Marian Rivera, contented with Dingdong Dantes

Merese
by Dinno Erece

IBA ANG TAWAGAN nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa isa’t isa kung magkagalit sila o kung magkabati. Mapapagod lang daw sa kahihintay ang mga fans kung may aaminin sina Marian at Dingdong sa estado ng relasyon nila ngayon. Lumalabas pa rin sila outside of their Ang Babaeng Hinugot Sa Aking tadyang promo, pero hanggang doon lang ‘yun. Inamin naman ni Marian na wala siyang suitor ngayon dahil nandiyan naman ang partner niya sa soap nila sa Tele-Babad after Totoy Bato at masaya na siya kay Dingdong.

Pero kung pareho silang walang aaminin sa kanilang dalawa, we heard naman na iba ang tawagan nila sa isa’t isa kapag magkabati sila at iba rin kapag magkagalit. Kapag bati ang dalawa sa set, Yummy at DD ang tawagan nila; Yummy ang tawag ni Dingdong sa kanya at DD naman sa partner niya. Pero kapag magkagalit sila, Dingdong ang tawag ni Marian sa partner at siya naman, Proserfina. Proserfina ang character name ni Marian sa soap nila.

Kaya kami babantayan naming ang mga interviews nila para alam namin kung magkabati sila o magkagalit that time.

NAGKAROON NA NG second meeting ang GMA at Ms. Annabelle Rama.

Pagkatapos naming maisulat dito ang unang meeting ng GMA Chairman/President/CEO Atty. Felipe Gozon and GMA Films President Annette Gozon-Abrogar sa manager ni JC De Vera over the contract issue of the latter, nagkaroon na rin pala ng second meeting si Ms. Annabelle with the GMA management the next day rin. Ang unang meeting was last March 9 sa Manila Polo Club and March 10, nag-lunch sila sa Prince Albert.

In the end, ang GMA pa rin ang nanalo sa usapang contract. JC is still bound by his contract with the network and GMA prevailed dahil may extension pa ang contract ni JC until March 2010. Sisimulan na rin ni JC ang Ngayon at Kailanman with Heart Evangelista and for this, we’re so happy for the birthday boy dahil continuous ang work niya.

Ito na rin ang naging final decision to settle the issue.

GOTA BEACH SA Caramoan Island sa Camarines Sur ang favorite destination ngayon ng Survivor franchise.

Last year, maghu-Holy Week din, dalawang artistang nagtatago ng kanilang relasyon ang nabunyag ng hindi sila nakapasok sa Gota Beach dahil nagti-taping noon ang Survivor France. The episode must have been a hit dahil this year, maghu-Holy Week din, sarado ang Gota Beach since last January hanggang July dahil tatlong franchises ang nag-book sa pamosong beach resort sa CamSur ng tig-tatlong buwan.

Nagti-taping na ngayon ang Survivor Israel sa Gota Beach. Susundan sila ng Survivor Turkey at pangatlo ang Survivor Bulgaria. We heard, pero hindi pa raw nagku-confirm, na naka-schedule ding mag-taping ang Survivor Sweden sa Gota Beach. Sayang nga at hindi puwede roon ang Survivor Philippines na nagsisimula na ring magpa-audition around the country. May ruling kasi ang Survivor franchise na hindi puwedeng mag-tape sa sariling bansa ang local franchise.

Narinig na namin kung saan gagawin ang SP 2, pero hindi pa rin puwedeng sabihin.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.