Marian Rivera, kabado sa ibubulgar ng ex-BF?!

HINDI NATUTUWA SI Marian Rivera sa naglalabasang isyu ngayon, na parang inaabangan ng marami ang pagsasalita ni Ervic Vijandre tungkol sa nagdaan nilang relasyon. Ngayon kasi ay pumapasok na rin sa showbiz ang ex-boyfriend niyang unang nakilala sa showbiz dahil sa pagiging model. Wala naman daw kasing dapat ipangamba ang reyna ng GMA-7 dahil dati na ay mayroong mga nag-attempt na interbyuhin at pagsalitain si Ervic, umiiwas magsalita ang modelo.

Pero kakaiba raw sa pagkakata-ong ito dahil seryoso na si Ervic sa kanyang pag-entra sa showbiz. Baka raw matukso na ang binata na magsalita tungkol kay Marian para mas lalo siyang pag-usapan. Nauna rito, noon daw unang lumantad ang guwapong modelo ay mayroong mga taong nakiusap, na kung gusto niyang mag-artista ay huwag niyang gamitin o siraan si Marian, dahil matagal din naman ang itinagal ng kanilang relasyon.

Hindi naman interesado si Marian na mapag-usapan pa si Ervic, lalo pa’t ang karelasyon na niya ngayon ay si Dingdong Dantes. Pero aware si Marian, na ang gustong marinig ng mga tao sa kanyang ex-boyfriend ay kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pero, ganu’n daw talaga ang relasyon, kahit manggaling sa magandang simula, nangyayari talaga na nauuwi rin sa hiwalayan.

VERY SUPPORTIVE NAMAN si Eula Valdez sa movie career ng kanyang boyfriend na si Rocky Salumbides, na kasama nga ngayon sa kontrobersiyal na pelikulang Tarima na pinagbibidahan ni Fanny Serrano.

Para naman daw talagang bata si Rocky na nagpapaturo kay Eula ng maraming bagay at sistema sa showbiz na ‘di pa niya alam bilang baguhan. Bilang mas nauna nga sa showbiz, igina-guide naman daw ng aktres ang karelasyon na mas bata kesa sa kanya.

Nagtatagal na rin ang relasyon nina Eula at Rocky. Hindi na nagpapaapekto ang magaling na aktres sa mga nagtatanong sa kanya kung papaano niya iha-handle ang sitwasyon, kung ang kanyang boyfriend ay may makilalang mas batang babae sa showbiz at ligawan? “Negative ‘yon. Ayokong isipin. Pero, ang nakakabilib naman kay Rocky, siya talaga ‘yung nagpapakita sa akin ng mga patunay, na hindi ako dapat mag-isip ng gano’n. Mahal niya ako, kaya mahal ko rin siya,” wika ng aktres.

Naaaliw si Eula dahil ngayon daw, bukod sa papuri na marunong palang umarte si Rocky, magaling na rin daw sumagot kapag iniinterbyu ng press. “Parang nagsisimula pa lang din naman siya, kaya huwag naman tayong masyadong mag-expect ng sobra sa kanya. Pero ang nakakaaliw lang kay Rocky, gusto niyang magpursige para mapansin naman siya sa showbiz,” tsika pa ni Eula.

SOBRANG NAGAGANDAHAN AT nababaitan si Coco Martin kay Erich Gonzales. Pero bulilyaso pa rin ang dapat sana’y plano niyang pagpaparamdam ng ligaw sa young actress. Marami pa kasing inaasikaso ngayon ang magaling na aktor tungkol sa mga pagsasaayos ng maraming parte ng kanyang buhay. Iyon ang pumipigil sa kanya sa kasalukuyan para ipagpatuloy ang masugid na panliligaw sa mga babaeng nakikilala niya sa showbiz.

Sobra ang pagpapahalaga ngayon ni Coco sa magandang takbo ng kanyang movie career. Alam niya sa kanyang sarili na ito ang panahon ng mga suwerte sa kanyang pagiging artista, kaya ayaw niyang sayangin ang pana-hon at pagkakataon para mas matutukan pa niya ang kanyang trabaho. Hindi rin siya waldas sa perang kanyang kinikita dahil ang priority niya ngayon ay ang matulungan ang kanyang pamilya. Iyon ang isang magandang layunin niya sa buhay bago isipin ang tungkol sa mga personal na bagay na may kinalaman sa kanyang kaligayahan.

Hindi na bumabata si Coco. Hindi raw naman mangyayari ang tumanda siyang binata. “Una-una lang kasi ‘yan. Dati-rati kasi, palagi akong nagdarasal na magkaroon ng maraming trabaho nu’ng nagsisimula pa lang ako sa showbiz.  Nangyayari na nga ‘yung kaabalahan na ‘yon, kaya ayokong magreklamo kahit na mapagod ako,” katuwiran ng aktor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

32 thoughts on “Marian Rivera, kabado sa ibubulgar ng ex-BF?!

