Marian Rivera, ayaw makasosyo si Dingdong Dantes

“AYAW. AYOKO talaga.”

‘Yan ang stand ni Marian Rivera sa tanong kung type ba niyang mag-produce ng movie na kasosyo ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

“Okay na po ‘yung (nasa) relationship kami, may kanya-kanya kaming soap opera, may kanya-kanya kaming ginagawang trabaho,” esplika ni Marian sa presscon ng Kung Fu Divas.

“Siguro ‘wag naman sa lahat ng bagay ay magka-share kaming dalawa, kasi wala na kaming bagong pag-uusapan. Kasi sa lahat ng aspeto ay magkasama kaming dalawa. Siguro maganda ‘yung pagkakataon na kapag nagde-date kaming dalawa ay meron akong hindi alam sa kanya at meron siyang hindi alam sa akin na mas magandang pag-usapan. At least lalo kaming mai-in love sa isa’t isa,” sabi pa niya.

Sabi ni Marian, nagkataon lang na nakakatrabaho niya lately ang ABS-CBN stars like Piolo Pascual na nakasama niya sa Ekstra ni Vilma Santos at ngayon nga ay si Ai-Ai delas Alas.

“Nagkataon lang, kasi roon sa “Ekstra” ‘yung producer ay kaibigan ng ex-manager ko, so pinakiusapan ako kung gusto ko raw na isa ako sa cast, kasi gusto ako ni Ate Vi na makatrabaho. So, sabi ko, bakit hindi? At ginawa ko ‘yon for love, para malinaw po. Nagkataon lang siguro na in-offer sa akin ni Direk Onad ito. Naging co-producer ako at si Ate Ai at sakto rin po sa Star Cinema. Siguro destiny rin po, nagkataon po lahat.”

THIS NORA Calderon should know how to observe proper decorum during presscons.

We were told na nagtaray ang gurang na ito kay Ronald Rafer nang makita niya ito sa presscon ng isang GMA-7 soap.

“Bakit ka narito?” sabi raw ni Nora kay Ronald na nagulat when he was asked that question.

Siyempre, naroon si Ronald dahil invited siya sa presscon. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan, Nora Calderon?

Bakit ba masyadong feelingera itong Nora na ito gayong BAYARANG publicist lang naman siya ng GMA? Ang feeling ba niya ay REYNA siya ng Siyete kaya puwede na siyang umasta nang ganoon?

Dating teacher daw itong Nora na ito, eh, bakit siya ganyan umasta?

Kung tuta ka ng isang network ay ‘wag kang masyadong umasta na ikaw ay reyna. Intiende?

 

Beauty Queen mother, pinaghintay ang press sa launch ng endorsement ng kanyang anak

 

BLIND ITEM: Medyo naimbiyerna yata ang mga tao sa launching ng isang actress-model recently.

Kasi naman, hinintay pa raw ang beauty queen na mother niya bago umpisahan ang official launch niya as endorser.

Ang gusto yata ng mother dear ay naroon siya kasi major endorsement iyon ng kanyang dyunakis. Kaya lang, na-late siya kaya medyo naghintay ang mga press people na masimulan ang event.

And when she came ay naka-casual lang daw ang former beauty queen. This is understandable kasi naman mall naman ang event at hindi naman ginawa sa isang five-star hotel, ‘no.

Sa pagmamadali marahil na makaabot sa launching ng kanyang anak ay hindi na masyadong nag-ayos ang madir kaya naman sinuklayan pa siya ng sylist bago siya umupo sa harapan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “Marian Rivera, ayaw makasosyo si Dingdong Dantes

  1. aba alex something.. hnd ka yata nega kay marian ngayon.
    dapat gnyn ka lagi pra wala kang kaaway.. isa pa na okrayin mo
    c marian.. mkakatikim kna

  2. OH, MGA MARIAN FANS, HIMALA NGAYON AT MAY APELYIDO NA SI MARIAN AT HINDI NA “SOMETHING.” HAHAHAHA. PERO DI TLG KUMPLETO ANG COLUMN NI MISS ALEX KUNG DI MAGTATARAY. AYAN, KAPWA PRESS, INOOKRAY. HAHAHAHA.

    YUNG B.I., OBVIOUS NAMANG ISABELLE DAZA DAHIL RECENTLY, NAG-LAUNCH ITO NG BENCH SCENTS SA TRINOMA.

  3. BALITA KO NA KAYA LANG NAGING NEGA SI MARIAN NOON DAHIL SA DATI NIYANG MANAGER  NA MAYABANG, KAYA MARAMING REPORTER ANG INIS AT PURO NEGA ANG SINUSULAT SA ALAGA NIYA

  4. Nakita ko yong segment sa Kris TV while Marian was a guest, wow ang ganda talaga ng mukha ni Marian at yong make up nya parang very light lang pero mestiza talaga ang dating.  Siguradong maganda at guapo ang mga supling nila Dong in the future.

    • Asa ka pa teh nagbait baitan ang baklang parlorista? Balitang tinalakan ng Alex ang kasamahan nitong parlorista na nagsulat ng article huli na ng iupload ito. Dapat daw may “marian something” halata nga namang ghost writer ang nagsulat! 

  5. Saka alam na ni Alex yung buong pangalan ni Marian Rivera, hindi na Marian Something. Nalangisan na siguro ng bagong management agency ni Marian, hehe..

    BI – Gloria Diaz & Isabelle Daa?

    • Hindi si Alex Valentina ang nagsulat ng article na ito. yung kasamahan niya sa parlor ang nagsulat kasi busy ang bakla sa manicure pedicure!

Leave a Reply

Your email address will not be published.