Marian Rivera, `di tutuloy sa Spain `pag `di sinamahan ni Dingdong Dantes! – Mell Navarro

HINDI PA RIN pala siguradong makasasama si Dingdong Dantes sa pagpunta ni Marian Rivera sa Spain para i-meet ang ama ng dalaga roon.

“Hindi pa sigurado kasi ‘yung visa, medyo namemeligro pa. But I’m hoping… Malalaman ko kasi kung mare-release or hindi on the day itself na pag-alis ko ng Dubai,” lahad ni Dingdong.

Guests din kasi sila ni Marian sa Dubai concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid next week.

Wala namang problema sa visa ni Marian dahil meron itong Spanish passport.  ‘Eto na, say ni Dong, kung sakaling hindi ma-release agad ang visa niya, eh, hindi na rin daw tutuloy si Marian sa Spain dahil wala siya. Talbog!

Ang iniisip tuloy ng marami, hihingin na nga nito ang kamay ng aktres sa daddy nito sa Spain?

“Hindi, hindi…” pagtutuwid ni Dingdong. “’Eto na lang, kung sakali man, madali namang bumalik du’n. May visa na, e. At saka alam ko, ang visa, yearly yata, e. So, kung mag-e-expire, eh ‘di magre-renew ulit.”

ILANG BABAE ANG nali-link recently kay Jake Cuenca and hindi naman imposible ‘yun dahil charming at lovable naman talaga ang Kapamilya hunk na ito, and isa sa mga nasubaybayan din namin ang career, at hindi pa rin nagbabago sa pakikitungo sa kanyang showbiz press friends.

Nandiyan sina Bea Alonzo, si Roxanne Guinoo na dating karelasyon niya, at si Melissa Ricks na napapabalitang pinakaespesyal na babae ngayon sa buhay niya. Dahil kahit si Melissa mismo – sa presscon ng Paano Na Kaya? ng Star Cinema – ay aminadong nililigawan siya ni Jake.

“Ibang-iba silang tatlo, e… Si Roxanne ang tipo ng babae na ‘pag nagmahal, talagang ano, buhos lahat, buhos lahat. Basta si Roxanne grabeng magmahal…

“Si Bea naman, isa siyang babae na role model. Kumbaga sa mga ibang tao na tulad ko, isa siyang dream girl, isa siyang taong titingalain mo.

“Si Melissa naman ang isang babae na espesyal na nag-iisa. Kumbaga hindi ka makakahanap ng ganu’ng klase ng babae.”

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Related Post

loading...

14 thoughts on “Marian Rivera, `di tutuloy sa Spain `pag `di sinamahan ni Dingdong Dantes! – Mell Navarro

  1. yah! tama kau jan,according to dingdong himself,i read the yes magazine.c marian ay takot at hndi alam ang gagawin nung matambal c dingdong s ibang babae.

  2. if i knw naanakan lng nanay nya and d sya kinikilala.imagine wla man lang alam kahit isang salitang spanish or english?

  3. thats true i saw her here in bulacan,may itsura nga pero d makalaglag panty.mas flawless p nga c kristine hermosa eh.

  4. Ha ha parating may press release na pupunta daw ng Spain pero pag may chance naman ayaw naman pumunta, dahil naman ngayon kay DD kaya hindi makaalis, tsk tsk, taga-spain ba talaga tatay nyan, or pinulot lang yan kung saan saan, kasi sina Asunta De Rossi kahit matagal na dito sa Pilipinas fluent pa rin sa Italian language bakit eto, bano sa lahat ng foreign languages, mapa-english, spanish, baket kaya? Alam ko na, siya ay babaeng askal, babaeng asang kalye!!

  5. nakakatulog paba itong marian na ito? mukhang takot na takot mawala sa kanya c DD. kalokah. pano kc ang mang-aagaw takot din maagawan. im sure magsasawa din c DD sayo. kakasawa kaya beauty mo.

    • do u c her in person????
      girl i think malabo mata mo…kailngan ata magsalamin o contact lens kana
      baka tumulo laway mo kpag nakita mo sya w/ur own 2 eyes…..believe me…mka2limutan mo bf/asawa mo
      hihihi

      she is like ang angel na bumaba sa lupa
      yan ang bagay na salita 4 her
      shes so beautiful,pretty atbp
      grabe im not a fan of her but rily wen i saw her and kiss her…day…laglag panga ko…
      and shes so loveable….u have 2 meet her pra mapatunyan mo sa sarili mo na puro mali ang balita sa kanya.aside frm dat she rily like kids(children)
      y i know????bcoz i know
      heheheh

      • really? I saw her in person sa Subic at hindi naman nalaglag panga ko, i think mas maganda ang mga pictures nya kesa sa personal, nothing new, yung issue na pagkaganda ganda nya opinion lang yun ng mga fan/s (kuno) nya, but really in showbiz, hindi sya extra ordinary.

Leave a Reply

Your email address will not be published.