Marian Rivera, dedma lang sa hulang malalaos na siya ngayong taon

PAGTAASAN MAN NG kilay ng maraming komokontra sa kanya, magpapatuloy lang na dedma si Marian Rivera sa mga nang-iintriga sa kanya, lalo na kung nararamdaman niyang kaya lang naman siya tinitira ay dahil hindi siya gusto bilang tao at artista sa showbiz.

Para kay Marian ay mas okey na ‘yung ginagawa niyang magpakasipag siya sa kanyang trabaho, mag-taping at mag-shooting ng kanyang teleserye at mga pelikula. Sa ganu’ng pamamaraan, nakakalimutan niya ang mga intriga at lumilipas na lang iyon habang naghihintay ang mga kumokontra sa kanya kung maaapektuhan ba siya.

Dedma lang si Marian sa mga taong habang hayun daw at masaya ang relasyon nila ni Dingdong Dantes, parang ang laging inaabangan ay kung kailan sila magkakahiwalay. Ang tangi na lang daw ipinagpasalamat ng magandang aktres, si Dingdong ‘yung unang tao na malapit sa kanya, na hindi nagsasawang umunawa at ipagtanggol siya sa maraming pagdidiin sa isyung maldita siya, mayabang at maraming masasamang ugali.

Dedma rin si Marian sa hulang diumano’y sa kasalukuyang taon ay malalaos na siya sa kanyang kasikatan. Hindi na rin naman daw kasi bagong isyu para kay Marian, na sa tuwing bagong taon ay hinuhulaang malalaos na siya.  Dati na raw kasi ay hinulaan siya, na isang baguhang aktres ang sisikat at magpapalaos sa kanya. Pero hanggang ngayon ay reyna pa rin siya sa GMA-7. Ang alam daw ni Marian, marami pa siyang mga proyektong gagawin, kaya patuloy lang siyang magsisipag sa kanyang trabaho.

IPINAGKIKIBIT-BALIKAT NA LANG ni Heart Evangelista ang pagpuna ng ibang tao sa kanilang relasyon ni Daniel Matsunaga, na para raw siya pa ‘yung babae na nagpapahalata na sobra ang kanyang pagmamahal sa baguhang hunk actor ng GMA-7. Parang sobra raw kasi ang kilig factor na mababasa mo sa hitsura, kilos at mga pananalita ng Tsinitang aktres kapag nagkukuwento siya tungkol sa relasyon nila ni Daniel. Parang mas sobra pa raw ang tindi ng pagka-in love ngayon ni Heart, kumpara nu’ng sila pa ni Jericho Rosales ang magkarelasyon.

Depensa ni Heart, pareho lang naman daw sila ni Daniel, na sobra ang pagmamahal ngayon sa isa’t isa. Hindi raw maganda na pagkumparahin ang pagkakaiba ng pagmamahal sa kanya nina Echo at Daniel, dahil magkaibang panahon naman iyon. Pero ang maipagmamalaki lang daw niya, pareho naman sina Jericho at Daniel na kapag tinatanong tungkol sa kanilang relasyon, naroon sa kanilang mga salita ang sobrang pagmamahal sa kanya.

Pantay lang daw siguro, wika ni Heart kung gaano nila mahal na mahal ni Daniel ang isa’t isa sa kasalukuyan. Marami raw kasing nagpaparating sa kanya, na kapag hindi niya katabi si Daniel at siya na ang topic, puro raw magagandang salita ang ipinapatungkol sa kanya ni hunk actor. Kaya sana lang daw, huwag nang intrigahin ang kanilang pagmamahalan.

TALAGA NAMANG DAPAT pangaralan si Alfonso Martinez tungkol sa pagtu-tweet niya ng hindi magagandang salita tungkol kay Direk Wenn Deramas tungkol sa isyu ng pagkakapanalo niyang Best Director sa katatapos na Metro Manila Film Festival-Philippines dahil sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!) ng Star Cinema. Wala siyang karapatang manguwestiyon, dahil kuwestiyonable nga kung may nalalaman siya sa showbiz. Sinubukan nga niyang mag-artista, pero hindi naman siya sumikat kahit napakaguwapo niya. Maganda ang imahe ng kanyang mga magulang na sina Liezl at Albert Martinez sa showbiz, kaya bilang anak ay isaalang-alang niya iyon, huh!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

57 thoughts on “Marian Rivera, dedma lang sa hulang malalaos na siya ngayong taon

