Marian Rivera, iiwan na rin ang Siyete?!

MAAYOS ANG pagpaalam ni Ogie Alcasid sa GMA-7 kaya magaang tinanggap nina Atty. Felipe Gozon ang pag-alis nito at paglipat sa TV5.

Natuwa pa raw sina Atty. Gozon na may respeto si Ogie na nu’ng nagpaalam ay hindi pa siya pumirma sa TV5.

Kaya maganda ang usapan nila at nangako pa nga ang GMA-7 na tutulong sila sa promo ng nalalapit na concert ni Ogie na I Write The Songs na gaganapin sa SM-MOA Arena sa August 16.

Nu’ng kamakalawa lang naglabas ng statement ang GMA-7 na binigyan nila ng basbas ang pag-alis ni Ogie.

Wala pa ring pormal announcement ang TV5 ng pagiging Kapatid ni Ogie at tiyak na magkakaroon ng bonggang launching at announcement kung ano ang una niyang gagawin sa TV5.

Ang latest naman ngayon na susunod daw sa TV5 ay si Michael V. Wala raw kasi siyang exclusive contract sa GMA-7 kaya puwede siyang gumawa ng programa du’n.

Ang isa pang pinag-uusapang susunod na lilipat daw ay si Marian Rivera dahil nakita raw itong nakipag-meeting kay Mr. Manny V. Pangilinan kasama si Wilma Galvante.

Sa August na kasi matatapos ang kontrata niya sa GMA-7 at may magandang offer daw ang TV5 sa kanya.

Sabi naman ni Marian, “Tingnan natin kung ano ang mangyayari, kasi mahirap nang magsalita nang tapos, eh. Pero siyempre love ko ang GMA. Malapit na rin naman ang August, malalaman din nila ‘yan.”

Pero tingin ko naman hindi papayag ang GMA-7 na pakawalan si Marian. Inaayos na nga raw ang bagong drama series na gagawin nito.

Tingnan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

27 thoughts on “Marian Rivera, iiwan na rin ang Siyete?!

  1. LAOS NA MARIAN GURANG..dvah MY FLOP BOSS??

    20MILLION in 2 weeks ang MY LADY BOSABOS

    C MARIAN may anak na..walang commercials sa tv..vaket??laos laos

    atat magka movie c marian sa STAR CINEMA…hahahaaha

    laos na c marian..ang bukambibig nya lilipat na xa gusto nya sa ABS pwo walang offer

  2. Wow!!! Sino nalang ang matitira? But TV5 does not launch these stars well!!! Tingnan mo ang kanilang acquisitions ( BIG stars KUNO!!) but ang ratings are so low… pwera nalang si Ogie he can really create somethings for himself not like ABS from small stars to Famous ones..

  3. If Im not mistaken 2 years ago Marian Rivera, Mike Enriquez, Jessica Soho and Vicky Moralez were being offered by ABS CBN to work for the network but they declined the offer. Source {Manila Bulletin}

    • Thank God they didn’t (pangit kaya ni Mike Enriquez & Baduy!! he belongs to GMA and Oh NO!!! Jessica Soho!! too many fat people na…. she is good with GMA – SILA NA LANG ANG NATITIRA..

    • Pakana lang yan ng GMA 7, as usual. Laging ginagamit ang ABS-CBN sa lahat ng publicity promo para sa tv shows and starlets nila. Aw!

  4. Eto naman si Marian nagpapalaki siguro ng TF kaya bitin ung sagot nya kung lilipat sya o hindi..
    Hai nako nandyan naman na sila carla abellana na may mas breeding. 
    Pakawalan na kung pakipot :P

  5. Hindi ako naniniwala na lilipat si bitoy sa khit anong channel. sana matagal na syang lumipat nung nagoffer ng malaki ang abs sakanya..
    Ang dapat gawin ng tv5 bumalik n lang ulit sila sa cartoons channel
    Dun patok pa sila..
    Nakikipagsabayan kasi sila sa 2 big networks eh lm nman natin n ung dalawa lng ang nlalabanan ssa ratings..
    Puro recycled at la ocean deep ang artista ng TV5 :P

  6. Wag naman si Michael V! .. pareho sila ni Ogie na dekada na ang inilagi sa GMA. sobrang laki ng nagawa ni Michael V sa GMA. pag umalis si Michael V, paano na Bubble Gang at Pepito Manaloto? eh puro sya ang creative consultant at writer ng mga yon. Big loss for GMA pag si Bitoy ang nawala. I don’t think hindi na issue ang pera-pera… baka kagaya din ke Ogie na “in need” talaga ang TV5 ng mga sikat para makasabay na ang TV5 sa GMA at ABS… kaya pala noon ay gustong gusto bilhin ni MVP ang GMA7. para nga naman maheram nila ang talents ng GMA and vice versa…

