Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na rin next year

Dingdong-Dantes-Marian-Rivera Dingdong-Dantes-Marian-RiveraKUNG NAUWI na sa kasalan ang ilan sa showbiz couples sa ngayon gaya nila Iya Villania at Drew Arellano at kumpirmado na rin ang pagpapakasal ni Karylle at ng boyfriend nito na si Yael Yuzon, balitang mauuwi na rin sa pagtataling-puso ang relasyong Marian Rivera at Dingdong Dantes sa susunod na taon.

Nagselebra ng Araw ng mga Puso sa isang lugar sa Quezon Province sina Marian at Dingdong. Ang relasyon ng dalawa ay pinagtibay ng pagmamahal, respeto at tiwala sa isa’t isa.

Naaalala namin ang isang insidente kung gaano kamahal at pinahahalagahan ni Marian ang damdamin ni Dingdong. Ang kasama sa pelikula si Ai-Ai delas Alas ang pabirong nagtanong nu’n sa aktres sa balitang pinagselosan daw niya si Bea Alonzo nang makatambal ito ng boyfriend sa isang pelikula na maayos namang sinagot ni Marian.

Kinabukasan, nakatanggap kami ng tawag na nakikiusap daw si Marian na huwag nang ilabas ang parte na ito dahil baka magalit sa kanya si Dong. Dito ay naramdaman at nakita namin na kinukunsidera lagi ng aktres ang magiging damdamin ng boyfriend na para sa amin ay senyales kung gaano niya ito kamahal at nirerespeto.

Sa parte naman ni Dingdong, bukas naman sa pagsasabi ang aktor na nakita na niya kay Marian ang babaeng gusto niya talagang pakasalan at makasama habang-buhay.

Para sa amin, tugma talaga sina Marian at Dingdong sa isa’t isa dahil ang kakulitan at kakikayan ng aktres ay sakto sa pagiging seryoso ng kasintahan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Marian Rivera at Dingdong Dantes, magpapakasal na rin next year

  1. Dapat lang naman mag pagpakasal na lang tutal naman umabot na itong si Marian at Dingdong sa ibat ibang lugar para magbakasyon. Sus ano pa bang matatawag dun, honeymoon first before the wedding, baliktad na yata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.