Marian Rivera at Dingdong Dantes, pasabik sa isyu ng pagbubuntis

Marian-Rivera-Dingdong-DantesANG ISA pang kuwentong aabangan natin ay si Marian Rivera naman.

Napapag-usapang buntis na raw ito, pero wala pang sagot ang mag-asawa tungkol dito.

Ang daming nangulit sa kanila, pero wala muna silang sinasagot.

May isang reporter ang nagtanong kay Dingdong tungkol sa isyung buntis, tawa lang daw ito nang tawa.

“God is good” lang daw ang sagot niya, pero wala talaga siyang sinabi kung totoo o hindi.

Ang alam ko naman ngayong linggong ito ay magsasalita na ang mag-asawa at kung ano man ang sagot tungkol sa isyung ‘yun, sa kanila lang ito manggagaling. Kaya hintayin na lang natin.

Kung totoong buntis na nga ito, wala namang masama dahil noon pa man ay gusto na nilang maka-baby agad.

Iyun nga lang, magsisimula pa lang ang The Rich Man’s Daughter ni Marian, kaya medyo mahihirapan siya. Tingnan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Marian Rivera at Dingdong Dantes, pasabik sa isyu ng pagbubuntis

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.