Marian Rivera-Heart Evangelista Gap: Lovi Poe, Naiipit sa Gitna!

NAKAKALOKA! FOUR years na pala ang Pinoy Parazzi! Ang bilis, huh! Sa loob ng apat na taon, nakilala agad ang diyaryong ito na talagang nagmarka sa kamalayan ng mga taga-showbiz.

Karamihan, nairita sa atin dahil dito lang lumabas ang mga ‘di nila akalaing lalabas na ikinagulantang nila.

Wala naman silang magawa kung hindi basahin pa rin nang basahin, pagkatapos ang ending kaibigan na nila tayo, iniimbita na sa mga presscon at isa sa inaabangan nila kung ano ang susunod na mababasa nila rito.

Kaya Happy anniversary sa atin at sa lahat ng bumubuo ng Pinoy Parazzi.

 

ISA RIN ang Pinoy Parazzi sa unang naglabas ng gap nina Marian Rivera at Heart Evangelista, na nagsimula sa shooting ng Temptation Island.

Ang daming nadamay sa awayang ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin naresolba kaya hintayin na lang natin kung kailan sila magkakaayos dahil tingin ko naman maayos din iyan.

Sa mga huling interview ni Marian, gusto na raw niyang maging positibo na lang at ayaw na niyang may makakaaway.

Kung dumating ang araw na magkasalubong sila ni Heart, malamang na mararamdaman din naman nila na handa na silang magkabati at magkaayos.

Ayaw lang kasi ni Marian na ipilit na magkabati sila at gawin pang isyu. Kung sakaling magkabati sila, eh ‘di magbati na at hayaan na silang dalawa na gumawa ng paraan na maayos ito.

Wala nang pilitan dahil mas mabuting sa kanila na lang ang kusa na maayos at mapag-usapan ang ano mang pinag-awayan nila noon.

Si Heart ay gusto na rin daw maging positibo na ang lahat. Hindi na raw nito iniisip ang kung sino ang nakaaway niya o nakasamaan nang loob.

Ang isa sa nadamay rito ay si Lovi Poe na dating close kay Marian, pero ngayon ay naiintrigang hindi na raw sila gaanong okay lalo na’t makakasama na nito si Heart sa bagong drama series ng GMA-7 na Legacy.

Pero parehong itinatanggi ng dalawa ang intrigang hindi sila okay. Hindi nga lang daw sila nagkakausap nang mabuti dahil pareho naman silang abala sa kanilang trabaho. Pero wala raw silang dapat pag-awayan kaya itigil na raw ang ganu’ng intriga.

Pero hindi maiwasang magkaroon talaga ng isyu dahil magkakasama na sina Heart at Lovi at hindi na nito madalas na nakikita si Marian.

Pero kung totoong okay na nga talaga sina Heart at Marian, siguro magkakaroon ng chance si Lovi na mapag-ayos ang dalawa at mabalik ang dating friendship nila.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Marian Rivera-Heart Evangelista Gap: Lovi Poe, Naiipit sa Gitna!

  1. si angel locsin may acting award ba?eh ilang yers na yan sa showbiz ah…tsaka nakailang palit na ba ng bf?si mayrian ilang bf b meron?sina anne c., karylle, lovei nakailang bf na ba?

  2. haynaku ang dami nanamna bitters kay marian iba talaga ang sikat no..hirap maging sikat laging sinisiraan at kinaiingitan..

  3. Alam cguro ni dd na my anak nsa marian kc pag tinatanong xa bout sa kasal palagimg cnasabi di pa raw napaguusapan,jusme tatanda na nila no.kya etong marianita prang binibili na c dd kung mkaregalo.obvious na obvious na c marianita lang ang inlababu masyado ky dd.feeling ko lng walang kasalang magaganap sa knilang dalawa.

  4. ang dami nman palang uneducated dto…sana nman before kau magcomment mag isip muna kau…that only shows the kind of personality and character you guys have…CRAB MENTALITY as usual na nman ang pinaiiral….if you don’t like a certain actor or actress, do you really have to use words that are so insulting??? kung kau kaya ang nsa lugar nila, would you want someone who don’t know you personally to say something like that??? anyway, sana nman people will be more aware of what they post or write…..

  5. Bakit po recycled issue ang tinalakay niyong lahat na writers sa araw na ‘to? Utos ng editor maglagay ng mga fillers sa columns niyo? Hmm..

  6. Pag nagpalaglag, nagiging tiyanak. May tiyanak ba sa Hongkong ? Navotas, lugar ng mga sisiw na pinapatay bago mabuo. Balut, balut kayo riyan !. Navotas, taguan ng mga batang idine-deny ng ina. Ang ibang denial queen, sabi ampon lang nila na anak ng pinsan na OFW raw. Kawawang bata. Hindi masisisi ang ina. Deny din ang papa from Europe ng maanakan ang katulong kaya iniuwi ang sanggol sa bayan ni Bong Revilla para alagaan ng lola. Pero, like mother like daughter, 17 years old pa lang, naki live-in na for 7 years. Ayan, may nabuo tuloy. Salamat naman at hindi naging balut.

  7. jusko marianita ayusan ka man malansa ka pa rin walang pinagbago kahit san ka dalhin lalabas at lalabas ang baho mo wala kang delicadeza PSYCHOLOGY ka pa naman sabi mo dba? umayos ka baguhin mo ugali mong pagkasama sama sige ka baka dumating na lang yung panahon na wala ka nang kaibigan na dadamay sayo sa kasamaan ng ugali mo :P

  8. shit – HAHAHAHA…………..INGGIT KA LANG KASI I’M SURE MAS MAGANDA PA ANG KALYO NI MARIAN SA MUKHA MONG DEFORMED, BUTAS BUTAS AT PUNO NG BUNI………HAHAHAHA……….YAK!!!!!!!!!!!!

  9. @shebie

    wala talagang papantay kay marian GURANG tulad nang tarot, super inday and the bugok bibe, etc.? 40 years old na pero wala pa rin acting award?! bwahahaha!

  10. MARIAN WILL ALWAYS BE NO. 1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KAHIT ANONG INTRIGA PA ANG DAANAN NIYA WALANG PAPANTAY SA KANYA AT LAHAT NG KAPANGITYA STARIRAY AY WALANG PANAMA…………….HAHAHAHAHAH………….

  11. Ewan ko sa inyong mga tga hackworld!!! Palibhasa yang idol nyo pag umaarte prang plaging me sipon!!!! Ahahahah….

  12. Si Heart feeling sikat pa rin, si Marian naman feeling bata, si Lovi pa mysterious effect eh nalalaman naman ng madlang pipol ang amoy na tinatago. Hayy naku! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.