  1. nagrow naman ung relationship nila diba? wag na tayong manisi… dahil mahirap ipilit ang ayaw… masasaktan lang si karylle kung hindi nya pinkawalan si dong.. kung masaktan man si marian bandang huli, mararamdaman nya din kung anu ung naramdaman ni karylle. =)

  2. ang lakas ng dating ni psychology.tsk tsk tsk! pababa ng pababa ang kanyang balakang..palaylay ng palaylay ang kanyang boobs..hehe thats me marian

  3. todo deny talaga c marian wen it comes 2 her past!i read in the article of cosmopolitan mag asking her about her past.she doesnt want to talk about her anymore.hahaha!lumalabas na ang totoo.akala mo kung cnong anghelita yun pala ay demonyita at palengkera!!boo!!

  4. aysus nagsalita nnaman ang mga maninira,,para naman s buong mundo eh c marian lang ang nang agaw ng jowa,,,,
    kasalanan nya kung nagus2han siya n DD?
    eh ano maggawa natin kung mukang kabayo c karylle?
    c karylle nang agaw din naman,,to think n bestfrend nya p c toni,,aysus,,pare pareho lang yan,,,,
    ung iba nga asawa ang inaagaw,,,,,

    • Parang mas gusto ko si Karylle. Mukhang malinis, mabango at classy ang dating. Malumanay magsalita. Maganda ang breeding. Mahilig pa sa sports events at ganda nang balakang at hita kapag naka shorts at nakikitang tumatakbo. WALA KA RIN MAKIKITANG VIDEO NA NAKIKIPAG BANGAYAN SIYA SA FANS. KARYLLE IS ONE CLASSY LADY.

    • oo nga!tama si Kirina!!Paanong mang-aagaw si marian eh samantalang inamin ni dingdong na sya ang unang na-inlove!at tsaka mang-aagaw din si Karylle noh!nung umalis si Toni sa pilipinas eh tsaka naman inagaw ni Karylle si dingdong!!biruin mo ba naman tinraydor nya ang sarili nyang bestfriend!!

  5. bakit kabado ang matandang hitad na yan kung wala syang itinatago sa naging relasyon nya noon kay ervic? hahaha…

  6. para lang mapag usapan yang ervic na yan..dapat talaga idamay c marian! gawa ka ng sariling pangalan dong! wag ung pasabit sabit ka kay marian! move on na dong! wag na kalkalin ang past!

  7. hahaha ayan na marian malalantad na ang pang iiwan mo kay ervic dahil sa kalandian mo inagaw mo ang boyfrend ng may boyfrend.tsk tsk landiiiiiiiiiiiii!!!!!

  8. Ange ganda ni marian di tulad ng idol kong si anghit laosin! laos na laos na sya.. yuck./…. ang panget ko pa…. mukha akong kabayo

  9. kaya nga ano ito ibang mo ulit isa ka pa na mang aagaw ng may bf sa iba…….hala takot xa kasi malalaman na may anak sila……laoooooosssssss na itong babae na ito….kaya takot syang may ibang katabi si dingdong nahuhulog ang mga mata sobrang kalakihan…….pano baka gawin ginawa nya kay karyllleeee na inagawan nya…landi …laoooosssssssssss

    • hoy Mayeth!!umalis ka na nga!!naiirita na ako sa mga banat mo ha!alam mo napapansin ko na halos lahat ng mga balita kay marian eh may mga banat ka palagi!…ikaw ba eh galit lang talaga sakanya o hindi mo maamin sa sarili mo na INSECURE ka lang talaga kay MARIAN RIVERA!!kung ayaw mo sakanya eh bakit sinasayang mo pa ang oras mo para lang mag-comment ng hindi maganda haaa!!!??

    • Onga, tulad na rin nung ginawa ni “Karyllleeee” na pang-aagaw kay Dingdong mula kay Antoinette Taus. Sus, as if birheng Maria si “Karyllleee”. Pweh!

    • ab karin ano????
      nung tinanong c toni ng “halimbawang may ili2gtas kang isa
      between marian en K (sa tumaob na bangka) cno ang ililigtas mo”
      syempre c marian…..laking sampal kay K yan dba galing mismo sa inagawan(yan ang totoo) dati nyang best friend….hehehe

      • totoo?sinabi yun ni Antoinette?kelan at saang interview?!pero tama lang din yon coz mang-aagaw din naman si Karylle!!

      • oo sinabi un ni antoinete napanood ko un haha!! sb nya mas bagay si marian and dingdong…at gusto nya si marian for dingdong…kc nman inahas ni karyl noon c dingdong sa kanya haha!!

      • Saang part nya yun sinabi?parang hindi ko naman nakita?dun ba yun sa part na binulungan sya?

  10. hay nku npkalandi ng marian n yn.dny p ng dny n mgkbgn lng dw cla ni dingd0ng un pla inahas n ny ky karil.kalandi landing bbae!

  11. walang dapat ipangamba si marian dahil wala namang masamang nangyari in her past…besides marian is a very loyal partner…hindi cguro sila magtatagal ni ervic ng 7 years kung walang love between them…the only reaon na naghiwalay cla is because marian needs to focus on her showbiz career and sacrifice her lovelife…anong masama doon…dami lang inngit sa kasikatan at success ni marian kc kahit sa panaginip ay di nila kayang maabot ang naging tagumapay ni marian…

Leave a Reply

Your email address will not be published.