Marian Rivera, ipinagkakanulo ng katulong?!

OLA CHIKKA! NAGULANTANG ang buong Pilipinas nang may tumawag sa aking programa sa DZRH noong Linggo at nagsalita tungkol sa isyu rito sa pagtatago ng anak ni Marian Rivera.

Si Rona, isang 23-year old na mula pang probinsiya at lumuwas dito sa Manila upang magtrabaho bilang kasambahay ni Marian ay tumawag sa aking programa at humihingi ng tulong dahil gusto nang umalis sa poder ni Marian.

Dahil sa bukas ang aking programa para sa lahat ay naka-on the air siya at doon niya sinabi ang lahat ng sama ng loob sa amo.

Si Rona at ang isa pa niyang kasamahan na si Inday ay nakatira sa isang apartment sa Project 8, QC, kung saan ay doon daw nakatira ang anak ni Marian na dalawang taong gulang na, na nagngangalang Vincent. Hindi lang daw ginagawang taguan ng kanyang anak itong apartment, kundi ginagawa rin daw nila itong parausan ng boyfriend na si Dindong Dantes.

Naku, huh! Ang taray! Instant apartment! ‘Di lang ampunan, kundi motel pa! Tsk, tsk, tsk! At hindi lang iyon dahil talagang napakasama raw talaga ng ugali nitong si Marian dahil pati panis na kanin ay ipinauubos sa kanila.

Dahil sa lagi ko namang nakaka-text itong si Dingdong ay sinubukan kong kunin ang kanyang panig. Ayon sa kanya, anumang isyu tungkol sa kanya ay puwede ko siyang tawagan, kaya naman ginawa ko.

Unang tawag ko ay nasa taping daw siya kaya hindi muna siya puwedeng mag-on the air. Ngunit sa muli kong pagtawag, nakapatay na ang kanyang cellphone. Nang tawagan ko naman ang kanyang manager, sinabi lamang nito na wala raw sila sa lugar upang magsalita tungkol sa isyu ni Marian.

Ngunit parang hindi naman ako naniniwala dahil wala naman sa katawan ni Marian ang pagkakaroon ng anak at kung totoo man ito ay bakit ngayon lang lumabas ang isyu? Hindi kaya paninira na naman ito kay Marian? Kung paninira nga ito, sorry dahil sira na siya dahil wah na siya masyadong career! Ha-ha!

AT TUNGKOL NAMAN sa career ay hindi talaga ko maka-get over sa pagkawala nitong si Palito Diaz lalo na at narinig ko ang balita sa pagkaka-confine nitong si Alfie Lorenzo.

Sa birthday celebration ni Jobert Sucaldito noong Biyernes, nasabi sa akin na ang dami raw sumagot sa hospital bills niya. Nakakatuwa at may mga tao pang mabubuting-loob na handang tumulong. Ngunit teka, dahil ba sa sikat at may pangalan pa si Alfie ay maraming handang tumulong? Tanong ko lang… kapag nawalan na siya ng pakinabang sa showbiz ay may tutulong pa rin ba sa kanya?

Sana ay wala nang matulad sa kaibigan kong si Palito na binalewala at puro pangako lamang na napako. At kung kalian nawalan na ng hiniga ay doon nagsitulungan at nakiramay. Hindi dapat ganyan! Naku, huh!

BLIND ITEM: SINO siya? Sino itong young actor na kung makita mo sa telebisyon at mga billboard ay mukhang napakasarap talaga at talagang mapapalaglag-panty ka?! Ha-ha!

Ngunit ayon sa aking parazzi girl, tambay raw itong young actor na ito sa mga gimikan, kung saan ay hindi ganu’n kalakas ang kanyang dating at hindi naman ganu’n kaguwapuhan! Kung sinu-sino pang babae ang nilalapitan na akala mo ay mauubusan siya. Eh, paano na ang kanyang ka-loveteam?

Kung sa bagay, kung ako naman kay young actor, maghahanap talaga ko ng ibang babae dahil hindi naman ito kagandahan at nuknukan pa ng kaartehan! Ha-ha!

Sino sila? Pumunta kayo ng bukirin at humalik sa palaka nang malaman n’yo kung sino ang aking tinutukoy. ‘Yun na!

At huwag n’yo pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417-6181 or at 09274284216.

At para sa mga updates sa akin at sa showbiz ay i-add lamang ako sa Facebook, just type [email protected].

Thank you very much and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleClickadora: Melissa’s Sweet Revenge
Next articleDahil kay Justin Timberlake: Sarah Geronimo, tinanggihan ang P1.5-M one-time appearance sa kampanya ng pulitiko?!

No posts to display