  1. GALING NUNG MANGHUHULA NA YON, DI BA TAMA NMAN HULA NYA NA MALALAOS NA C MARIAN RIVERA KC TIGNAN NYO NILALAKO NA NYA NGAYON YUNG SHOW NYANG AMAYA KC NGA FLOP . KAHIT PA NGA NAG TOPLESS PA CYA EH FLOP PA RIN. KAWAWANG MARIAN, PAG NALAOS KA NG NG HUSTO TYAK NA IIWAN KA RIN NI DINGDONG DANTES KC GANYAN ANG GINAWA NYA DATI SA MGA EXES NYA. NUNG SIKAT PA KAPIT TUKO CYA AT TODO TANGGOL PERO NUNG LAOS NA INIWAN NA NYA. YUNG PAGMUMUKHA NI DINGDONG NA YUN EH DI MAPAPAGKATIWALAAN. KAWAWA NMAN C MARIAN GURANG AT LASPAG NA LAOS NA KC KAYA KAPIT NG HUS2 K DINGDONG. KARMA YAN SAU SA PANG-AAGAW MO NG BF NI KARYLLE. BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAH

  2. Salamat sa SMDC sa shares of stocks ni Marian. Sikat na, may additional source of income pa outside showbizness. Congrats and goodluck, Marian!

  3. Ipagpatuloy mo lang Marian ang trabaho. Deadma lang sa kanila kasi puro negative ginagawa nila, lalo na yung mga bayarang writers. Goodluck and bless you more, Marian!

  4. taon -taon na lang hinuhulaan na malalaos. me maniniwala pa ba sa hulang iyan. diyos lamang ang makakapagsabi kung ano ang magiging kapalaran ng isang tao. at ayaw ng diyos na lumalapit ang isang tao sa manghuhula o yung me kakayahang mag magik dahil iyan ay bigay ng demonyo na maglilinlang sa tao. ang propeta lamang ang siyang binigyan ng diyos ng kakayahan na buksan ang mga mata sa hinaharap o future at gateway iyan sa communication ng diyos at sa tao. ang mga manghuhula na andyan sa mga tabi- tabi sila yung mga natuto sa mga magik/mahika na likha ng demonyo. malaki talaga ang influence ng ibang kultura sa isang tao gaya ng mga buddhismo kaya kung ano- anong kalukuhan na lang ang nalalaman ng tao meron pa yung year o the tiger o year daw ng mga kuneho. nalalaman nyo ba na ang ina- adopt nyong mga kultura ay nanggaling sa mga false idols galing yan sa pagsamba ng mga pekeng diyos na gawa ng tao. at kayo naman na mga tungaw nagpapaniwala naman kayo wag kayong lumalapit sa mga manghuhula ayaw ng diyos iyan.

    • …kuya,may kannya kannya tayong paniniwala,dito sa japan,e budihism pero hindi rin sila nagpapaniwala sa hula kaya……be careful…..good luck……….

  5. AY HINDI PA BA??? MATAGAL NA SYANG LAOS!!!!! PINALALABAS LANG NG GMEEEEWWWW NA SIKAT NA SIKAT SYA DAHIL MATAAS DAW ANG RATING NG MGA SHOW NYA…. (EH BAKIT NA TSUTSUGI AGAD?) NA INDEMAND DAW SYA (EH BAKIT INAAYAWAN NA SYA NG ADVERTISERS?) NA MARAMI DAW SYANG FOLLOWERS AT FANS (TULAD NG SURVEY KUNO SA PEP NA GOLDEN BIBE DAW ANG NANGUNGUNANG PANONOORING DAW KUNO NG MGA READERS NILA, EH ASAN SILA???? BAKIT PANG 7 ANG MOVIE NI MARIAN NEXT TO FATHER JEJEMON HAHAHAHAHAH TO THINK PASKO PA YAN IPINALABAS PANU PA KAYA KUNG WALANG OKASYAN BAKA SA KANGKUNGAN NA LANG YAN BUMAGSAK HAHAHHA MAS MALAKING KAHIHIYAN!!!! HAHAHAHAHA IN SHORT MAS FLOP!!! HAHAAHAHAHA) MATAGAL NANG LAOS SI MARIAN KALA LANG NA SASABING SIKAT AT HOT EH DAHIL SA MGA WRITE UPS NG MGA BAYARING WRITERS NG GMEEEWWW 7 AT MGA NEGATIVE ISSUES SA KANYA…

    AYAN NA PAPALA NG PAGLABAS NG MGA RATING NG ABG IN PARTNERSJIP WITH GMEEEWWWW 7 ( MAPAGKAKATIWALAAN MO BA YANG SURVEY AT RATING NA NILALBAS NILA??? EH MAGKAPARTNER SA PAG KUHA NG DATA YUNG SUBSCRIBER AT PARTNER NG COMPANY??? NATURAL TAMPERED NA YAN!) YANG MGA RATING NA YAN NA DATI EH MILYA ANG LAYO NANG MABAGO KUNO ANG TITLE NG RATING EH POINT SOMETHING NALANG ANG AGWAT SA KALABAN…. NAGPAPALABAS NG HINDI MAKATOTOHANANG RATING!!!!

