Marian Rivera, ‘di magpapatalbog sa rampa ng mga sexiest!

NAG-ENJOY AKO kay Marian Rivera nang mag-guest co-host ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, huh! Bagay pala siyang mag-talk show host!

Kahit siya, nag-enjoy at kilig-kiligan ang interview nila ni Richard Gutierrez para sa promo ng My Lady Boss.

Pinatanong nga ng writer namin na kung sakaling wala silang mga karelasyon, may chance kayang maging sila.

Si Marian ang sumagot na hindi nila puwedeng sagutin dahil pareho silang may karelasyon ngayon.

Sabi na lang ni Marian, basta ‘pag magkasama sila, may kilig sa kanilang dalawa.

Siyempre tilian ang mga fans sa studio na talagang nakatutok kay Marian, huh!

Kagabi ang premiere night ng pelikula nilang My Lady Boss sa SM Megamall dahil sa Miyerkules na ang showing nito. Sana nga maganda ang kalalabasan sa takilya dahil may kilig-kiligan naman.

Napapag-usapan din namin du’n sa studio ang pag-number one ni Marian bilang Sexiest Pinay ng FHM. Sa July 10 na ang FHM party at ‘di magpapatalbog du’n si Marian kasama ang iba pang napabilang sa Top 10 FHM’s Sexiest.

Napapag-usapan din doon na meron pa raw drama na ibibigay ni Sam Pinto ang korona ng FHM’s Sexiest Pinay dahil siya ang number one nu’ng nakaraang taon.

Siyempre kinontra ito ng mga beki dahil number two ngayon si Sam, bakit ibibigay ng number two sa number one?

Nu’ng nakaraang taon siya ang nag-number one, ngayong taon si Marian, eh ‘di si Marian lang ‘yun. Wala na raw dramang i-relinquish ng last year’s winner sa this year’s number one.

Si Marian natatawa lang at sabi niya, parang hindi naman daw ganu’n ang drama ng FHM. Hayaan na lang daw kung ano ang gagawin ng FHM, basta sa July 10, darating siya at siyempre sexy-seksihan ang Marian diyan!

 

NATATAWA AKO rito kay Barbie Forteza. Ang bata pa niya talaga at wala siyang kamali-malisya sa pagpahayag nang paghanga niya kay Dennis Trillo.

Ang tagal na pala niyang crush at ang aktor at hindi pa talaga sila nagkasama sa trabaho na naka-bonding niya ito.

Ang wish lang niya na makuha ang cellphone number ni Dennis at magka-text sila. Napapatili talaga siya kapag si Dennis ang napag-uusapan.

Nu’ng tinanong nga ito kung sakaling ligawan siya ni Dennis, ano ang gagawin niya. “Asan na?!” tili nito na parang gustung-gusto na niyang ligawan siya ng aktor.

Pero hindi ako namamalisyahan sa ginagawa niya, na parang hindi naman kalandian. Open lang talaga siya at nagpakatotoo lang na crush na crush niya si Dennis.

Kaya nga pagkatapos ng Anna Karenina nila, tuluy-tuloy na ang pagtutok niya hanggang My Husband’s Lover dahil lalo siyang napabilib sa galing ni Dennis.

In fairness naman talaga, lalong naging lalaki ang dating ni Dennis pagkatapos siyang hangaan sa My Husband’s Lover.

Ang galing niya roon, na hindi mo naman pagdududahang bading ito.

Malamang isa sa mga araw na ito magtatambal din ‘yan sina Dennis at Barbie. I’m sure liligawan n’yan si Barbie. Magiging sila kaya?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Marian Rivera, ‘di magpapatalbog sa rampa ng mga sexiest!

  1. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

  2. NAKU KUMAPIT NA KAYO AT IPAPAKITA NA NI MARIANITA ANG KANYANG MGA UGAT AT KULUBOT SA KATAWAN HAHAHAHAHAHA!

    KE BATA BATA PA NITONG BARBIE NA ITO LUMALANDI NA HAHAHAHAHA! NAKU, IKAW RIN BAKA MABIKTIMA KA RIN NI DENNIS TRILLO HAKHAK!

    • teka, ang kinis ni marian, walang kulubot at ugat, saan mo nakita yun, pati ang kanyang armpit ang kinis, tabla sila ni anne curtis sa pakinisan ng armpit, ang putiiii niya, flawless, hindi kaya ibang aktres ang nakita mo

      • he he baka yung nakita niya ay yung ugating aktres na taga kapamilya, he he may kilala nga ako dun, maitim ang kilikili, pawisin pa, 

Leave a Reply

Your email address will not be published.