Marian Rivera, gustong sumawsaw sa pelikula nina Kris Aquino at Dingdong Dantes

NAKU MATAPOS ILABAS ni Madam Auring ang bago nitong boyfriend na siya mismo ay nagkakamali sa pangalan at apelyido, mukhang papatusin ni Madam ang bagong anggulo ng kanyang buhay – ang maging rape victim.
Nakakatawa talaga dahil noong puntahan namin si Madam Auring sa puwesto nito sa Victory Mall para interbyuhin, nagmumurang kamyas ito na panay ang sabing in love siya.

“Bakit ganoon, napag-uusapan lang ako ‘pag may bago akong boylet sa buhay?” Sabi ni Madam na sinusugan namin. “Madam, ano kaya kung mabalitaan naming na-rape ka?”

At dahil sa tanong namin, biglang pinamilugan ng mga mata ang kontrobersiyal na manghuhula.

“Bongga ‘yan, ha?! Maganda ‘yan!” Sabi ni Madam na ikinataas lang ng aming kilay kasabay ang mga lihim na halakhak.
Naku, hindi na kami magtataka kung isang araw ay ipangalandakan ni Madam Auring na biktima siya ng rape.

AMINADO SI MARIAN Rivera na gusto niyang magkaroon ng cameo role sa pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Kris Aquino.

“My God! Sobrang fan ako ni Kris, sabi ko nga kay Dong, sana kahit extra ay maging bahagi ako ng movie nila,”  tumatawang pag-amin iyon ni Marian sa amin.
Ayon kay Marian, nang malaman daw niyang magkakaroon ng movie ang boyfriend na si Dingdong at Kris, siya ang unang na-excite.

“Gustung-gusto ko kasi ‘yung pagiging matapang at pagiging prangka ni Kris.”
Aminado si Marian na sa loob ng almost three years ay naging matatag sila ni Dingdong sa maraming pagsubok at intrigang dumating sa kanilang buhay.

“Yehey! Hindi sila nagtagumpay!” ‘Yun lang ang sabi ng aktres nang itanong namin sa kanya kung ano ang masasabi niya sa mga detractors nilang pilit na nagpapahiwalay sa kanila ni Dingdong.
At ang isa raw sa mga dahilan kung bakit hindi sila napaghihiwalay ni Dingdong ay dahil nagpapakatotoo lang daw sila sa kanilang sarili.

“Wala akong dapat na baguhin sa pagkatao ko dahil kung ano ako, ‘yun ang ginusto sa akin ni Dingdong,” pagwawakas ni Marian.

IMBIYERNA SI JENNYLYN Mercado sa isyung buntis siya. “Diyos ko, masama na ba ang magkasakit ngayon? Kapag nadala ka ba sa ospital, buntis ka na? Hindi ako buntis at hindi na uli ako magpapabuntis, ‘no?!”
Ayon kay Jennylyn, napakalaking gaga na raw niya na kung sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang maging dalagang ina. “Diyos ko, nangyari na sa akin noong una, bakit hahayaan kong maulit pa?”
Pero hindi naman daw ibig sabihin noon ay pinagsisihan niyang naging dalagang ina siya, dahil napakabait at napaka-smart ng anak niyang si Alex Jazz. “Imposibleng gawin ko uli ‘yung mga naging pagkakamali ko nu’n. Siyempre kung magbubuntis ako, kasal ako du’n sa lalaking ama ng aking anak.”
Sa kabuuan, sinabi ni Jennylyn na sobrang happy siya sa takbo ng kanyang buhay dahil bukod sa may MMFF entry siyang Rosario, may Dennis Trillo pang nagmamahal sa kanya.
“Okay naman si Jazz at si Calix, ‘pag nagpupunta si Dennis sa bahay. Minsan kasama niya ‘yung anak nila ni Carlene (Aguilar), wala namang problema dahil naglalaro naman ang dalawang bata, okey naman sila.”
Inamin ni Jennylyn na this Christmas ay may plano sila ni Dennis na magkasama-sama sa isang lugar kasama ang iba pa nilang mahal sa buhay.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

22 thoughts on “Marian Rivera, gustong sumawsaw sa pelikula nina Kris Aquino at Dingdong Dantes

  1. umarangkada nnaman ang mga INGGIT kay gandang marian! kaloka kayo….AS IF KNOWS NYO SI MARIAN SA TOTOONG BUHAY! MAGSITIGIL NA NGA KAYO DAHIL ILANG TAON NA DIN KAYONG MGA NANGGAGALAITI SA INIS KY MARIAN….WALA NAMAN NGWAWAGI SA INYO!!! PUNONG PUNO NG BIYAYA SI MARIAN!!!!!!

