Marian Rivera, ipakikilala na si Dingdong Dantes sa ama sa Spain?! – Ruben Marasigan

KASADO NA ANG dalawang linggong biyahe abroad ni Marian Rivera at nakapag-advance na rin siya ng taping para sa Darna at Show Me da Manny. February 1 to 15 siya mawawala sa bansa. May show raw sila ni Dingdong sa Dubai. At pagkatapos nito, plano raw ng dalawa na dumiretso sa Spain for a short vacation.

Usap-usapang isa sa dahilan daw ng pagpunta ng Espanya nina Marian at Dingdong ay para pormal nang maipakilala ng aktres ang binata sa kanyang ama na nakabase roon. Ito nga sana ang gustong itanong ng movie press sa dalaga pero lately ay umiiwas naman itong magpa-interview.

Sabi nga ng isang movie reporter na dumayo pa sa taping ng Show Me da Manny para makapag-interview kay Marian, nginingiti-ngitian lang daw siya nito pero ayaw magpaunlak for an interview. Kapag walang take, diretso raw ito sa dressing room. Panay ang tawag sa kanyang cellphone na ang kausap daw ay si Dingdong.

Isa rin daw sa pinakaiiwasan din ni Marian ay ang matanong tungkol sa hindi pa rin natatapos na iringan nila ni Rhian Ramos. Kaagad-agad umanong nawawala sa mood ang aktres kapag naririnig na ang pangalan ng huli.

Nanatiling malalim pa rin ang hidwaan ng dalawa na tanging sila lang ang nakakaalam kung ano nga ba ang pinag-ugatan.

GAYA NG IRINGAN nila ni Marian Rivera, gano’n din katindi ang alitan sa pagitan nina Rhian Ramos at Alessandra de Rossi na hindi rin malinaw kung saan nagsimula. Basta halos isumpa rin daw nila ang isa’t isa.

Si Alessandra, talagang wala ka raw maririnig na maganda from her kapag si Rhian na ang pinag-uusapan. At very vocal nga rin daw ito sa pagkampi kay Marian na napapabalitang kagalit din nga ni Marian.

Lalake rin kaya ang dahilan ng away nina Rhian at Alessandra? At sino naman kaya sa mga naging boyfriend ng huli ang pinag-awayan nila?

Anyway, muntik nang mapagsabay mag-guest sa isang talk show sina Rhian at Alessandra. Buti na lang at biglang naalala ng talent coordinator na hindi nga pala sila puwedeng magkaharap kaya agad na kinansela ang sabay na guesting ng dalawa. Dahil kapag nagkataon, baka biglang parang mga manok na magsabong na lang ang mga ito.

May gano’n talaga?

Hay, naku!

MALUNGKOT MAN ANG simula ng taong 2010 para kay Snooky Serna dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Mila Ocampo, hindi raw ito rason para maantala ang mga magagandang plano ng aktres.

Before Christmas kasi, naikuwento sa amin ni Snooky na kasunod ng success ng kanyang spa at manpower agency business ay ang balak niyang pagpasok sa pagpu-produce ng movies. At hindi lang basta mga ordinaryong pelikula kundi for international release pa.

May mga nakausap na raw siyang mga Koreans na magiging partner niya into movie production. And they’re just waiting for good scripts bago sila magplano ng projects na kanilang gagawin at kung sinu-sino ang mga artistang mapapabilang sa cast.

Isa rin sa plano ni Snooky is to produce a film na pagsasamahan nila nina Dina Bonnevie at Maricel Soriano. Parang dream project daw niya na mag-reunite ulit silang tatlo after doing Underage noong panahong mga Regal babies pa sila.

Happy si Snooky na may movie siyang palabas sa pagbungad ng kasalukuyang taon. Ito ay ang Sagrada Familia kung saan kasama niya sina Lovi Poe, Emilio Garcia, at Gloria Diaz, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Thankful nga raw si Snooky na naayos na ang problema sa pagitan nila ni Direk Joel. Nagkaroon kasi sila ng misunderstanding last year nang gawin niya ang Dukot na unang beses niyang nakatrabaho ito.

During that time, ilang beses na nali-late si Snooky sa set kaya nagalit sa kanya si Direk Joel. Naging leksiyon daw ito sa kanya kaya nang sumunod na pagkakataong nakatrabaho ulit niya ito ay talagang on time na lagi siya.

