Marian Rivera at Dingdong Dantes, Palawan nag-celebrate ng Valentine’s Day

Marian-Rivera-Dingdong-DantesSINU-SINO NGA ba ang may mga ka-date at mga waley pag-ibig last Valentine’s Day noong Sabado?

Sa tinatambayan naming donut house sa may Roces Ave. sa Quezon City na katabi ng isang “mutmutan” (motel), halos ang daming naka-waiting. Sa katunayan, inaabangan namin ang pagbukas ng pintuan ng naturang motel, baka may makita kami na kasulat-sulat.

Sa showbiz, karamihan, nanood lang ng concerts sa kabila ng trapik sa buong Kamaynilaan.

Si Vice Ganda, nakipag-dinner lang sa mga kaibigang beki.

Si Richard Gomez, nanood lang ng concert nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez at Lani Misalucha with wifey Lucy Torres-Gomez. Earlier, nag-post si Goma sa kanyang IG account ng lumang photo ng misis na at that time ay edad 18 pa lang si Rep. Lucy with a short message: “Happy Valentine my love! Mula 18 years old ka pa lang hanggang ngayon nababaliw pa rin ako sa iyo (with a hashtag #kalurky).”

Si Ruffa Gutierrez naman nag-post ng six course entrée sa Valentine dinner niya prepared by Chef Nec Vanderbesken. Sa posting ng food entrees, wala binanggit or na-share na photo si Ruffa kung sino ang ka-date. Pero malamang ang boyfriend na si Jourdan Mouyal, no less, ang ka-date ng celebrity host na kung hindi kami nagkakamali, nasa Bali, Indonesia siya kasama si Jourdan for an R and R.

Ang mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa IG ni Yan, may limang photos siya nai-share sa kanyang mga followers. Nasa Palawan ang mag-asawa. Sa isang picture katabi ng isang bouquet of red roses habang nakadapa sa buhanginan sa tabing dagat, may caption na: “Ayleee…Salamat mahal @dongdantes. I love you more…”

Si KC Concepion, noong Araw ng mga Puso, nag-post ng lumang litrato nilang mag-ina. KC was around four or five years old then. Photo caption niya: “She’s my 1st and original Valentine…”

Kinagabihan, for her Valentine dinner (at siyempre may ka-date siya na hindi na niya binanggit), ipinakita lang ang cup of soup na may hugis puso ang crouton na nakaibabaw sa sopas.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.