Marian Rivera, iniiwasan nang magpaka-nega

HINDI YATA MAGANDA itong mga awayan sa Twitter, hUH! Paskung-Pasko eh, nagbabangayan at ang pinag-aawayan ba naman, lalaki!

Pinagpipiyestahan ngayon sa diyaryo at sa Twitter itong mga patutsada ni Cristine Reyes kay Sarah Geronimo.

Kung anu-anong mga pinagsasabi ni Cristine kay Sarah dahil sa nagsalita raw si Sarah nu’ng nag-rehearse sila sa ASAP na kaya habulin ng mga sexy girls dahil magaling sumayaw.

Siyempre, ang pinag-ugatan nu’n si Rayver Cruz na dating kay Sarah at ngayon ay napunta kay Cristine.

Ngitngit na ngitngit itong Cristine na nagtu-tweet ng kung anu-ano na obvious namang si Sarah ang pinatatamaan. Pero tahimik muna ngayon si Sarah at hindi niya ito sinasa-got sa Twitter account niya. Kaya ‘yun ang inaabangan ng lahat, ang sagot ni Sarah dahil sa totoo lang, mas maraming kampi kay Sarah sa labang ito.

Ito naman kasing si Cristine, talagang nakikipag-away dahil lang sa lalaki, huh! Hindi siya magandang tingnan dahil sa ganda ba naman niyang iyan, makikipag-away pa sa lalaki?

Sana hinayaan na lang dahil nasa kanya naman ngayon si Rayver. ‘Di ba two months na raw ang relasyon nila? Ano pa ang pinag-i-emote niya eh, nasa kanya naman ang lalaking pinag-aawayan niya. Sana hinayaan na lang niya si Sarah kung magparinig man, tutal wagi naman siya kay Rayver. Sobrang guwapo naman nitong si Rayver, huh!

Hay, naku! Basta ako, kay Sarah ang kampi ko dahil hindi naman sanay makipag-away iyan. Ever since, type ko talaga ang batang iyan, lalo na’t nagkasama kami sa Cebuana Lhuiller, kaya team Sarah ako!

Nandiyan naman si Ara Mina na kakampi ni Cristine.

Pero sana, huwag nang lumaki ito. Nasa parehong istas-yon sila, parehong hawak sila ng Viva Artists Management, Inc. kaya dapat gawan na nila ito ng paraan bago lumaki pa ang gulo.

MABUTI PA SI Marian Rivera, quite na ngayon at kampanteng-kampante na sa relasyon nila ni Dingdong Dantes.

Tapos na siya sa gulong kinasangkutan niya noon at nagpapaka-positive na lang siya ngayon.

Ayaw na raw niyang i-entertain ang mga kanegahan kaya kahit tinatanong na ito tungkol sa dating boyfriend niyang si Ervic Vijandre, sinasagot naman niya.

Lalo na ngayong nasa isang network na sila, walang problema kay Marian kung magkasama sila sa isang project. Depende naman daw iyan sa manager niyang si Popoy Caritativo kung tatanggapin ito o hindi. Depende rin sa project kung talagang kailangan, bakit hindi, sabi nga niya.

Kahit si Dingdong, ganu’n din ang sagot kaya walang problema kung magkasalubong sila sa GMA-7 at magkabati.

Basta happy ngayong Pasko ang magkasintahan kaya may balak nga silang magbakasyon sa Boracay bago mag-New Year.

Nandiyan din daw si Dingdong na all-out ang suporta sa filmfest entry ni Marian na Super Inday and the Golden Bibe. Sasamahan kaya ni Dingdong si Marian sa parada nito? Kasi talagang susuportahan daw ito ni Dingdong, eh!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Marian Rivera, iniiwasan nang magpaka-nega

  1. Tama ka Manay, sa wakas, tumama ka ren — TEAM SARAH tayo, kase di sanay mang-away ang bata, tayo na lang ang lumaban sa mga users na 'yan na gusto lang mapag-usapan! Tama rin naman ang babaeng palengkera sa pagsasabi na "KUMANTA KA NA LANG" — ay, talaga naman, ang husay mag-entertain ng SARAH GERONIMO, nakaka-adik! Pag wala kang talent, maghubad ka na lang, nandyan naman si MAMA VICKI para gawin kang sexy! Magkaka-bf ka pa na habulin na ng sexy, laki pa ng bunganga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.