Marian Rivera at Dingdong Dantes, ayaw ipamalita ang pagtulong sa mga nasalanta

HANGGANG NGAYON, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng baha dala ng bagyong Maring at ng Habagat.

Ang nakakatuwa, sama-sama ang mga taga-showbiz sa pagtulong. Ang daming nababalita, pero marami rin ang hindi natin alam. Lihim silang tumutulong na hindi na kailangang mag-invite ng media para i-cover.

Ilan sa mga naunang nagbigay ng tulong ay sina Angel Locsin, Jericho Rosales at magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ayaw lang nilang magpa-interview o ipabalita pa, pero wala silang magagawa kung nakukunan pa rin.

Nu’ng Martes pa lang, nanguna na ang magkasintahang Dingdong at Marian sa pamimigay ng pagkain sa mga nabahaan sa Roxas District. Kinabukasan naman, tumuloy si Marian sa tanggapan ng Yes Pinoy Foundation para tumulong naman sa repacking ng mga pagkain na ipamimigay pa nila. Namatayan pala ang pamilya ni Dingdong kaya si Marian muna ang tumulong doon sa mga taga-Yes Pinoy.

Pagkatapos nu’n, tumuloy sila ng Pasay para roon nila ipamigay ang mga na-repack nila. Pero sumunod na roon si Dingdong para samahan si Marian. Nakunan nga ito ng Startalk, pero ayaw na nilang magpa-interview dahil iniiwasan na ni Marian na kaya nila ginagawa ‘yun para lang pang-publicity.

Nagulat nga siya nang may dumating na mga camera du’n. Iniiwasan nilang ipabalita ‘yun dahil ang gusto lang naman talaga nila, tumulong hindi para ipamalita pa.

 

Jodi Sta. Maria, future first lady ng Cavite?!

 

KAHIT NGA sina Sen. Bong Revilla, kasama sina Lani at Jolo, puspusan din ang pagtulong nila sa mga nabahaan sa Cavite. Ang nakakaloka pa, pati ang bahay nila sa Imus, pinasok din ng tubig at ayaw raw umalis du’n ni Mang Ramon. Kaya sinamahan na muna nila du’n ng isang araw.

Ayaw na ring ipabalita ito nina Bong dahil I’m sure may masasabi na naman diyan ang iba, ‘di ba? Kaya tahimik na lang silang tumutulong.

Ang nakakatuwa pa, sobrang support din si Jodi Sta. Maria kay Jolo. Abalang-abala si Jolo sa pag-iikot sa Cavite at gusto sana siyang samahan ni Jodi, pero nagkasakit pala ito at kailangan niyang magpahinga muna para makapag-taping siya kinabukasan. Pero nangako raw si Jodi na sasamahan niya si Jolo sa feeding program nila sa Cavite bukas.

Bongga! Parang taga-Cavite na rin talaga si Jodi at mukhang magiging first lady na rin siya ng lalawigan ha?!

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang update namin sa mga taga-showbiz na naapektuhan ng baha.

 

Helen Gamboa, nag-back-out sa teleserye sa Siyete

 

NAKAKALOKA NA ang panahon. Wala pa ring tigil ang ulan at tuluy-tuloy pa rin ang pagbaha sa ilang malalalim na bahagi ng bansa na madalas namang binabaha. Kaya naging alert din ang lahat at dito mo nakikita ang mga kababayan natin na nagsasama-sama para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo at baha.

Ang daming taping sa GMA-7, pati ang sa iba ring istasyon ang na-pack-up dahil sa sama ng panahon. Ilang araw nang packed-up ang  taping ng bagong drama series ng GMA-7 na Akin Pa Rin ang Bukas dahil sa binabaha ang location na pagteteypingan nila.

Nilinaw na rin dito pala sa bagong drama series na ito ng GMA 7 na nag-back-out na nga si Helen Gamboa for health reasons daw. Kaya si Liza Lorena ang ipinalit at nakapag-taping na nga ito.

Nakatatlong araw na taping na nga si Helen, pero kailangan daw niyang sundin ang payo ng doktor nitong kailangan muna niya ng complete rest.

May mga narinig akong kuwento, pero siguro mabuting i-confirm na muna natin. Basta ang statement na inilabas ng GMA-7, mag-rest daw muna si Helen kaya pinalitan na ito ni Liza.

Idinagdag na rin si Gloria Romero sa cast kaya lalong lumaki ang mga artistang involved. Bukod kina Lovi Poe, Rocco Nacino at Solenn Heussaff, kabilang din si Cesar Montano na may mahalaga ring role na gagampanan.

Magsisimula na raw ito sa September 9 na papalit sa timeslot ng Mundo Mo’y Akin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

15 thoughts on “Marian Rivera at Dingdong Dantes, ayaw ipamalita ang pagtulong sa mga nasalanta

  1. mahirap sa ibang tao kita nmn kung cno lagi ang me kaaway at over acting mainlab lht  yta matingin at me masabi lng ke boyfriend inaaway na…me bipolar disorder yta..bka cya rin toh..maka react wagas akala mo lalamon ng tao…akala mo me mapapala nmn!

