Marian Rivera, dedma na lang sa mga intriga!

ANG PAGIGING TOTOO ni Marian Rivera ang dahilan kaya lalo siyang minahal ni Dingdong Dantes. Kung sa ibang tao, antipatika ang tingin nila sa dalaga, hindi sa paningin ng aktor. Hindi na raw kailangang magbago pa si Marian para magustuhan siya ng tao, ayon kay Dingdong. Sa tingin nga namin, mas lalong lumalim pa ang kanilang pagmamahalan habang ginagawa nila ang You To Me Are Everything. Kahit tunay silang nagmamahalan hindi pa rin hinihiwalayan ng intriga ang actress.

“Deadma na lang, wala namang saysay. Baka sa susunod na balita ay bakla naman ako, babae ako!” Biglang tumawa ng malakas si Marian na nagbibiro.

“Tawanan na lang. Enjoy na lang natin kung anuman ‘yung blessing na dumarating. Kung below the belt, nand’yan naman ‘yung mga taong nagmamahal sa akin. Nag-guest na ako sa Showbiz Central at lahat ng mahal ko sa buhay at lahat ng totoong tao na nakakakilala sa akin ay nagsalita na. So, relax na ako, okey na ako. Nagsalita na ang mga mahal ko sa buhay so, wala na akong pakialam! Artista lang akong nagtatrabaho at mahal ko ang trabaho ko,” dugtong pa niya.

Kapag libre rin lang sina Marian at Dingdong, kumakain sila sa labas at nanonood ng sine. Pareho silang hindi mahilig sa materyal na bagay, tuwing birthday at Christmas lang nila binibigyan ng regalo ang isa’t isa.

Kailan nga ba naging sila at nagse-celebrate din ba sila? “Sa totoo lang, kahit kami ayaw naming pag-usapan ‘yan. Everyday naman nagse-celebrate kami ni Dingdong. Everyday na nagkikita kami, special na araw ‘yun para sa amin,” simpleng sagot ni Marian.

Sa tono ng pananalita nina Marian at Dingdong parang lalong lumalalim ang kanilang pagmamahalan. Hindi kaya nagpa-plano na silang lumagay sa tahimik? “Seryosong bagay ‘yan, kung pag-uusapan, kailangang pagtuunan ng oras at panahon. This is not the right time, ang dami pa naming gustong gawin. Darating tayo d’yan, if the right time comes,” pahayag ng sexiest man in the world na si Dingdong.

Memorable moment nina Marian at Dingdong? “Nu’ng ginawan niya ako ng special party, birthday ko. Kumbaga, na-contact niya ‘yung mga taong special sa buhay ko na kailangang nandu’n. Isa ‘yung bagay na hindi ko malilimutan na ginawa sa akin ni Marian,” say ni Dingdong.

Kuwento naman ni Marian, “Birthday ng lola ko, may ginawa siyang surprise du’n na parang MTV na lahat ng mga artista yata pinagsama-sama niya. Siya ang nag-direk, ibinigay niya para sa lola ko.”

Normal lang sa mag-dyowa ang magkatampuhan pa minsan-minsan. Sa kaso nina Marian at Dingdong, away-bati rin kaya ang kanilang relationship? Biglang tumawa si Marian, kinulit si Dingdong na sagutin ang aming katanungan. “Hindi naman kami nag-aaway, parang normal lang naman kung may kaunting hindi pagkakaunawaan. Hindi maiiwasan kung minsan magkatampuhan, pero hindi ganoon kalalim. Minsan wala sa mood ‘yung isa, wala pang ten minutes, naayos din agad. After a few minutes, mare-realize mo kung ano ‘yung ginawa mo, ‘yun,” sambit ni Dingdong.

Nangarap din si Marian na balang-araw ay pakakasalan siya ng lalaking mahal niya at si Dingdong na kaya ang lalaking maghahatid sa kanya sa dambana?  “Bilang babae, isang malaking korona ‘yan sa isang babae na ikasal ka. Kahit siguro kahit anong month, basta pakasalan ka ng lalaking mahal mo, korona ‘yun para sa ‘yo!” Matalinghagang wika ni Marian.

Paliwanag naman ni Dingdong, “Isang bagay para sa amin, we both give much importance to that words na we really keep it secret. Kung kailangang pag-usapan… sa panahon na dapat pag-usapan, ‘yun. Then it’s again, it’s important, it’s really an event for us but individually also. Kasi ako, naniniwala ako du’n, korona ‘yun para sa kanya.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articlePriscilla Meirelles, nairita sa paggamit kay John Estrada!
Next articleMGA LIBERAL ANG NAGPALAKAS SA MGA AMPATUAN NP: Political career ni Andal Sr. nagsimula sa Aquino administration

No posts to display