Marian Rivera boob slip on SOP

Parazzi Chikka
by Parazzi News Service

PINAGPIPIYESTAHAN NGAYON SA internet ang kumakalat na video grab ng isang song and dance number ni Marian Rivera sa SOP.

Masaya at nakakaindak ang tugtog, at halos lahat ng mga nasa studio, tuwang-tuwang nakikisabay sa magaslaw na pagkanta at pagsayaw ni Marian. Pero isang ‘di inaasahan ang naganap. Nalaglag ang pang-itaas na damit ng sexy actress, at lumuwa ang hindi dapat lumuwa sa harap mismo ng studio audience at napanood sa national TV. Nabigla man si

Marian, agad din naman niyang inayos ang sarili, at sabi nga ‘show must go on.’

Shocking kung tutuusin ang eksena. Pero mas awa ang mararamdaman mo kay Marian. Sa panahong ito na nagbabago ng image si Marian – mula sa pagiging maldita tungo sa pagiging magiliw – hindi kailangang may mangyaring ganitong ‘eskandalo’ sa aktres.

Definitely, hindi ito isang gimik, at hindi nga ganitong klaseng publicity ang gusto ni Marian ngayon na nakipagbati na nga sa mga nakaaway niyang press people. Sinsero naman si Marian, kung tutuusin, sa pagpapakumbaba niya. Wala na ngang halos tumitirang entertainment writer sa kanya, at halos wala na nga ring lumalabas na negative issues sa kanya.

‘Yun nga lang, nakaawa si Marian, dahil sa kabila ng lahat, heto’t pinagpipiyestahan na naman siya, sa iba na namang paraan.

loading...

10 thoughts on “Marian Rivera boob slip on SOP

Leave a Reply

Your email address will not be published.