Marian Rivera does the ‘Back-out Queen’

PRESENT NA PRESENT ang ever controversial Kapuso actress na si Marian Rivera sa presscon ng kanyang movie entry na Super Inday and the Golden Bibe sa Metro Manila Film Festival this coming December 25.

Babanggain ni Marianita ang mga box-offi ce king and queen ng Philippine cinema gaya nina Bossing Vic Sotto, Sen. Bong Revilla Jr., Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, kaya stressful ngayon ang honey ni Papa Dingdong Dantes. Makakasama ni Marian sa bago niyang movie sina Papa Jake Cuenca, Pokwang, John Lapus, Buboy Villar, Mylene Dizon at marami pang iba.

Speaking of Marian, ayon sa isang mapagkakatiwalaang propesor sa isang kilalang unibersidad, nagging estudyante niya nu’ng araw ang hitad sa La Salle. Puro kanegahan ang pinagsasabi ng tsismosong propesor patungkol kay Marian, na sure din namang ide-denay ‘yan ni Inday, kaya wa na sa pagka-ispluk! Ang tanong: True ba ‘yon? O sadyang imbiyerna lang ang propesor na itey?

Samantala narito ang woman of the hour para magpapansin at may kasama pang biglaang back-out scene?! Taray ni Inday!

Photos by Luz Candaba

By MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

MK Caguingin

About the Author

has written 41 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.