Paninindigan na raw ni Snooky ang pagiging punctual at professional. Hindi pa naman daw huli ang lahat para mabago ‘yong attitude problem towards work na naging tatak niya before.

At least, na-realize na niya kung ano ang dapat niyang baguhin, ‘di ba?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

40 thoughts on “Marian Rivera, ipakikilala na si Dingdong Dantes sa ama sa Spain?! – Ruben Marasigan

  1. FYI!!!!mapanghusga nmn kau akala niyo kung cnu kau,,,,PERFECT ba kau??????????????kilala niyo ba ng lubusan c marian????bago kau manghusga, kilalanin niyo muna xa,,,,,,,,THE BEST DD-MR!!!!!!!!!luv ya!!!!

  2. heluuur!
    bat nmn ako maiinggit kay marian.ayoko ata mangsira ng relationship noh?

    if in case artista ako,mamahalin ko mga fans ko.dko mumurahin.

  3. MGA INGGIT LANG KAYO KAY MR. ANG PAPANGET NYO KASI. BWAHAHHAHAHA MGA ARTISTA NG DOS. PARAUSAN NI TANDANG LOPEZ. NYAHAHAHHAHAHA

  4. hay feeling ko nga naiinis sya kay rhian bcoz parinig ng parinig eto n d nya aagawin c DD bcoz d nya un ugali.pag alm nya dw n taken na iwas na xa.

    kya c marian nanggalaiti s galit bcoz natatamaan xa

  5. Tingin ko kaya naman naagaw c DD ay dahil mahina ang self-control nya sa babae. Madali sya ma-attract at ma-seduce. At malamang ma-L din sya, hahaha! Kaya c M, go ng go hanggang tuluyan nang naagaw kay K. Ganyan talaga pag weakness ng lalaki ay babae. Wag sana mangyari kay M na maagaw pag nagsawa na sa kanya.

  6. mga kapamilya, tama na ang pagtira ke marian. matagal na namang isyu yan kaya let’s move on.
    siguro dahil me lahi siyang espanol, talagang me pagka-isnabera yan. at siguro wala siyang kiyeme kung magkagusto siya sa isang lalaki kahit me asawa pa dahil nga iba naman ang kultura ng mga esapanyol sa atin.

  7. Ang babaho ng mga utak ,bibig at daliri nyo,kung makapagsalita kayo parang mga virgin lang!!.. Si Bro na bahala sanyo..

  8. ang galing ngang mamili ni dd eh!c marian ang pinili kesa nmn kay k na wlang kagandahan!hahah!

    tgnan mu!pati c alessandra ayaw kay rhian,.,

    uhmm!!!!!!bkit kea anung meron kay rhian ng ayaw ng lahat!baka panget ang ugali nea

    harharharharhar

    • anong walang kagandahan ang ex kong si Karylle, tatagal ba kami ng mahigit tatlong taon kung hindi maganda yun, besides she’s not just beautiful physically, may utak siya kaya lang medyo boring ang matalino, gusto ko adventure sa bed kaya pinili ko muna si Marian H SWAK NA SWAK KAMI DUN!!!

  9. grabe nman kau para nmang ang sama sama nong tao.me bf nmn sya b4 she and dd got together ah. kung mkapasalita kau prang perfect kau. sabihin ng mataray sya at least ngpapakatotoong tao lang sya noh!

  10. Kung palay na ang lumalapit syempre tutukain ng manok. Ayoko na kay DD, walang class pumili ng babae. Si Marian Rivera na palengkera,maldita at kulangot queen pa ang pinatulan.

  11. @jinkee
    oo nga andun na tau.pero ang point is kung matino c marian na babae,alam nya ng may karelasyon c dingdong eh pinatulan nya pa rin.wla xang respeto s mga magulang ni karylle.kya halos isumpa xa.ang mga lalaki in nature na ganyan.kya nsa babae kung papatol.kya may mga kabit dito s mundo.

      • Dahil pareho silang ugali kangkungan…they deserve each other

        At ano yung iniiyak iyak dati ni Marianaconda ha?

        Iiyak iyak, totoo naman pala hahaha Sulutera talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.