Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na!

MADALAS KAMING nagkakasabay ni Marian Rivera sa salon ni Bambbi Fuentes at siyempre tsikahan kami du’n ng mga off the record na kuwento na ipinagkatiwala naman niya sa akin.

Base sa mga sinasabi ni Marian, mukhang malapit na nga silang magpakasal ni Dingdong Dantes at nakatono na talaga sa utak niya na si Dingdong ang lalaking pakakasalan niya.

In fairness naman kay Marian, wife-material talaga siya dahil pambahay talaga siya. Masarap siyang magluto, maasikaso sa bahay at ang kuwento nga sa akin ng ibang taong malapit sa kanya, kapag dumadalaw raw sa bahay niya si Dingdong, talagang super ang pag-asikaso niya.

Lalo na raw kung nagpapa-dinner ‘yan o lunch sa pamilya ni Dingdong, siya raw talaga ang nagluluto, at pati ang paghuhugas ng pinggan siya ang gumagawa.

Hindi n’yo nababalitaan si Marian na gumigimik sa labas, ‘di ba? Lumalabas lang ‘yan sa mga kaibigan at alam ko sa bahay lang sila tsikahan nang tsikahan, hindi umiinom o gumagawa ng gimmick sa labas.

Lalo na kung mag-asawa sila ni Dingdong, tiyak na focus na ‘yan sa pag-asikaso sa asawa niya at sa magiging anak nila.

Sabi nga sa akin ni Lorna Tolentino, minsan ay nau-open nga raw ni Dingdong sa kanya na kung mamili siya ng babaeng pakakasalan niya, si Marian na talaga ito. Kaya swak na swak na sila.

Abangan na lang natin sa susunod na taon, ang announcement nila kung kailan na ang kasal.

Malamang sa susunod na taon, may balita na tayo riyan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na!

  1. ..wishing u both good luck…let’s give them a chance to have their own family…hindi lang nman sila ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa lng ng mag-asawa,marami dyan…we don’t have any rights to judge their relationship nor judge both of them…oo mga artista sila but it doesn’t
    mean we know every details of their lives…let them live whatever lives they wanna have,after all
    di nman tau ang magbabayad ng kasalanan nila o di nman tau ang masasaktan at the end…

  2. Buntis kasi. Sya nga yung nasa blind item kaya magpapakasal na. Ang tanong, matanggap kaya ni dingdong ang anak nyang tinatago?

  3. sya lang ang atat pakasal si dingdong hinde..wahahaha dingdong mag isip isip ka naman dapat ang pakasalan mo yung babaeng may breeding di palengkera

  4. parati naman ganyan yan mga yan eh, tapos hindi naman natutuloy haynaku tsaka na lang ibalita pag totoo na talaga noh!

  5. MAHIRAP MAGSALITA NG TAPOS….MALAY MO MAKAHANAP PA KAYO NG IBA…MAGKAKASAWAAN DIN KAYONG DALAWA LALO AT DI PA KAYO KASAL EH GINAGAWA NIYO NA ANG MGA BAGAY NA GINAGAWA LANG NG MAG ASAWA.

  6. The wedding of Dingdong and Marian is what all of us; their fans, have been praying for for awhile now. It will be a blessing and a glorious event when the time comes! Yes, sana nga malapit na. . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.