  6. hayy..naku..puro nalang Marian, Marian..Please lang GMA ipakilala niyo naman yong iba niyong artista..parang si Marian nalang ang Bida, dahil ba sa siya ang nagpapahatak pataas? Hmm….pag-isipan niyo yan..Pahalagahan niyo yong iba niyong mga Talents…

  7. hindi ko idol si marian pero sa tingin ko sikat siya at maganda nman…………kaya lng base sa mga news maldita daw siya, pero maganda smile niya.

  8. hay naku akala mo ang galing galing magsalita ni cristy, sa sampu sinabi nya, wala akong pinaniniwalaang ni isa, walang siyang cridibilidad, si mo naman feeling guapo eh dwarf naman, mas maganda pa na si ic at alex lang noong sa juicy, pero ngayon yang crity at mo feeling nagmamagaling.look at urself b4 u judge.

  9. hay naku.. walang magawa ang mga inggit! ganyan talaga ang feeling pag inggit! tsaka sumisikat din sila e, pag ginagawan nila ng masasamang intriga si marian, ano kaya ginawa ni marian sa inyo? nakakatulog ba kayo sa paninira nyo, parang hirap matulog pag ganyan haters sa kapwa, walang peace of mind.. e si marian alam nya masaya sya at wala sya tinatapakang tao, nakakatulong pa sya, kaya good karma bumabalik din sa kanya… hayaan na lang natin sila, part ng work nila yan ang manira, ang pangit lang, work sila para manira, kase nga po mga inggit! bahala na si lord sa kanila d ba… love u marian…

  10. ang laos hindi na pinag-uusapan! si marian palaging pinag-uusapan! puro paninira ang binabato sa kanya tulad nina ronnie c., juicy hosts at iba pang mga inggitera kasama ka mayeth!!!

  11. pano kikita ang Super Inday, 39 theaters lang nilabas, dahil ayaw makipag share ni mother lily ng profit, dahil ang gusto ng SM 50-50.

  12. hindi porke pinagkakaguluhan ang artista ay sikat na. Maraming artista ang hindi pinagkakaguluhan pero pag
    gumawa nang pelikula box-office hit, me mga artista naman na pinagkakaguluhan at tinitilian nang fans pero
    flop ang pelikula, bakit kaya?

  13. Ang Super Inday ni Marian Rivera ay flop sa takilya, palatandaan na ito na pababa na ang popularity niya, oo
    siya pa rin ang reyna nang GMA pero hindi siya top money maker. Tulad back in the 60’s despite na palaos na
    si Gloria Romero, siya pa rin ang reyna nang Sampaguita Pictures kahit si Susan Roces na ang pinakapopular at
    box-office queen nuon. Maski ngayon, queen of Philippine Movies pa rin ang tawag kay Susan Roces kahit matagal
    na siyang laos. Ang title hindi mawawala out of respect pero ang pagkalaos hindi puedeng i-deny. Si Marian
    pa rin ang reyna nang GMA dahil kulang ang GMA sa artista, ang iilan nilang talent ay hindi naman sikat.

    • well, parang hindi naman eh. kasi meron nga siyang parating na teleserye sa gma 7. kong hindi siya sikat hindi naman siguro tanga ang gma 7 na maginvest pa sa kanya diba? mga negosyante ang mga yan. hindi yan tataya kong hindi sila kikita.

  14. SANA PO MAGING LAOS NA PO SI MARIAN PARA MABAWAS BAWASAN NA ANG GASTOS NAMIN SA PAGBABAYAD SA MGA REPORTERS FOR HER DEMOLITION JOB… WISH KO LANG…

    -CHARO SANTOS-
    -DEO ENDRINAL-
    -BOY ABUNDA-
    -GABY LOPEZ-

    • hahaha. good job.kasi lalo nyo lang itinataas ang kanyang kasikatan. huwag nyo siya pagusapan tingnan nyo mawawala siya bwahahaha. siya nga pala nagpapasalamat sa inyo si Marrianne kasi good or bad publicity is still publicity. meaning lalo siya tatatak sa utak ng mga tao. Ciao….