  2. BAKIT BA PATI PAGTULONG NG MGA ARTISTA AY BINIBIGYAN LAHAT NG KAHULUGAN? TUMULONG AT HINDI MAY NASASABI KAYO..SIGURADO AKO UNG SOBRANG MAKAPAMINTAS AY YUN ANG SAKSAKAN NG PANGIT NA WALANG NAITUTULONG SA KAPWA. SUCH A CRAB MENTALITY!!!!!

  3. eh aksi inggit much fans ni losin na MARIAN RIVERA COLLEGE GRADUATE GMA QUEEN PA REYNA BA SI ANGHETS SA ABS . KAYA BA TODAMAX EXTRA AT SHOWTIME EXTRA PA DIN ANG EXPOSURE NYA. MOVIES KASI 3 HRS MO LANG SHA PAAPANUORIN . EH TELESERYE DI NYA KAYA MAG RATE FOR 6 MOTNHS UNLIKE MARIAN NA SUPER ABANG MGA PEOPLE OF THE  WORLD EVEN IN ASIA NG DYSEBEL MARIMAR DARNA AMAYA TEMPTATION OF WIFE.. ANGHET NAGTYATYAGA SA COMMERCIALS NYANG BALAKUBAK EH EXDEAL NAMAN AD PLACEMENTS SA DOS KAYA MINU MINUTO MO MAKIKITA. BAYAD NAMAN SA KANYA CHEAP UNLIKE MARIAN TUPPERWARE WALA PANG TVC EH PAMBILI LANG NG ABGONG MERCEDES BENz.. DI MO MAN NAKIKITA SA TVC, LIMPAK NA MILYONES NA KINITA NYA SA SMDC JAG HAPEE DL MONTE KNORR FIT N RITE SAN MARINO  NATASHA HONDA PANASONIC MAXIPEEL SUNSILK AHHAHAHAHHA INGGIT MUCH ANG MGA HI SCHOOL DROP OUT SA COLLEGE GRADUATE NA MARIAN 

  4. Halatang bayaran ka Lolit. Pati ang mga Magnanakaw na Revillas, all praises ka. Alam mo namang pakitang tao lang dahil nasa Cavite sila. Harbat queen ka rin, Lolit. Magkano kaya ag pinaambon sa iyo sa 10 billion pork barrel na ninakaw nila ?

  5. Yun mga nagsasabi na ka plastikan lang ang pag tulong ni Marian….hindi ninyo alam yan. You don’t know her personally. Let’s say ka plastikan nga, for the sake of argument lang…eh tumutulong parin. Kayo na bumabatikos sa kanya? Ano naman ang natulong ninyo? Aber? May mga na contribute ba kayo na worthwhile? Si Marian, napakadami na. Now, kung may na contribute man si Angel Locsin…so what? Hindi naman contest eto. Ang nakakatawa sa mga pagiisip ng mga fans eh kailangan talagang pag awayin yun dalawa, eh hindi naman sila magkaaway. Pero sa totoo lang, ang madalas mangaway eh mga fans ni Angel. Parati nalang pinupuntahan mga article ni Marian, at kung anu-anong mapanirang comments ang nilalagay. May mga fans din si Marian na nangaaway, pero mas madami at mas madalas yun mga fans ni Angel. Si Alex Brosas nalang, fan pala ni Angel Locsin, kaya kung anu-anong walang katuturan ang pinagsusulat tungkol kay Marian. Guys, grow up and just support Philippine showbiz.

  6. YON ANG BIG DIFFERENCE. MARIAN IS FOLLOWED BY MEDIA, MAY KALAMIDAD MAN O WALA.SHE IS THE HOTTEST STAR TODAY, AND HER EVERY MOVE IS BEING WATCHED BY MEDIA. SI NGIWE, KAILANGAN EPOST SA IG, KAILANGAN MAGPARAMDAM NA ITS CALAMITY TIME, ANGEL NA NO CAREER HERE I COME. PA PICTURE HERE P PICTURE THERE, IG HERE IG THERE. PACK SOME GOODS, PICTURE AGAIN. bwahaha

  7. HOY LOLIT PAREHO LANG PALA KAYO NANG BEST FRIEND MONG SI JANET NAPOLES NA SCAMMER NA KATULAD MO.NINANG PA PALA SI NAPOLES
    SA KASAL NANG SLOPPY SECONDS NI PNOY NA SI SHALANI SOLEDAD.

  8. C Marian halata kpalastikan lng ang pagtulong nakikisali lng ke Dingdong…love eh..mas okey c Angel mas me puso sa pagtulong sa kapwa..

  9. Ganyan dapat pag tumutulong! Di na kailangan ibroadcast di tulad ng laging ginagawa ni Anghet Poksin na nagpapapansin! Laos na kasi at walang teleserye kaya hindi busy ang hitad na yan… yuck si Anghet Poksin ngiwe

    • Ateng, di pala naka-broadcast pero laman ng publicity articles at video clips ng GMA at paid publicists nila. Aw!

  10. thank u  nay lolit solis at nililinaw mo n ang tulong  ginagawa ni dong at marian ay di ara sa ublicity at ayaw naman ni marian interview at camera.

Leave a Reply

Your email address will not be published.