Marian Rivera, ‘di feel makasama si Judy Ann Santos sa movie?!

HOW TRUE kaya ang balitang tinanggihan ni Marian Rivera na makasama sa pelikula si Judy Ann Santos na intended sana for Metro Manila Film Festival under Regal Films at sa bibig daw mismo ni Mother Lily Monteverde ito galing.

Kaya naman daw malaking-malaki ang tampo ni Mother Lily kay Marian, dahil nga ang Marian-Judy Ann movie sana ang gusto nitong maging entry ng Regal sa taunang MMFF. Kaya lang ay hindi na ito natuloy dahil daw tumanggi si Marian.

At kahit nga raw saka-sakaling magbago ng isip si Marian at gusto na nitong gawin ang pelikulang pagsasamahan nila ng mahusay at award-winning actress, malabo na ring mangyari dahil na-anounce na ang walong pelikulang mapapanood sa Metro Manila Film Festival ngayong December.

Kaya naman ang ending, walang entry ngayong taon sa MMFF ang Regal Films dahil pahinga ngayong taon ng Shake, Rattle & Roll na taun-taon ay entry ng kumpanya ni Madera sa nasabing film festival.

PANIGURADONG MAGDIRIWANG at magsasaya ang Filipino fans ni Taylor Lautner or mas kilala bilang si Jacob ng Twilight Saga, dahil ito ang pinakabagong Endorser ng Bench. Tumungo pa ng Los Angeles, California ang Bench CEO and owner na si Mr. Ben Chan kasama ang Bench Team para i-welcome ito bilang bagong endorser ng Bench.

Ang campaign ay kinunan sa LA ng sikat na photographer, videographer and director Anthony Mandler (who has worked with artists like Rihanna, David Beckham, Beyonce, Usher, Shakira, Taylor Swift, Nicki Minaj, and Justin Bieber). Taylor was styled by Samantha McMillen (included in The Hollywood Reporter’s list of 25 Most Powerful Stylists List).

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Taylor Lautner na kumita over one billion dollars sa box office, mula sa Cheaper by the Dozen 2, The Adventures of Sharkboy and Lava Girl, at the John Singleton thriller, Abduction. Pero mas nakilala si Lautner sa pagganap bilang si Jacob Black sa record-breaking global phenomenon  The Twilight Saga franchise base mula sa novela ni Stephenie Meyer.

 

SA POSITIBONG feedback na nakukuha nito sa magaling na pagganap sa Du-gong Buhay ay isa na nga si Arjo Atayde sa mahusay na young actor sa bansa. Kaya naman ‘di malabong makamit ito ang kasikatan kung magtutuluy-tuloy ang pagdating ng magagandang proyekto nito.

At ang kahusayan nito sa pag-arte ay marahil minana niya sa kanyang award-winning actress mom na si Ms. Sylvia Sanchez na hindi na matatawaran ang galing sa pagganap at kung ilang award na rin bilang mahusay na aktres ang nasungkit nito sa iba’t ibang award-giving bodies.

At ang payo nga ni Ms. Sylvia sa kanyang anak na si Arjo ay ‘wag itong magbabago kapag sumikat ito. Lagi nga raw nitong ipinaaalala sa anak na laging maging humble at matutong bumati sa kanyang mga nakakatrabaho, bata man o matanda, at maging sa kanyang mga tagahanga na sinusunod naman daw ni Arjo na isa sa marespeto, mabait at palabating baguhang actor sa showbiz.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

17 thoughts on “Marian Rivera, ‘di feel makasama si Judy Ann Santos sa movie?!

  1. wow marianita ikaw na talaga! Dapat nga magpasalamat ka kasi may movie ka with the superstar like judy ann,.kikita movie nyo if ever kasi kasama mo si juday,.lahat movie ni mr FLOP dba? Bobita ka talaga mr!

  2. Tangina naman issue ba ang Panga dito?? parang mga wala kayong panga ahh!! Bale na Cute naman kame sa Personal! mga Iinggitera!!

  3. Huh? Old issue na eto. Kahapon pa na klaro ang issue. Hindi totoo yun sinabi ni Mother Lily. Inamin mismo ni Alfie Lorenzo na manager ni Judy Ann na hindi tinanggap ni Juday yun project kasi walang ready script ang Regal. Gusto daw mabasa muna, pero wala pa sila script, kaya hindi tinanggap ni Judy Ann. Hindi si Marian ang dahilan kung baket hindi natuloy. Nun pumutok ang issue na eto, tinawagan mismo ni Marian sina Alfie Lorenzo to assure them that working with Judy Ann would be an honor for Marian, and she welcomes that opportunity. Hindi daw siya tatanggi. Willing nga mag cameo ni Marian na walang bayad, hindi issue sa kanya ang makipag co-starring, lalo na malaking pangalan si Judy Ann. Ginawang scapegoat lang ni Mother Lily si Marian, kasi hindi masyadong lumalaban si Marian sa mga negative write ups sa kanya, dahil na din sa advise ng dati niyang manager na si Popoy para hindi na lumaki ang issue. Ang problema, madami ang mga walang magawa at naninira ng walang dahilan.

    • MUKHANG AGREE AKO SA YO. KAHIT NAMAN BIG STAR NA RIN IN HER OWN RIGHT ITONG SI MARIAN, I DON’T THINK NA KAYA NYANG TANGGIHANG MAKASAMA SI JUDAY. JUDAY IS JUDAY. TEKA, ANO NGA BA SI JUDAY? HAHAHAHA. 

    • Pareho nilang tinaggihan…. hindi ang isa’t-isa… kung hindi ang kawalan ng preparation ng nasabing movie… like yong script…. di maibigay kaagad sa dalawa….

  4. Baka ayaw lang ni Marian na makasama ang malaki ang PANGA. …Mapikon sa post ko gagawin kong Mother Superiora de Mongha.

    • HAHAHAHAHA. ARAY KOH! SO, AYAW NYA RIN PALA KINA TONI GONZAGA, CHARICE, GLADYS REYES, CHANDA ROMERO, MEL TIANGCO, KORINA SANCHEZ, TINTIN BERSOLA, HELEN GAMBOA, ARNOLD CLAVIO, ATBP. AY, PUFFY CHEEKS LANG PALA YUNG IBA JAN. HAHAHAHA

      • kung ganun, ayaw rin niya kina lolit solis, cristy fermin at ogie d. hahaha! Ay, nakalimutan ko si aling maliit.

      • ANG SABIHIN MO, AYAW LANG NI MARIANITA NA MATABUNAN SIYA SA ACTING NI JUDAY HAHAHAHAHA! INSEKYORA KASI ANG BRUHAHAHANG YAN HAHAHAHAHAHAHA! ANG TAMAAAN MUKHANG T*E HAKHAK!

      • alfianing balbas ek ek…so wat kung ayaw nya k juday…gusto bani juday sa knya?  FYI nauna ng tumanggi c juday kc ayaw nyrin gumawa ng mmff muvi dis year…at kung mapanga c juday e babalina nman ang bruhang marianitang idol mong yan no hahahahaha….ps,,,ung my lady busabos nya karagdagan na nman yan samga FLOPSINA muvies nya hehehehehe….

      • Patawad na po ,,,Mother Superiora de Mongha. Ikaw ang nagwagi sa pakontes ko. Ha100x

Leave a Reply

Your email address will not be published.