Marian Rivera, galit na galit sa reporter ng showbiz talk show! – Ruben Marasigan

DAHIL LANG SA tanong hinggil sa kung anong puwedeng maging Christmas gift niya kay Rhian Ramos, talagang sukdol hanggang langit nga raw ang pagkapika at panggigigil ni Marian Rivera sa babaeng correspondent ng isang showbiz-oriented show. And although nataray-tarayan na niya ito nang mapika nga sa nasabing naging tanong ng huli sa kanya, parang it isn’t enough for her to calm down and forget the said incident.

Gano’n pa rin daw ang panggagalaiti nitong si Marian nang magkita na naman sila sa SOP ng nasabing girl from a showbiz-oriented show. Talagang tinandaan pala ni Marian ito. So no’ng nag-krus ang landas nila ulit, kumukulu-kulo ulit ang dugo ng aktres at nag-uumusok nga raw sa galit.

Kulang na nga lang daw ay sugurin niya ang nasabing taga-interview para sa isang showbiz-oriented talk show at sampal-sampalin ito. Yes! Kung hindi lang daw nagpipigil itong si Marian, masasampal-sampal umano talaga niya ito.

Naloloka naman ang mga saksi sa gano’ng asal ni Marian. Dahil lang sa isang tanong na kung anong Pamasko niya kay Rhian, mananampal siya ng taong ginagawa lang naman ang trabaho na magtanong during interviews?

Assuming na hindi dapat na ura-uradang tungkol kay Rhian ang tanong, pero dahilan ba iyon for Marian para manggalaiti na sa galit?  Abut-abot na nga raw ang pagsu-sorry ng nasabing girl kay Marian. Pero hindi pa rin nito mapaghupa ang pagngingitngit ng aktres.

Bakit nga ba gano’n ka-sensitive si Marian kapag si Rhian ang napag-uusapan? Senyales kayang totoong selos na selos talaga siya sa dalaga?

Well… tapos na ang Stairway To Heaven na pinagtambalan nina Rhian at Dingdong. At ang susunod na seryeng gagawin ni Marian ay ang aktor ulit ang leading man niya.

Matuldukan na nga kaya nito ang iringang Marian-Rhian?

Abangan!

BLIND ITEM: KAWAWA naman pala ang katayuan ng isang sikat na sikat na child actor ngayon. Kapalit ng kasikatan at pagginhawa na ng pamumuhay niya ay ang napakabigat na responsibilidad na sapilitang pinapasan niya ngayon.

Laki sa hirap ang child actor na ito. Produkto ng isang broken family. Kasi musmos pa siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Naiwan silang magkakapatid sa poder ng kanyang ina. Samantalang ang kanyang ama, nagkaroon ng pangalawang asawa.

Mula sa probinsiya, lumuwas ng Maynila ang child actor kasama ang ina at kapatid para makipagsapalaran. May ambisyon kasing mag-artista ito kaya naisipang mag-audition at magsasali sa kung anu-anong pambatang talent search.

Hanggang na-discover siya at nabigyan nga ng break sa telebisyon. Ngayon, sikat na sikat na siya at kumikita na nang malaki. Sa murang edad, siya na ang bumubuhay sa kanyang ina at mga kapatid na ikinainggit naman ng tatay ng child actor. Puwede raw bang ang nanay lang ng bata ang makinabang sa magandang buhay nito ngayon, eh, anak din daw niya ang child actor?

Ang ginawa ng tatay ng child actor, nag-resign sa trabaho. Nagpakupkop na rin ito sa child actor kasama ang pangalawang asawa at iniasa na rin ang lahat sa musmos na anak.

Hindi naman makareklamo ang kawawang child actor. And since pakiramdam niya’y wala naman siyang choice, kayod-kalabaw ito ngayon sa pagtatrabaho habang ang kanyang mga magulang ay parang mga pensiyonadong sinusustentuhan niya ng lahat ng pangangailangan ng mga ito.

Tsk… tsk… tsk!

