Marian Rivera, ihinarap na si Dingdong Dantes sa Espanyol na ama!

NU’NG MARTES LANG pala dumating ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera galing Espanya at tumuloy agad si Marian sa Bulacan para sa taping ng Show Me Da Manny.

Masayang-masaya ito nang dumating sa set dahil very memorable daw ang bakasyon nila ni Dingdong sa Madrid.

Siyempre, ang purpose niya sa pagpunta roon ay para magkita sila ng Daddy niya na halos pitong taon na niyang hindi nakikita.

Mahigit isang linggo raw sila roon at ang saya-saya raw nila dahil bukod sa ama niya, nagkita pa sila roon ng mga pinsan niya at mga tita pati na rin ang tita ni Dingdong na nakabase rooon.

Sabi ni Marian, hindi raw puwedeng palitan ng mga materyal na bagay ang moments nila roon lalo na’t don din sila nag-celebrate ng Valentine’s Day.

Ayaw nang idetalye ni Marian kung ano ang ginawa nila ni Dingdong nu’ng Valentine’s Day, pero ‘yun daw ang pinakamasayang selebrasyon nila so far.

Nangako raw ang Papa ni Marian na dadalaw siya rito sa Pilipinas, malamang next year. Sana matuloy raw ito para makabawi naman daw sila sa Papa niya na nag-asikaso sa kanila roon.

Proud na proud daw ang Papa niya sa success na natamo nito sa showbiz career niya. Pero sabi ni Marian, proud na proud din siya sa Papa niya na successful din ito sa kanyang mga negosyo roon sa Madrid.

Abangan n’yo yan sa Startalk dahil sa amin lang ibibigay nina Dingdong at Marian ang mga pictures na kuha nila roon. Bongga ‘yan!

AYAW NANG PALAKIHIN ni Carlene Aguilar ang isyung nagpakasal na raw sila ng  matagal na niyang boyfriend na si Yo Ocampo.

Nakabiruan lang kasi nito si Ronald Carballo nang magsama sila sa Norway kamakailan lang. Sinabi raw nitong nagpakasal na sila ni Yo nu’n pa, pero secret lang daw.

Bukod pa diyan, napagdudahang nagpakasal ito dahil ang nakalagay sa Facebook account niya ay gamit ang apelyido ni Yo.

Sabi ni Carlene, ang dami raw kasing mga fake na account nito sa Facebook para maiba raw ang sa kanya, ginamit nito ang apelyido ng dyowa niya.

Ewan ko lang kung totoo ‘yang kuwento niya, ha? Kakalkalin ko pa ‘yan! Malalaman ko rin ‘yan at magtatapat din iyan sa akin.

Sabi naman niya, sa kasalan naman daw talaga ang ending nila dahil wala naman daw siyang iniisip na magpakasal sa ibang lalaki kundi dito lang kay Yo Ocampo.

TUMODO NA RAW si Manny Pacquiao ng suporta kay Enzo Pineda para manalo ito at lumamang siya sa text votes.

Siyempre gagastusan na nila nang husto iyan, dahil nu’ng nakaraan lang ang laki ng lamang ni Steven Silva sa boto.

Pumunta pa nga si Enzo kay DENR Sec.Lito Atienza para humingi ng suporta dahil malapit siya rito. Ninong yata niya si Sec. Atienza at siyempre malapit ang Daddy niya kay Manny.

Pero hindi lang naman text votes ang labanan kundi may score ding manggagaling sa amin, kaya abangan n’yo na lang.

Ang hirap kasi ng labanan sa mga boys dahil malakas din si Rocco Nacino.

Sa mga girls, halos iisa lang ang choice ng karamihan, si Sarah Labati pero magpapatalo ba ang mga Cebuano? Tiyak na todo ang suporta nila kay Diva Montelaba.

Naku! Abangan n’yo yan sa Linggo dahil matindi ang labanan niyan kung sino ang tatanghaling Ultimate Survivor sa Starstruck 5.

Special guest sa final judgment sina Marian, Dingdong, JayR, Kyla at lahat na mga winners ng Starstruck nu’ng mga nagdaang taon.

Sa mga interesadong manood, puwede kayong kumuha ng free tickets sa Ali Mall mamayang hapon pagkatapos nilang mag-motorcade sa Araneta Center. Bongga ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePremiere Shots: Cristine and Maxene, girl-bonding!
Next articleGuesswhodoes: Tom Rodriguez does the Towel-Up

No posts to display