Marian Rivera, babantayan ni Dingdong Dantes sa taping!

NAKU! TULUY-TULOY NA nga itong malaking project ng GMA-7 na e-picserye na Amaya.

Nagkaroon na sila ng story confe-rence nu’ng kamakalawa, at siyempre, present ako do’n dahil kasali ang ibang alaga ko. Si Lani Mercado ang gaganap na ina ni Marian at kasali rin si Paolo Contis na kontrabida na naman ang role, at si Roy Alvarez.

Dalawa ang leading man dito ni Ma-rian na si Sid Lucero at ang baguhang model ng Jollibee na si Mikael Daez. Kabado nga itong si Mikael dahil unang salang pa lang niya sa showbiz, mala-king project na agad at si Marian pa ang ka-partner niya.

Excited din si Marian sa project na ito dahil first project daw niya ito na hindi remake at talagang mapapasabak daw siya rito sa aksyon kaya pinaghandaan niya ito nang husto. Matindi ang taping nito dahil ang dami palang lugar na pupuntahan nila. Bukod sa mga bundok at dagat dito sa atin, magti-taping daw sila sa Pangasinan, sa Butuan, at baka pati raw sa Indonesia.

Nakakaloka naman ‘yan!

Kaya nga napag-usapan na raw nila ni Dingdong Dantes na malamang ay bihira na silang magkikita.Nangako naman daw si Dingdong na kapag libre ito, siya na ang dadalaw kay Marian sa set at sasamahan niya ito. Baka by that time, tapos na raw si Dingdong sa I Heart You Pare, kaya may mga libreng oras na ito para samahan si Marian sa taping. Pero hindi naman ‘yan palagi, basta ang mahalaga, maisingit pa rin nila sa schedule nila ang magkita at magkasama kahit sandali.

Tuwang-tuwa naman si Marian sa pagkukuwento na nag-dinner sila ni Dingdong sa La Cocina de Tita Moning sa Maynila nu’ng nakaraang Valentine’s Day. Sabi sa kanya ni Dingdong na magdi-dinner sila sa isang lugar na hindi pa nito napuntahan, kaya tuwang-tuwa siya nang dinala siya roon ng nobyo.

Lumang bahay kasi ‘yun na malapit sa Malacañang. Madalas doon kumakain ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nag-enjoy si Marian dahil kakaibang experience daw ‘yun sa kanya at doon nagpalitan na sila ng kani-kanilang regalo. Gano’n ka-sweet ang dalawa, kaya masayang-masaya ang aktres dahil inspired sa sobrang pagmamahal ni Dingdong.

ANG ALAGA KO namang si Paolo Contis, medyo nagwu-worry dahil malapit nang manganak si Lian Paz. Pangalawa nilang baby ito. Magsisimula na ang Amaya at madalas ay out-of-town ang taping nila, kaya namumroblema ito dahil gusto naman niyang samahan si Lian sa panganganak nito.

Sabi ni Paolo sa akin, baka first week of March na raw manganak si Lian through caesarian operation, kaya baka mataon pang nagti-taping daw siya. Nu’ng huling check-up daw nila, 5 pounds na ang baby ni Lian, kaya medyo mabigat na ito at hirap na siya sa paglalakad.

Kung puwede na raw itong operahan, baka i-schedule daw nila ng March 7, na tamang-tama at birthday ito ng panganay nilang si Xonia Aitana. Gusto raw sana nila na magka-birthday na ang dalawang anak, para isang selebrasyon na lang. Hinihintay na lang daw nila ang payo ng doktor kung puwede ‘yon.

Ngayon pa lang may pangalan na sila sa pangalawang baby nila, Xalene Abriana.

Hay, naku! Nakakaloka itong si Paolo. Wala pang isang taon ang panganay nila ni Lian, meron na kaagad kasunod. Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Marian Rivera, babantayan ni Dingdong Dantes sa taping!

  1. Isang dakilang plastic si Marian Rivera. Sikat lang siya kaya nandyan pa si DingDong na isa namang dakilang user. Deny pa ng deny noon kuno. Wait till Marian loses her shine because of her bad attitude at si DingDong siguradong maghahanap ng mas sikat! Can't she grow as an actress?Puro mga walang sense na palabas ang pinapagawa sa kanya- all of commercial value- none of quality or moral grounds man lang! Duh!

  2. buti nalang at matutuloy na ang AMAYA,.kapuso na naman si SID LUCERO,,welll,,work lang naman ito,,,maiba naman,,,we love sid naman,,kahit san pa sya,,.sana si JOH LOPEZ o COGIE DOMINGO nalang naging leading man ni marian,,we..lets see,,this mikael,,diba,,mukhang edukado at may breeding daw,.

    hay nako,,di pa nga sila kasal ni lian,,nag anak na naman,,,sana pinatatag muna nila relasyon nila,,bago anak ulit at kasal muna,,bilang respeto sa mga anak diba,,hay nako,,i find paolo naman na maayos at responsableng ama o asawa,,,sana ipagpatuloy niya iyan.,,.diba,,,

  3. Talagang mahal na mahal ni Dingdong and Marian ang isa't isa. They always find time to be together and truly support each other's activities. Suwerte si Marian kay Dingdong, at lalong suwerte si Dingdong kay Marian na talagang pang wife-material. Masarap at marunong magluto, mamalancha, maglaba..napakabait, marunong humawak ng pera, at napakaganda! Ano pa ang hahanapin ng isang lalaki? Na kay Marian na lahat!
    Marunong din siyang magmahal sa mga nagpalaki sa kaniya tulad ng lola niya at mama niya! She is blessed!

  4. Pingback: Tweets that mention Marian Rivera, babantayan ni Dingdong Dantes sa taping! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.