May kunek ang pangalan niya sa isang pulitiko at isang game show host. Gets n’yo na kung sino siya?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

51 thoughts on “Marian Rivera, galit na galit sa reporter ng showbiz talk show! – Ruben Marasigan

  1. si DING ba ung BI?
    ay kawawa naman, ang sama ng ugali ng ama!!!

    wag naman kayong ganyan magsalita sa mga reporters!
    they are just doing their job

    kung walang reporter, walang magbubunyag ng mga issues satin
    sa kanila lang din naman kayo umaasa sa mga chismis na ibinabalita nyo kung kani kanino. tsk!

  2. at sa ngaun d nla maamin na cla na kahit lantaran clang nagkikiss sa madlang people..bkit d nla maamin kaya?mga fans ni marian sabihin nyu bkit d nla maamin amin na cla na?hehehe

  3. dati nung marimar days grabe pagkahilig ng mom ko sa knya.pero nung inagaw nya na c dingdong kay karylle bgla nlang nwalan xa ng fans dito s min.db kc kahit anong ayaw ng babae d xa mapipilit ng lalaki.oo nga sabihin na natin na choice un ni dingdong na ayw nya kay karylle..pero kung matino kang babae kung liligawan ka at alam mong may masasaktan dkn papatol ryt?

  4. if true na nagsisinungaling ang writer na to..pero bakit?of all star bakit c marian?dn lang c judai?c piolo?c kris?c angel?mas maraming sikat kesa sa kanya db?
    sa napaka daming bad report kay marian,,ni isa ba wlang totoo?i dnt think so..kc kung wlang usok wla ding apoy.

  5. well show you reliable source.kung gusto nyong magpasikat ng isang starlet na nagbayad siguro yung tita para siraan si marian /gumawa sya kamo ng gimmik para umingay at mapagusapan name ni rhian ,paki sabi wag mangdamay or makisakay sa kasikatan ng ibang tao tapos sisiraan lang,tapos sth,kaya gagawa ng gimmik para umingay name ni rhian kasi afyer sth wala na,nakalimutan ng ng viewers kawawa naman kaya effort si bayarang pinoy prazzi ruben marasigan para sumikat si starlet in expense sa ibang artista,magsama kayong 2 ,pareho kayong mangagamit..at hindi palengkera fans ni mr ,sumasagot at lumalaban lang pagmali sinasabi kay marian na pawang walang katotohanan…mga rubbish na reporter tong pinoy parazzi.

  6. love u yan IGNORE mo lang or DELETE ang mga ganitong reporter…kasi nga naman magkano lang kita nila…they need to feed themselves at ang kanilang fafa…

  7. owwwssss!!!talaga ruben di ka naambunan…kasi naman ang gumagawa ng masama ganun din ang balik….kasisira nyo kay marian mas lalong dumadami biyaya nya…hala cge siraan mo sya ng siraan para maging isa kang cristy fermin…DI NA NATUTO!!!

  8. naku i knew it bakit galit c marian kay rhian..ayon kc sa aming reliable source eh natatandaan nyu ba pag iniinterview etong c rhian?lagi nyang binabanggit pag natatanong sa knya c dingdong.n kesyo d nya ugali ang mang agaw ng boyfrend ng may boyfrend.so eto nmang c marian nagalit kc natatamaan lagi.

  9. HAIZZZZZ!!! MS MARIAN YAAN MO CLA… WORK LNG NG WORK GIRL… PANI2RA LNG TO… IBIG SBIHIN CKAT K GIRL KC LHAT NG GALAW MO INAALAM NLA AT TINITIGNAN KUNG MGKAMALI K…

    PRAY MO NLNG CLA…

  10. What do you expect from that kind of girl?

    Eh PUTA yang si Marian Rivera.

    PUTA na ang INA, nagmana pa siya sa pagiging PUTA!

    • SHUT UP YOU B!!!IKAW ANG PUTA…YOUR MOUTH IS SOOOO FREAKING DIRTY YOU NEED A DEEP CLEANING!!!PATINGNIN KA MAY SAYAD ULO MO…

    • hoy masama yang snab mo bka bomerang sayo, sabagay kung maganda ka magandang work yan malaki kta, pero kung pangit wla na ko say.pero wag mong sbhn kay marian dhl maka dyos yon, ok ka lang ?

