Marian Rivera, excited sa sitcom kasama si Manny Pacquiao

HINDI RAW KAILANMAN naisip ni bossing Vic Sotto na pormahan ang napakaganda niyang leading lady sa Love Online na si Paula Taylor.

In fairness, malakas ang dating ni Paula at napaka-refreshing nito. Hindi nga itinanggi nito na maaari siyang ma-fall sa gaya ni bossing dahil lagi daw siya nitong napapatawa. But, as Bossing said, trabaho lang talaga ang lahat for them at never daw niyang magagawa pang mambabae o pumatol sa iba dahil happily committed siya kay Pia Guanio.

“Hindi ko na pinapatulan pa ang mga ganyang gimik. Maganda at masaya naman ang pelikula namin,’yun na lang siguro ang pagtuunan natin ng pansin,” hirit pa ni bossing.

Kasama sa movie ang mga Kapamilyang sina Matt Evans at Melissa Ricks, with Gina Pareno na first time palang makatrabaho ni bossing. “Would you believe na siya ang gumaganap na nanay ko dito. Eh, ilang taon lang naman ang tanda niya sa akin,” ang masaya pang hirit ni bosing.

Kasama rin sa movie sina Manilyn Reynes, Jose Manalo (na hindi tinaguan ang media dahil sa mga kontrobersya), Wally Bayola, Ritchie ‘d Horsey at iba pang mga Kapuso. Si direk Tony Y. Reyes ang  nasa likod nito.

IBANG KLASE TALAGA si Mommy Dionesia Pacquiao.

Aba’y kahit pa sina ABS-CBN President Charo Santos at mismong si Mr. Gabby Lopez ang kaharap nito, talagang napaka-natural nitong sinasagot ang bawat tanong sa kanya.

Hindi mahirap kausap si Pacmom at wala din itong preno kung sumagot ng tanong. This Saturday ay magiging special co-host siya sa Wowowee at sobrang pinaghahandaan daw talaga ito ng sikat na nanay ni Pacman.

Take note, pinag-wo-workshop na siya dahil in the next few days ay aarte na rin siya sa movie at isang TV show na sa GMA- 7 naman gagawin.

Kaya nga ng itanong sa kanya kung saan ba talaga siya magiging ‘tali,’ sa Kapamilya o sa Kapuso, ay buong giliw nitong sinabi na, “aba’y kung saan ang masaya at mas maraming mapapasaya. Pareho lang naman sila, pero secret muna natin kung alin ang may magandang offer.” Hahahahaha!!! Nakakaloka namang talaga di ba papa Jayke Joson?

SHOW ME THE Manny  ang magiging sitcom nina Manny Pacquiao at Marian Rivera sa GMA -7. Ito nga ‘yung sitcom na magkakaroon ng special role si Mommy Dionesia. Ito rin yung sitcom na sinasabing papalit sa show nina bosing Vic Sotto.

Nang maitanong namin ito kay Bosing during the Love Online presscon ay medyo nagulat pa ito dahil sa pagkakaalam daw niya ay may kontrata pa sila sa nasabing network. Though naririnig na niyang magkakaroon ng sitcom si Manny sa Siyete, hindi daw siya aware na timeslot pala nila ang sinasabing paglalagyan nito.

Excited naman si Marian nang kunan namin siya ng reaksyon tungkol dito dahil finally ay magkakaroon na uli ng venue ang kanyang pagiging kikay. Sa Darna kasi ay ibang Marian siya though sinabi nitong may pagka-jologs ang karakter niya as Narda.

“Pero siyempre iba pa rin ang sitcom, tapos Manny Pacquiao pa,” ang natatandaan naming tsika nito.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

15 thoughts on “Marian Rivera, excited sa sitcom kasama si Manny Pacquiao

  1. I like Marian pero ang ipartner siya kay Manny ayaw ko. Pero support ko pa rin ang show me the Manny kahit nasusuka ako kay Manny na hindi marunong umate

  2. Wag sana sya awayin ni jinkee kapag naintriga tong dalawang to.. can’t imagine pag nagkataon, based dun sa video na nakuha kay marian na inaaway yung ngbivideo sa marimar (or dyesebel?) vs yung pang-aaway ni jinkee sa mga nalink kay manny, hehe..

  3. go marian! go pacman! go pacmommy dionisia!

    go gma kapuso rules/rocks!

    patay na sunday program ng ebs nyan L.O.L.!!!

  4. Talagang magaling si Marian, mapa-drama o comedy pwede sya, di gaya ng iba, sa drama lang magaling, si Marian versatile actress talaga!!!

  5. grabe galing talaga umarte ni marian, mapa-drama o comedy pwede sya, di gaya ng iba, sa drama lang magaling!!!

  6. Ang dami mong blessings Marian!
    Good luck and congrats!
    We Marian fans and DongYan fans are her to support u all the way! We love u.
    DARNA sa August 10!
    Show me the Manny sa August din.
    Tarot this last week of October and Nieves this December.
    Watch out for Marian’s 2 new tvcs and 2 additional ones…
    PLUS new dance album.
    Vic Sotto, solid Eat Bulaga kami, more than 30 years na yan kaya hanggang ngayon wala pa ding nakakatinag. Patuloy lang kayong magbigay ng tunay na kasiyahan sa ibang tao na hindi kailangang mamintas sa mga contestants, mandaya, etc katulad ng wowowee.
    Sana my new sitcom ka ulit sa Kapuso maybe after ng Show me the Manny or sa ibang araw.

  7. katrina halinghing….sikat n sikat c marian noh……..and to all the fans of marian rivera her pls vote nio cia s pinoytop1o……

  8. katrina halinghing
    Hindi na kailangang pasikatin ang isang sikat na! If Marian is a nobody in Showbiz, you won’t even waste your time commenting!!! That’s the obvious.

  9. Excited na me 4 this new sit com ni Pacman and Marian I’m sure masaya at riot 2 compare with ful haus. I heard hanggang November lang ang itatakbo ng “Show me the Manny” coz 2loy na ang pagtakbo ni Manny bilang congresman sa Saranggani Province…

    • ikaw ang pathetic, hello sikat na ang sinabihan mo, sabihin mo yan sa mga laos na di pa nababalik ang dating kasikatan kilala mo malamang.

  10. ok din yan magpapahinga muna ang sitcom ni bossing balik na lang sila ulit para sa next season yun if kung gusto nya… nakakasawa na rin kasi ang story ng ful haus habang tumatagal hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.