Marian Rivera at Dingdong Dantes, patok sa Vietnam

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraMAS ANGAT pa rin pala ang Philippine television kumpara sa medium na ito in our Asian neighbors, one of which is Vietnam. Kamakailan, ang magnobyong Dingdong Dantes at Marian Rivera were hailed as Favorite Foreign Stars in Vietnam for their GMA soap Dyesebel (na kelan pa ba umere rito sa atin?).

The Vietnamese are looking forward to the couple’s Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Susme, kung ganito katagal bago umabot sa Vietnam ang mga palabas natin, eh, anong taon nila kaya mapapanood ang bagong soap ni Marian na Carmela? Baka by then, mag-asawa na sina Dong at Yan, at may anak na, na siyempre, hindi hinugot sa tadyang ni Marian, ‘no!

But by then, too, isa na talagang fully established Kapuso star ang leading man ni Carmela na si Alden Richards who plays Yago. Ngayon pa nga lang, Primetime Prince na ng GMA ang bansag kay Alden, a royal title that befits him, in fairness.

Puring-puri nga ni Marian si Alden sa pagiging dedicated nito sa trabaho. Even Alden swears na physically ay marami siyang ginawang sakripisyo tulad ng pagdyi-gym, pagwo-workshop under director Laurice Guillen (who’s also in the soap), pagpapatubo ng facial hair and most of all, shedding off his timid attitude towards his leading lady.

To pilot on January 27, uulitin lang namin ang aming curious na tanong: kelan ito mapapanood sa Vietnam?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Marian Rivera at Dingdong Dantes, patok sa Vietnam

Leave a Reply

Your email address will not be published.