  11. ano pa bang bago dito sa marian pokers na to noh eh ganyan naman talaga ang ugali ng babaeng to noh hindi na dapat ito sinusulat dahil ganon naman talaga sya noh duh!!!!!!!! alam na yan ng lahat ng tao ung mga bobits nlng fans ang ayaw tanggapin

  12. Marian…panalo sa Middle East. Yang mga insecure dyan, mag tigil kayo wala namang basis yang mga report nyo. At no comparison between Marian and Rhian. Kahit ano pa ang gawin nyang Rhian na yan, bigyan man yan ng maraming Shows di pa rin sisikat yan. Ka level nya si Karylle, mukha silang mga matronic beauty…ha ha ha…

    • Matronic beauty? really? sino ba ang parating nanay ang role sa TV? di ba si Marian Rivera, yun ang mukhang matanda na at boses matanda pa.

  13. watz new?!!dito sa cavite ay alam na alam na nmin ang ugali nyan!!!wer not proud na tga-cavite cya!!!hindi kmi palengkera!!!!

    • Kasi ang magnanakaw takot sa kapwa magnanakaw! Mismo! sana mabasa mo to Marian, di ba parang ung nangyari kay Karylle??? Inagaw mo ang BF niya??? Bato bato sa langit ang tamaan huwag magalit…

  14. Eto na naman ang isang writer na gumagawa ng kwento. Hay, mukhang hindi na invite ng GMA at sa party nila Popoy. Poor creature

  15. Its buboy villar, he started sa little big star, some where south, where he was discovered, he was handled by abs at first and was given his first movie assignment thru supahpapalicious, he is cast as the little vhong navarro in the said movie, and the rest is history.

  16. maldita siya. galit na galit siya dahil alam niya ang boyfriend niya ay mahilig sa chika babes. male slut kc bf niya. nyahahaha. o ano na? alam mo na ang golden rule? don’t do unto others what you don’t want others do unto u. palibhasa nang-agaw kaya takot maagawan ng inagaw niya sa iba. karma karma karma. babalik sayo yan hundredfold. hala ka.

  17. Kung ikaw matinong maginterview banatan mo ba naman ng di kaaya ayang tanong ,di pa nga umiinit ang palayok buhusan mo ng tubig na malamig matuwa ka kaya,wala na yung code of ethics ng interviewer kung ako yan baka ipukpok ko pa sa ulo ang hawak mo recorder o mick at ng mabukulan ka,palibhasa mga pinabili lang kayo ng suka naging press na kayo!Bakit ganon ang tanong close ba sila,una hindi naman,pangalawa ano naman ang kinalaman ng pangahing pamangkin ni Ida sa buhay ni Marian,pakisagot nga wala rin so walang koneksyon ang kunek pilit kinokonek for the sake of mangagamit ng ibang artista for their own good,ang entertainment press kung minsan miron,nangbubuyo pa kung gusto mong ng maayos umayos ka sa pagtatanong ok!

  18. Hay naku baka me dapat pagselosan etong c marian about rhian infairness mas maganda c rhian s kanya kaya lang sobrang bagets pa baka wait c DD ng mga 3 years pa baka c Rhian ang ipalit ni DD s kanya…

    Naku eh pano kaya kung c Carla A ang maging leading lady ni DD baka makalbo ni Marian c Carla hahaha!

  19. Isa rin itong PG na writer,ganyan talaga pagnalilipasan ng gutom,kung anu ano ang sinusulat for the sake of paninira ito ang dapat dalhin sa AMPATUAN MAGUINDANAO at ibaon sa lupa hindi iyong mga inosente at kapakipakinabang at may kabuluhan ang isinusulat na mamamahayag!

  20. Isa siguro ang writer na ito na hindi nainvite sa Christmas Party,bigyan ng hamon at keso baka walang panghanda!

  21. talagang totoo yan, dba nagwala na xa dati at nakuhanan ng video ang kanyang pagkamaldita at lumabas na totong ugali nya nung kinunan xa ng video sa set ng dyesebel at takenote fans nya pa ung lalake na kumuha ng video sa kanya at ang maryanita grabeh kung magalit halos patayin nya yung kawawang lalake na hindi man lang nakapagsalita.. un nga eh maliit lng na dahilan bakit xa nagalit eh yan pa na bigdeal na sa kanya yan kasi selos na selos xa kay rhian at DD..lol

  22. sinong buboy po tinutukoy nyo? may clue naman na nakalagay sikat na sikat na child actor eh yung name na buboy kilala ba yan?sino un?

