nasalanta ng Yolanda! Sa dami ng kinita mo at ng kasintahan mo pwede kayong mag donate k ng milyon sa mga nasalanta! Howcome u need to auction your clothes bago ka magbigay sa mga in.need???my goodness, perahin.mo na lang kesa iaasa mo sa pera ng ibang tao ang pantulong mo…yung mga clothes na.iyan are free na.galing sponsors.mo.din!! here in america we dont support actress like you who are selfish and just cling.on.to your.money becuase u earn them!! BIBLE SAID YOU

    • alam mo hindi ka nagbabasa ng Bible,,,,hahahaha mas gusto ng nasa taas na tumulong ng tahimik, dahil siya ang nakakalam noon,,,,ang taong mapaimbabaw sa pag tulong sa kapwa ay kanyang hindi pakikinggan,,,teh basa basa pa ,,atsaka huwag munang idadamay ang Bible dito,,,,

      • Di kiTA PAPATULAN KSI U ARE NOT READING THE BIBLE! PURO TSISMIS KE Mrian ang binabasa mo and yun ang trademark niong mga fans nia….so cheap hobby!

  7. walang mahihiling pa? hindi kaya! puro flop lately ang mga naging pelikula niya. kaya nga FLOP QUEEN na ang bansag siya ngayon. kaya nagbabago ng ugali yan ngayon na nagbabait-baitan e dahil narerealize na niya siguro ngayon na walang pupuntahang maganda ang NAPAKAPANGIT NIYANG UGALI AT NAPAKASAMANG BUDHI!. kaplastikan lang yan! kasi kailangan nyang magpakabait! TANGA LANG ANG MANINIWALA PA SA PAGBABAGO NYAN. NAKAGUHIT AT NAKATATAK NA ANG PANGIT AT MAITIM NA BUDHI NYAN!

    • May sira talaga utak nitong kwekwek. Tama naman si Marian na hindi lang palagi humihingi sa Diyos, we should all learn to THANK THE LORD Almighty!. You should try that sometime to straighten your head!

  8. Mahusay na pagba balitang artista di pulos negatibo , ganyan dapat ang iba pang ksamahan sa panulat ni Mr.Eddie Littlefield! Gaganahan ka pang basahin kasi di inuumpisahan ng nega, may magagandang artikulo din naman si Marian pala ditto sa pinoy parazzi gaya ng kay Manay Lolit at si EL . Good Job !

Leave a Reply

Your email address will not be published.