Marian Rivera, gasgas ang singit! by Alex Brosas

DUSA PALA ANG inabot ni Marian Rivera sa taping niya ng Darna. Sa kanyang fight scenes ay kinailangan siyang lagyan ng harness at doon nanggagaling ang kanyang pagdurusa.

Say ni Marianita, medyo nagasgasan ang kanyang singit.

“Oo, aaminin ko, kasi hindi naman talaga biro ang harness. Ano siya, eh, ‘yong harness at pinaka-legs ko, nagra-rub talaga siya. Ganoon talaga,” pag-amin ni Marian.

May remedy naman si Marian sa problemang ito.

“ Ginagawan ko ng paraan para… pero kung hindi talaga, kung magiging pabaya ka talaga, mangyayari talaga. Hindi talaga siya maiiwasan. Lagyan na lang natin ng something, moisturizer, pagkatapos ng taping,” kuwento ng dalaga.

At talagang nagpapayat pala si Marian para sa costume ni Darna.

Hindi naman nasayang ang pagpapagod ng dalaga sa training at pagdyi-dym dahil nakita naman sa kanyang katawan kung gaano siya kaseksi habang suot ang Darna costume. Napuri pa nga siya nang husto ng co-star niyang si Celia Rodriguez.

“ To me, having been part of four Darnas in the past, you’re the cutest and sexiest Darna,” say ni Celia.

Say pa ni Marian, nothing to worry in her costume dahil pasado naman ito sa MTRCB.

“Wala namang problema at saka siguro… ‘yung una kasi, medyo hinabaan. Tapos, siyempre, marami ang nag-react na siyempre, iniiintindi naman natin. Siyempre, binibigyan natin ng importansiya ang sinasabi ng ibang tao,” paliwanag niya.

Naiiba ang costume ni Marian. Ang ganda ng kanyang head dress. Ibang-iba ito sa past Darna costume, very modern ito.

NALOKA PALA ANG ang isang staff ng show ni Denise Laurel sa TV5.

Maaga kasi ang call time ng dalaga para sa taping, pero lagpas na ng tanghali, wala pa siya. Siyempre, natataranta ang production people dahil siya ang bida sa programa.

Nang tawagan daw si Denise ng isang staff, sinabi niyang galling siya sa Batangas at medyo natatrapik lang. Noong bandang hapon na, nataranta na daw talaga ang production people kaya nag-follow-up sila kay Denise. Ang sabi naman daw ng dalaga, nasa bandang Megamall na sila.

Siyempre, nagtaka ang staff. Bakit nga naman kailangan pang dumaan ni Denise sa Megamall kung manggagaling siya sa Batangas? Hindi ba ang tamang way ay ang SLEX tapos tagos ng Magallanes hangang dumating sa location ng taping na nasa Makati lang?

SINO  ITONG BAKLITANG nagmamaganda sa reception ng isang kilalang skin clinic?

Naloka ang nakatoka sa reception dahil nakatikim kaagad siya ng pananaray sa baklitang character actor na lumalabas-labas ngayon sa TV. Walang kaabog-abog kasi siyang sinabihan ng baklita na hindi siya nababagay sa reception dahil hindi siya maganda.

Ang nakakatawa rito, hindi naman maganda ang baklita. At isa pa, sponsor niya ang skin clinic, pero ang akala mo ay kung sino raw ito kung umasta. Daig pa raw nito ang may-ari ng clinic kung mag-inarte.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJericho Rosales, nagmamalinis sa harap ng anak? by Julie Bonifacio
Next articleHulicam: Bago ang bagyo ng bidyo! (Vicki Belo-Hayden Kho)

No posts to display