  23. as far as i know d na nag aaral si buboy kse nga naman nang hihinayang ang mga magulang sa mga raket ng bata… ( calling the attention of DOLE )

  24. si buboy villar nga ang tinutukoy nya yung ding sa darna and the story is true kse first hand information din ang nakarating saken re buboy, nakaka awa nga ang bata n he is mabait n very responsible kid and totoong nakaka inis ang pamilya nya imagine pati kuya nya na nag asawa na n may anak na eh sa kanya pa rin umaasa…

  25. Hindi siguro na invite itong si Ruben Marasigan sa xmas party for the press ni Marian. kaya ayan, galit at gumagawa ng kwento….

    lumalabas tuloy ang pagka mukhang pera mu RUBEN

  26. Ano yun pangalan ni DING sa Darna?

    Gustong gusto ko yun batang yun ha. Wag lang sya mae-exploit ng mga demonyo sa paligid, uunlad tlga sya.

    Akala ko nga si Santino. Naku wag naman sana.

    And HATE NA HATE ko yan term na BREADWINNER, lalo na sa mga batang walang muwang na artista. Mga magulang na IRESPONSABLE, MAHIYA NAMAN KAYO!!!

  27. hay naku…npahiya na nga ung 1 writer daw d2 na isinulat na nagsuplada daw c marian d2 sa japan..anong nangyari…d napahiya sya sabay bawi sa isinulat…
    kya sana make ur own research pra cgurado kau at hindi mapaso…lol

  28. hahaha. eh inagaw nya nga lang naman kasi si dingdong from karylle via their scenes sa patong-patong na soap nila. ayun. ahihihi. bakit mag-aapologize ung reporter? me sinabi ba syang masama? si marian ang me diperensya. hindi ung reporter o si rhian.

  29. So, what else is new? Marian appears to be a person of no breeding. Basagulera, mababa ang mitsa. Hindi ako magataka kung sinampal niya ang reporter. Nasasa pagkatao naman niya. Kaya tuloy, bumabagsak na lang siya. Sumasabit na lang kay Dingdong.

    • What else is new is the fact that gumawa na naman ng mga walang basis na story against Marian ang writer na to! Pangalanan niyo who is the person involved, sa palagay niyo di magiingay or magpuputak yung correspondent?
      Ida Henares umandar na naman kayong mag tiya, kahit anong gawin mo walang appeal ang pamangkin mo sa mga tao.
      Ang tao talaga pag sikat pilit pinapabagsak, at ikaw angbabawko, nagpapaniwala ka kaagad. sa rubbish na tabloid na ito!

    • ang sabhin mo, wat else is new? e lagi naman mali ang mga nega write-up kay marian! naku kung sino ka mang cheap na writer ka, kung ako syo hanapan mo ng evidence na magpapatunay na may ganyang nga na nangyari ha. palagi na lng imbento ang mga attack nyo kay marian! oh, well sabi nga ni marian, masama ang ‘INGGIT”!!!!!

    • do u have a breeding? i dont think so…as far as i know ang taong may breeding e hindi bsta-bsta pumapatol sa mga nababasa o naririnig! so know, tell me kung sino ang may breeding?

      • correct..lang breeding??cnu yung lang breeding?yung mabilis maniwala oh yung bungangera at maldita at MARAGSA kumilos at mgsalita..sabagay i know KIKI you have no breeding as well..i would’ve known from the name pa lng..hahahahha.it’s okay..you agree to what you think is right..ganun ka rin cguro..

  30. Ano pa ba ang nakakagulat sa pagtataray ni Marianita, eh pag makakabasa ka ng news about her puro na lang pagmamaldita…at si Rhian din puro lalaki palagi ang ikinakabit sa kanya.. goshhhhh wala na bang bago!!!!

  31. mahal talaga ni ida si rhian kaya ginagawan ng intriga si marian at pinapabango ang pangalan ni rhian at the expense of another artista. diba alex de rossi? who’s next?

    child actor? no idea.

Leave a Reply

Your email address will not be published.