Marian Rivera, hinarap ang mga kalaban!


Click to enlarge.

NAGSIMULA NANG MAG-TAPING ang Darna nu’ng nakaraang Biyernes at naantala nga ito ng napakalakas na ulan kaya medyo nahirapan sila sa unang araw nito.

Bago sila nagsimula, nagkaroon muna ng workshop si Marian Rivera bilang Darna sa limang babaeng kontrabida na madalas niyang makakalaban sa fantaseryeng ito na sina Iwa Moto, Nadine Samonte, Ehra Madrigal, Maggie Wilson at Krissa Mae Arrieta.

Si Iwa bale ang main villainess bilang Valentina. Pero matindi rin daw ang powers ng mga makakalaban dito ni Darna. Bukod pa riyan, paseksihan din sila ng costume.

Si Krissa Mae ang pumalit sa role na tinanggihan ni Isabel OIi.

Sa workshop ‘yun, naging bonding na rin pala nila. Para nga naman maging maganda ang takbo ng taping nila at doon nangako sila sa isa’t-isa na walang intrigahan, at sa kuwento ng Darna lang sila mag-aaway.

Kung sakaling si Isabel pa rin ang kasama nila sa grupong ‘yun, malamang na mapagbati sila ni Nadine.

Sabi naman ni Nadine, okay lang daw sa kanya na makatrabaho ang dating kaibigan pero hanggang trabaho na lang daw, dahil hindi pa rin ito handang magkaayos sila.

“Siguro magkakaayos kaming dalawa mismo pero kung may ibang tao na magsasabi magkaayos kayo, mas mahirap ‘yun kasi pinilit lang, eh. Siyempre, ‘di ba, kung ikaw mahirap pilitin ‘yung isang tao na hindi pa okey?” Pahayag ni Nadine.

Kung anuman ang alitan nila, mas focused naman ngayon si Isabel sa kanyang amang nasa Singapore. Hindi nga raw ito okey sa ngayon at any moment na may mangyari sa kanyang ama, biglang lilipad ito patungong Singapore.

Ani Isabel, ang totoong friendship, dapat may komunikasyon at pinag-uusapan kung meron mang problema. Pero mukhang hindi pa raw handa si Nadine kaya baka gusto raw nito ng space, hinahayaan na lang muna nila ito.

loading...

20 thoughts on “Marian Rivera, hinarap ang mga kalaban!

  1. sa ugali ni marian hindi sya tatagal. mas maganda pa sa kanya c aiai mag katulad ung baba nila. hahahahaha

    mang aagaw pa ng boyfriend. pangit ka siguro kasi ng agaw ka. marami namang gwapo dyan bakit hindi mo sila pinapatulan doon pa pumapatol sa my girlfriend.naks

  2. mga ingitera get ur life.. marian s the best,kahit ano pa ang sabihin nyo,,she is the no#1 sa lahat maganda,edukada,sexy,mabait..kaya kahit ano pa ang comment nyo sa kanya good or bad,,marian is the best…

  3. grabe nga buitter ha. sa supoer ganda ni marian ngipin naman nya ngyn gagawan nyo ng intriga? hahaha! u guys are such a loser….ako ever since i was a kid napapagkamalang pustios kasi super white ng teeth ko at super pantay na parang mais….o ano laban kayo? inggit kasi kayo kay marian kya kayo mga ganyan!

    pwe..pwe..pwe!!!!!

  4. @balck pepper
    +++
    Bagay sayo ang name mo lagyan mo pa ng ampalaya.

    Pakialam mo ba kung mag acting worshop sila.Ikaw ba nagbabayad for them?

    YAn si KristaMAe dapat mag workshop yan.

  5. bkit kya may mga tao tlgang d pwedeng walang pintas s kapwa…dba pwedeng mging mligya nlng kau 4 dem….usto nilang mging maayos ang work nila kya cla may workshop…

    4 god sake paki una mga sriling prblema bago prblemhin ang mga artistang wala nmng gingwang msama s inyo kundi ang bgyan tau ng kligyahan s bz o s dami ng prblema ng bawat 1 s tin.

    • hay nako “kathy” isa ka din sa mga inggit kay marian noh!! kung sabagay dapat lang namn xa kainggitan kasi sobrang ganda nya eh!! kaw maganda ka bah????!!!!

      • oo naman! at d ako mukhang witch ang ilong at pustiso ang ngipin katulad ng marian nyo hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.