  15. hala!!! anon bang hula yan.. kelan pa sumikat yan? matagal ng laos yan..di pa nga sumisikat laos laos na yan..kung sikat yan eh anong nangyari sa SUPER FLOP INDAY?

    • kung laos bakit niyo pa kailangan ng demolition job? aber yun ba ang laos nathe threaten kayo sa akin.. sabihin niyo maraming lumaos na artista pagdating ko as marimar! yun na mga losers!!! wahahahahhahaha

      • ang mga laos yung hindi na gumagawa ng pelikula for example Angel Laosin saan na siya? una sa kokey hindi natuloy sunod naman yung movie niya with jericho and then di natuloy kay aga na rin ewan ko lang tuloy pa ba.. ang masasabi ko lang hindi kumita ang land down under niya with pioling.. kahit umatras at di nakipagsabayan sa playdate ng one true love!

      • people with bad attitude will not stay longer in the business.sad to say, marian has lost her credibility.tsk.tsk.tsk

      • siya nga ba? sa tingin ko nga mas lalo siya minahal ng mga fans nya eh. alam mo ang under dog eh ang laging panalo like her. lagi nyo siyang tinitira at pilit pinababagsak kaya hayan ang career nya lutang parin. panood ka pala sa bago nyang teleserye sa gma 7 Amaya yata yun? invited ka ha, pero I am sure hindi ka manonood kasi baka mahimatay kalang lalo sa inggit. masama yan. hehehehe Ciao….

      • Sorry, akala ko, natupad na ang wish nila, kasi, ang Super Inday, ang liit nang kinita. Hindi ba proof ito na kokonti TALAGA ang fans niya ? Bakit bigla silang nawawala pag may movie siya. Di ba dapat, full support sana sila?

      • lahat naman ng artista eh nakakaranas ng konting problema sa career at kasama yan sa buhay. pero hindi ibig sabihin eh katapusan na ng mundo.

  16. hay naku mga wala kayong kwenta mabuti pa iadd niyo nalang ako sa facebook.. at pag usapan natin mga isyu about sa akin.. halika usap tayo face to face.. facebook.com/welovemarianrivera yun na! mga tarantado kayo!

    facebook.com/welovemarianrivera

  17. KUNG HINDI YAN SIKAT SI MARIAN BAT NAGCO COMMENT KAYO DITO! DI BA ANG MGA LAOS DI PINAPANSIN HAY NAKU MGA BITTER NA KAPAMILYAKS WISH NIYO LANG NA LUMAOS SI MARIAN YAN ANG CHRISTMAS WISH NIYO TAON TAON PERO DI PA RIN NATUTUPAD LALO TULOY SIYANG SUMISIKAT KAPAG MAY INTRIGA ABOUT SA KANYA KAYA ANG DAMI NG ENDORSEMENTS NI MARIAN!

  18. tama!!!!!!!!!!!!!!!!dito din zamboanga, wah effect din yan c marian………………kc angel city to eh………..hehehhehehehhe……..

  19. dyos ko hinde totoo ang hula na yan!!!!! BAT 2011 PA? MATAGAL NG LAOS YAN 2010 PA!!!! DI PA NGA SIKAT YAN LAOS NA!!! TAROT? SUPER INDAY???? BWAHAHAHAHAHA

    • as if naman ikaw eh may movie. at kong magkakaroon man, ang tanong kikita ba? meron ka na ba'ng maipagmamalaki dyan kay marrianne. tingnan mo nga sarili mo. maganda ka ba? magaling ka bang umarte? hay naku mga tao talaga mapaghusga pero hindi muna tingnan ang sarili baka mas masahol ka pasa hinuhusgahan mo.

  20. talaga naman noon pa laosssssss na si marian mga kapusot lang nagsasabi na sikat sya…..halimbawa na lang entry nya sa mmff diba kulilat sya….tapos ngayon sinulog ulit segurodo takot na syang pupunta sa cebu kasi sabi ng friends ko binobooooooboooooo daw sya noon na inagawan nya si karylleeeee….tsaka pinagtitiyagaan lang ni dingdong sya pano malandi sya…

    • Si Marian laos noon pa man?! TANGA lang ang magsasabi non! At isa ka na dun!!! At sino may sabi sayong binoboooo si Marian sa cebu…eh samantalang halos hindi na makapasok ang sasakyan nya dahil sa dami ng tao!!! O baka naman friends mo lang ang nagboboooo..bakit ilan ba friends mo 1 o 2? pweeeeeeeeeee!