  2. swerte ka nga at napaka gracious ni karylle, kasi me breeding, hindi sya nagsalita against you kahit siguro alam na nyang obsessed ka ke dingdong hahaha kung ikaw siguro ang nasa sitwasyon ni karylle noon baka pinalengkera mo na sya hahaha ms betiful hahaha

  3. mag 3 years na sila ni dingdong???? wala pa yatang 2 years na hiwalay si karylle and dingdong ah??? saka di naman sila umamin diretsahan na sila nga diba???? puro sila ” sa amin na lang un” pag tinatanong sila ng status nila, un ba ang nagpapakatotoo???? plastikada ka talaga!!! obvious kasi na inahas mo si dingdong kaya di mo masabi kung kelan naging kau ni dingdong kasi im sure kung inamin mo noon na kau na nga laos ka na ngayon!!!

  4. maganda face ni marian pero napaka-pangit ng boses niya,boses bakLa….kasing-pangit ng ugaLi niya ang pangit niyang boses

  5. ah Marian Rivera ikaw ngayon ang pinakasikat hwag munang pansinin mga inggiters sa tabi tabi basta manonood kmi SUPER INDAY AND DA GOLDEN BIBE we love you Marian mwaaah

  6. para sa akin magaling syang Actress ah maghintay ka lang Marian mananalo ka din malapit na 5 years mo pa lang naman sa showbiz eh yung iba nga dyan 20 years na wala pa rin trouphy

  7. Marian is lousy actress, she needs more acting worshops if she wants to get an award someday. Face lang ang ganda sa kanya.

  8. wala ng work si jen sa GMA dahil puro homegrown talent ng ABS na lumipat sa GMA ang may project. mga talent ng GMA kahit support role nakukuha pa ng bagong lipat sa ABS.

  9. i like jen too..

    sana sila na rin magkatuluyan ni dennis in the future..

    goodluck jen for your movie rosario..dont worry panonoorin namin yan..

    luv yah…:)

  10. i really don’t like marian!
    I like jen very beautiful and sexy…goodluck sa upcoming movie nya w/ dennis..pray for the success of your movie. :)

    • oowsss!!! hindi raw kilala si marian , pero panay naman ang banat mo sa kanya tuwing merong article tungkol ke marian rito nauuna ka pang mag comment sa mga fans niya eh siguro inaabangan mo ang paglabas ng article ni marian kasi saka ka lang naman nagpaparamdam kung about ke marian.

      • maldita hindi bagay sayo yung name mo! siguro mas bagay sayo “TANGA”!!kasi alam mo kung bakit??!! TANGA lang ang magsasabi na hindi kilala si Marian unless mahirap kapa sa daga dahil wala kayong computer,tv,o pambili ng dyaryo!!bwahahahaha…!!!

  11. it’s so nice to see that jen really learned from her mistakes or should i just say from her ‘past’. she really is a survivor. bihira lang ang katulad ni jennylyn at ngayon smart na sya sa decisions nya and sa pagsagot sa mga intriga sa kanya. it’s also nice to hear that calix and aj gets along well. habang lumalaki sila pareho parang lang silang mag-brother. hehehehe dennis and jennylyn inspires me. sa tuwing may nababalita sa kanila kahit minsan hinahaluan ng kung anong intriga o kanegahan still, they manage to make me kilig tlga. nkaka inspire kasi parang ang sarap mainlove :D ituloy niyo lang masayang samahan niyo at pagtibayin ang relasyon. u both compliment each other well minsan lang yan sa isang relasyon so maybe God destined the two of u kaya ingatan nyo lang! i pray for the success of u both. God Bless always

Leave a Reply

Your email address will not be published.