Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na sa December?!

BONGGA NGAYON ang mga artista dahil abala sila sa mga pangangampanya sa mga huling araw nito bago mag-eleksyon.

Ang isa sa abala ay si Dingdong Dantes dahil suportado nito ang ilang kandidato ng Team Pinoy lalo na si Bam Aquino at Jun Magsaysay.

Kuwento ng mga staff namin sa Startalk, halos magkasabay raw ngayon na nag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa sina Dingdong at Kris Aquino.

Todo ang suporta ni Kris sa mga kandidato ng Kuya Noy niya. Napag-uusapan na tuloy na balak na rin nitong pasukin ang pulitika.

Nakausap nga ito ng Startalk, sinabi niyang pinag-iisipan daw niyang mag-OJT sa Iloilo at Davao dahil ito raw ang mga lalawigan na sobrang na-impress siya sa malaking pagbabago.

Kaya marami pa raw siyang dapat malaman at mapag-aralan. Kaya may balak talaga. Hindi lang ‘yan mababang posisyon o sa local government kundi national ‘yan.

Malay natin, baka siya ang susunod na mag-presidente pagkatapos ng term ni P-Noy.

Pero kuwento pa nito, pagkatapos daw ng eleksyon ay magbabakasyon daw muna siya dahil magli-leave naman ito sa ABS-CBN 2, ‘di ba?

Pangako raw niya sa mga anak niya na bibigyan niya ng anim na linggong bakasyon na silang tatlo lang daw ang magkasama.

Naku! Kaya ba ni Kris na walang yayang kasama? Siyempre dapat niyang bantayan din si Joshua kaya may mga kasama ‘yan tiyak.

Ayaw lang niyang sabihin kung saan sila pupunta dahil gusto raw nila ng privacy talaga.

Ang isa pa kasing balak niya ay ipapa-check-up daw si Joshua. Pero ang alam ko, ipapa-stem cell si Joshuam, eh. Kaya ‘yun talaga ang balak niya.

Si Dingdong naman ay laging natatanong sa kanya kung totoong ikakasal na sila ni Marian Rivera sa December.

Hindi naman niya ito sinasagot, pero feeling ko totoo ‘yan.

Abangan na lang natin at hindi naman nila itatago ‘yan tiyak.

 

NAGBIGAY NA ng babala ang abogado ni Marjorie Barrretto na si Atty. Lorna Kapunan na magsasampa sila ng kaso sa kung sino man ang magda-download o mag-a-upload ng kumakalat na litratong malaswa na sinasabing si Marjorie raw ito.

Itinatanggi ito ni Marjorie at obviously paninira lang daw ito sa kanya. Pero ayaw pang magsalita ni Marjorie sa ngayon. Ang abogado lang niyang si Atty. Kapunan ang nagsalita.

Sabi ni Atty. Kapunan, alam naman daw ng lahat ang bagong batas ngayon na ipinasa ni Sen. Bong Revilla sa Senado, ang Rep. Act 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act 2009.

Kaya kung sino man daw ang mag-download nito para ikalat lang, kakasuhan daw nila.

Pero marami na yata ang nakakita, eh. Kaya nasiraan na riyan si Marjorie. Pero mabuti na rin ‘yung napigilan na para hindi kumalat pa.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na sa December?!

    • Ang laos yung nagpapakita ng puke at suso katulad ng nanay ni Julia Baretto. Kabit ng kabit sa mga lalaking may pera. Mga ugaling aso katulad mo Marianita at katulad ng mga idols mo sa AbsCbn na kung kani kaninong lalaki or bakla sa Abscbn nagpapakangkang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.