  7. Marian is a big star on here current station, nabasa ko sa ibang column na hindi sya inalok ng abs-cbn, kundi ang tv 5 lang, recently Ms. Rivera had a dinner with Mr. MVP which is a chairman ng tv 5, no details ang nasabing meeting, sa palagay ko pinapasabik at pinapalito lang ni MR, ang mga fans nya kung lilipat sya ng channel, kasi naman tingnan mo ngayon ang movie nyang kung fu divas na co-produced nya ay distributor naman ang star cinema, nagpahayag kasi ang dalaga na gusto nyang gumawa ng movie under star cinema, na karamihan ng mga movies ay certified blockbuster, kung matatandaan ang film outlet ding ito ang nagbigay ng mga blockbuster movie ni ms. Angel Locsin, simula sa in the name of love, unofficially yours, one more try and four sister & a weeding na tinangkilik ng mga manunuod, at nagbigay sa actress ng best actress awards sa mga ibat-ibang awards giving bodies, na recently naman ay nanalong omg best actress for the 2nd time..yan siguro nag gustong mangyari ni mr sa movie career nya ngayon, kasi sa tv hit lang si marian, kung pwede lang sana pag gumawa sya ng movie under star cinema ay tyak masasabi ng box office star na sya..pero sana stay ka nalang marian sa 7, kasi queen ka dun.. 

    • Laos ba yun pinag-aagawan ng 3 tv networks? Laos ba yun kung ano mang maliit na ginagawa niya eh palaging pinagkakaguluhan ng press? Laos ba yun dinudumog ng mga fans ang mga public appearances niya? Laos ba yun nag set ng sales record sa FHM cover niya, and nag set ng record for most number of fans na nag attend ng signing ng magazine niya? Laos ba yun may 2 movies this year? Laos ba yun under contract negotiation palang eh nagdi-develop na ng new tv series sa kanya yun GMA? Laos ba yun lahat ng articles niya ay pinuputakte ng mga bashers? Laos ba yun consistent top rater ang mga programa niya sa tv? Laos ba yun kaliwa’t kanan ang magazine covers? Laos ba yun openly sinabi na gusto sana siyang kunin ng Bench and Belo as an endorser, kaya lang hindi pwede kasi may conflict sa mga existing endorsement deals niya ngayon? Hindi noh! Ang laos eh hindi na pinapansin, fan man or hater. Ang laos walang project sa tv network niya ilang taon na. Ang laos, yun namamalimos ng project. Eh halos wala ng pahinga si Marian. And kung laos siya, kita mo naman ang comment ni Lolit Solis…”hindi papaya GMA na pakawalan si Marian”…kasi nga super sikat siya! Ewan ko sayo!

      • Tama! Ang daming mas sikat na actresses ang Dos na movie hitmakers at awardees sa acting. Ginagamit lang ng kampo ni Marian na idikit ang pangalan niya sa ABS-CBN at Star Cinema para umangat uli ang lumamlam na career niya after the mega flop My Lady Boss at kawalan ng commercials at major endorsements. Aw!

  8. I will support Marian wherever she goes. I am not into network rivalries. There are good and bad programs from all networks alike. It’s not like all programs from GMA are good and all ABS CBN shows are bad, and vice-versa. It really depends on the quality of the show. And for the most part, I enjoyed Marian’s programs at GMA, except only My Beloved (which started well enough, it just got tedious during the latter part of the series, but it had a very strong finish). But everything else, from Marimar, Dyesebel, Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Show Me Da Manny, Tweets For My Sweet, Endless Love, Temptation of Wife and especially Amaya, I loved them all. So, if she will transfer, I will at the very least check out her program with another network. If she choose to stay with GMA, I hope they will cast her in another fantaserye, because her last show with them, Temptation of Wife, was already heavy drama, so, I want something light and fun this time. An action fantasy is very much in order, at this point. If they will cast her in another drama, I’d rather see her in another network, like TV5, because it seems GMA has lost their way since Wilma Galvante transferred. GMA, you don’t have to cast her in drama all the time…she is well versed in drama, action, comedy and sexy roles…make full use of it, and not just be constantly be the poor victim who gets redemption and justice in the end. Something new, GMA!!!!

    • kumusta teh ang commercials ni marian?meron vah??

      kumusta ang MY FLOP BOSS??
      of course hindi pakawalan c marian sa gma kasi sya lang ang artista doon…sya ang angat doon..pwo sa ABS XA..waley c marian sa ABS kasi starlet lang xa

Leave a Reply

Your email address will not be published.