Parazzi Chikka: Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi na maitago ang relasyon!

If actions speak louder than words, mukhang makukumpirma na natin ang rason kung bakit super blooming ngayon si Darna.

Maliban kasi sa mga bagong labas na palabas tulad ng Darna at Show Me The Manny at pelikulang Tarot, panalong-panalo din ang lovelife ni Marian. Sino pa nga ba ang magpapasaya sa dalaga kundi ang kanyang tunay na ‘Cholo’ na si Dingdong Dantes?

Naispatan ng kamerang kinikilig ang dalawa sa belated birthday celebration ng dalaga. Late nang dumating ang aktor, pero kitang-kita daw ang kumukuti-kutitap na kislap sa mata ni Yanyan. Hindi na rin daw maitago ang tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa. Ilang beses silang nagkulitan, nagyakapan at nagkiss! Sweet, dabah?! Hindi lang namin alam kung bakit hindi pa nila ikinukumpirma ang totoong estado ng kanilang relasyon. Hmmm… kelangan pa nga ba?! Narito na sa pahinang ito ang mga larawang nagsasabi ng totoo! Yun na!

By Mica Rodriguez, Photos By Yomen

Click to enlarge.

Previous articleDingdong Dantes, panay ang buntot kay Marian Rivera – Gorgy’s Park
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #133

No posts to display