  21. Ay naku, iyang mga taga tv5 naman ang mahilig mang-okray kay Marian. Si Fermin at mga alipores at kaalyado niyang reporters ang panay ang nega ang mga pinagsasabi at pinagsusulat. Pati nga si Gaskel na numerologist ay ginagamit ng tv5. Kasi nga naman, umaasa sila na pag sumemplang si Marian at di na kontratahin ng GMA ay sa kanila lilipat.

    At iyang si Fermin, Mo, IC at Shalala, grabe kung makapamintas ng mga artista. kapapangit naman. Si Fermin, panay ang pintas kay Aljur na ang liit raw ng ulo para sa katawan! Siya kaya, ang sagwa ng face niya para sa isang tao noh. Nagagalit siya kay Chocolate na tinatawag siyang Shrek, sa totoo lang, talaga naman siyang babaeng Shrek noh. Iyong bansot na Mo naman, panay ang pagpapa-cute, feeling matinee idol. Yuck, kaya proud na proud kapag inili-link kay Rhian (parang beauty and the dwarf beast). Si Shalala naman, halatang mahilig mag-exaggerate ng kuwento sa blind item, at ang hilig mamintas, eh mukha naman siya ang talagang mabaho, at ang hilig mag-malinis, na parang siya ay hindi baklang kalye. Si IC rin, mahilig mag-malinis, eh gabeng bading naman, naknakan ng kati. Sana nga, huwag masyadong pa-influence si Alex Gonzaga, sa mga nega na ugali ng mga kasama niya. Mas like ko talaga ang juicy noong si Alex lang ang host, at may mga reporter guests lang siya.

    • agree ako sa lahat ng sinabi mo, natawa ako talaga sa sinabi mo about cristy fermin “sagwa ng face nya para sa isang tao”. paray kay cristy si willie lang ang pinakagwapo, pinakamabait, hindi bastos (ano ba yung ginawa nya nung burol ni pres cory?, ano ba ginawa nya sa ABSCBN?), para kay cristy si willie ay laging tama.

    • korek ka dyan. kong sino pa ang mga walang k at ang papangit eh siya pa yun magaling manghusga at mangalipusta ng kapwa. kaya nga siya inalis ng dos noon eh (fermin) kasi karma sa kanyang mga paninira sa kapwa nya hehehe. ang karma ay nadyan lang hintayin nyo lang. babagsak din kayo. ang may masamang balak sa kapwa ay hindi nagtatagumpay. masama kasi.

  22. Tama lang ang attitude ni marian sa mga sumusulat ng negative issues tungkol sa kanya, ever since naman kasi hindi naging ugali ni marian ang maki-pag-plastikan sa mga writers/reporters na ayaw sa kanya kaya lalong nanggagalaiti ang mga yun, tulad na lang ni crusty fermin, walang lumabas sa bunganga nya na maganda about marian pero pikit mata naman sya sa ugali ni willie palibhasa sabi nga ng marami ay nasa payroll sya ni willie

    • korek ka dyan! tingnan nyo na lang ang mga negative na sinusulat nila kay kris hindi pinansin ng tao hayun blockbuster ang dalaw kaya tameme clang lahat.

      • Ahahha..Si Cristy kasi….Insecure lang yan Kay Marian kasi nga naman….MAGANDA si Marian, SEKSI, TALENTED at higit sa lahat SIKAT!…eh siya ano?!! Ahahaha..kung sino pa yung MUKHANG BUTETE, PANGET, MUKHANG SHREK, MASAMA ANG TABAS NG BIBIG, WALANG PINAG-ARALAN…eh siya pa yung mahilig mamintas! Ahahahaha…kapal ng face!

      • hay naku mga waley! wala kayong kwenta mabuti pa iadd niyo nalang ako sa facebook.. at pag usapan natin mga isyu about sa akin.. halika usap tayo face to face.. facebook.com/welovemarianrivera yun na! mga tarantado kayo!

        facebook.com/welovemarianrivera

      • hindi ganun kacheap ang kilala kong marrianne noh. sa inyo nalang ang face to face nyo. pati ba naman mga personal nyong buhay eh ipalabas sa tv hay naku. napaghahalata eh mga walang breeding. hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.