Marian Rivera, irita pa rin kay Rhian Ramos?! – Ruben Marasigan

Parehong idini-deny nina Marian Rivera at Rhian Ramos na may iringan sila. Pero nadaragdagan naman ang mga insidenteng nagsisilbing basehan na hindi nga sila in good terms. At ang lahat ay dahil kay Dingdong Dantes nga raw na nang nakapareha ni Rhian sa Stairway To Heaven ay lagi na umanong nanggagalaiti sa selos si Marian.

Nagtapos na ang nasabing serye kung saan may pahabol na umaatikabong passionate kissing scenes sina Dingdong at Rhian, pero hindi pa rin natutuldukan ang sinasabing pagkulo raw ng dugo nitong si Marian against Rhian.

Kamakailan nga, sa isang charity event para sa mga paslit kung saan nakibahagi si Marian, may tinarayan daw umano ang dalaga na isang nag-i-interview sa kanya. Tinanong daw kasi nito ang aktres kung ano ang puwede niyang maging Christmas gift para kay Rhian.

Biglang-bigla umano ang pagka-irita ni Marian sabay bulyaw diumano ng “Talagang itinatanong mo ‘yan?” Na ikina-shock umano ng taong sa kanya ay nag-i-interview kaya natameme at hindi na nakapagsalita.

Nanggigigil daw sa galit na tinalikuran na lang umano ito ni Marian. At kahit nakalayo na raw ang aktres, hindi pa rin umano agad humupa ang init ng ulo nito. As in para raw sinapian ng kung anumang masamang elemento ang dalaga at the height of her anger na para umanong gusto na niyang manapak ng taong kinagagalitan.

‘Yong iba pang naroon din daw para mag-interview sa kanya, naging safe na lang sa mga tanong sa kanya. Wala na raw naglakas-loob pang magtanong ng tungkol sa mga isyu at intriga on her lalo na tungkol kay Rhian na para nga raw ni ayaw niyang marinig man lang ang pangalan. ‘Yon na!

Hindi na bago ang mga kuwento tungkol sa diumano’y pagtataray at kagaspangan ng pag-uugali ni Marian. Noon sa taping ng Dyesebel sa Subic, napabalita na ring may nakaaway siyang male fan. Nagkaroon din ng isyu a couple of weeks ago na isang batang gustong magpa-picture daw sa kanya ang diumano’y sinungitan at tinabig pa raw ng aktres. At meron pa raw isang fan na tinarayan din umano niya dahil nagbibigay ng babasahing may cover o photos nina Dingdong at Rhian.

Bukod dito, usap-usapan din lately ang diumano’y pagkikita nina Marian at Rhian nang nagkasabay silang mag-promote ng Darna at Stairway sa Sis kung saan sinadya umanong banggain ng aktres itong si Rhian.

Although mariin nang nilinaw ni Rhian na hindi raw sila nagkita, may mga tao namang nagkukuwentong totoo raw ito dahil nasaksihan nila.

Si Alessandra de Rossi naman, sinasabing nakikisawsaw rin sa isyung iringan ng dalawa. May dayalog daw kasi ito minsang nagkita sila ni Marian na, “Sabihan mo si Dong, mag-ingat-ingat sa babaeng ‘yan!” Na ang tinutukoy nga raw ni Alessandra ay si Rhian.

Sa mga panahon daw ng pagtataray nitong si Marian, madalas pa umanong ipinagmamalaki ng aktres na Caviteña siya.  At ang mga Caviteña raw na gaya niya, palaban umano at hindi pasisindak maski kanino.

May gano’n pa talaga?

Gusto kaya ni Marian na maging successor ni Maricel Soriano sa pagiging Taray Queen. O, mas gusto niyang maging Ultimate Taray Queen sa kasaysayan ng Philippine Showbiz?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

9 thoughts on “Marian Rivera, irita pa rin kay Rhian Ramos?! – Ruben Marasigan

  1. tlgng super selos daw c marian kay rhian.hay inamin daw kc ni dingdong kay marian na crush nya etong loveteam nya.eh ngaun ko lang napansin magkakahawig etong c antoinette taus,karylle at rhian.pareparehas galing sa isang xcusive school.pansin nyu mag ingles?kya daw super insecure etong c marian kc nga barok xa mag ingles kahit na galing xa sa la salle..

  2. hahaha
    ako ngang ordinaryong tao ubod na taray at kaangasan e, si marian pa kaya na napakaraming pressure at mukang pagod na sa intriga? okay lang yan, kanya kanyang personality yan.. masyado lang kasing EMO ang ibang tao as if naman hindi sila inatake ng kasungitan once in their lives

  3. kawawa naman si ruben marasigan siguro magpapasko na walang artistang nagpapasko sa kanya kundi si rhian kaya super effort ang pagtatanggol sa starlet na di na kikinang dahil nangagamit ng tao para lang sya pagusapan..well if i were you ruben m,mag search ka kung bakit dami ng project ni rhian sa gma7 ,baka nauna pa nga sya kay mr dahil malakas si tita ida sa gma7 eh di pa syya smikat at kung bakit walang syang charisma sa tao,at sa dinami dami ng project nya eh mabibilang mo sa daliri fans nya and take not bilangin mo fan base nya compare kay marian ..yung ang dapat mong alamin bakit hanggang ngayon ang career ni rhian eh walang pinagbago…may personality at attitude problem siguro kaya daming artista iritado sa kanya like alexandra de rossi,ara mina,at sino pa ba….naku sayang lang laway ko dito kay ruben marasigan ,not worht it…

  4. GODBLESS RUBEN MARASIGAN… SNA D BUMALIK SYO YANG MGA CNUSULAT MO…

    PURO K NMN DAW DAW DAW DAW SBI NLA, SBI DAW DAW DAW..

    D K CGURO ININVITE S PARTY NLA POPOY NOH KYA GNYAN NLNG ANG MGA CNUSULAT MO BWT MARIAN…

    ANYWAY GODBLESS SYO…

  5. Si Rhian naman kasi sobrang ganda at kinis. maski nga si Dingdong si Rhian daw ang tipo ng babae na pinapakasalan. hayyyyyyyy

  6. Si Alessandra De Rossi naman, nakisawsaw at ginatungan pa ang issue dahil malaki ang inggit at selos niya kay Rhian. Mga babaeng talunan. . .Wawa naman. . .

  7. Kaya siguro naniniwala ako sa balita na may anak na ito na 4 years old. Medyo walang hiya at basagulera. Sabi ni Dingdong, may active sex life raw siya. . .Sino ang maniniwala na virgin pa si Marian?

Leave a Reply

Your email address will not be published.