Marian Rivera at Bea Alonzo, hindi ipinagdamot ang puwet nina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo!

KUNG NAPANOOD mo ang pelikulang One More Try at beki ka, malamang sa hindi, nagpapantasya ka na kung kaninong “puwet” ang trip mo between Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo.

Kami man, nagulat sa dalawang eksena ng pelikula dahil hindi namin inaasahan na tatambad ang matambok at sexy na butt ni Dingdong na kinakat naman ni Angelica Panganiban.

Ang puwet naman ni Zanjoe, dahil eksenang dim light ay tumambad din sa big screen.

Tuloy sabi ng mga baklita, hindi nagmaramot sina Marian Rivera at Bea Alonzo sa mga gay fans nina Dingdong at Zanjoe.

Hindi man nila maangkin ang dalawa, at least nasilip nila ang butt ng dalawa.

Sa random survey namin sa 12 beki, mas type ng siyam na baklita ang puwet ni Dingdong at type din nila ang magpaka-Angelica.

HINDI MAN naging maganda ang resulta sa box-office ng Thy Womb, happy na rin si Nora Aunor dahil nakapagbigay siya ng isang quality film.

Kung bakit naman kasi ang mga Noranian na walang ginawa kundi ang tumili pero kulang naman sa pukpok para bumili ng ticket para manood ng MMFF entry ng idol nila ay wala namang ginawa.

Hayaan na lang natin ang mga buwang at sabi nga ng mga Vilmanian, ganu’n naman daw ang mga Noranian. Ang layo nila sa mga tagahanga ni Vilma Santos.

Pero for the New Year, maraming plano si Guy para sa sarili. Anytime this year, babalik siya sa Amerika para i-renew ang kanyang “green card” at the same time ay magpagamot para maayos na ang boses niya para matupad na rin ang kanyang pangako na mag-concert sa kanyang kaarawan come May 21.

Dagdag sa magandang plano ni Nora ay ang i-revive ang kanyang NV Productions, kung saan ang last movie na nai-produce ng kanyang film outfit ay ang horror movie na Halimaw sa Banga na naglunsad sa career ng anak niyang si Matet de Leon.

MUKHANG TOTOO ang tsika na kaya napatalsik bigla ang isang dating Artista Academy male finalist ay dahil nahulihan na humihithit ng “MJ” sa kanyang hotel room nang magpunta ang grupo sa Hong Kong for a promotional show noon for TV5.

Promising pa naman sana ang male artista wannabe. Kaso, bad influence at image ito sa pinababangong imahe ng TV5 sa kanilang new found talents.

Speaking of Kapatidd Network, tuloy na ang head-on collision ni Willie Revillame sa Eat Bulaga sa darating na January 26.

Walang takot si Willie na babangain ang hindi matinag-tinag na time slot ng Dabarkads na halos mahigit na yatang tatlong dekada na hindi umuurong sa ratings game kahit noong nasa college pa kami.

Sa new show ni Willie na pinamagatang Wow Wow Willie, sa TV5 Delta gagawin ang show sa dating studio kung saan doon nagte-taping naman si Sharon Cuneta ng kanyang daily show, na siyang dahilan ng tampo ng Megastar sa management ng TV5 dahil na-demote siya at doon pinagte-taping sa TV5 Novaliches na super layo at ma-traffic.

 

PAANO NGA naman kakagatin ng fans ang loveteam nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose kung itong binata ay walang takot ibalandra ang totoong girlfriend niya na si Lauren Young sa publiko, kung saan nakikita silang dalawa na nagmo-maling at nanonood ng sine.

Sayang tuloy ang effort ng Kapuso Network sa promotion  na ginagawa nila para sa loveteam nina Elmo-Julie Anne.

Kung bakit naman kasi ipinipilit, gayong noon pa man, hind naman talaga type ng binata si Julie Anne.

 

SA ORMOC nag-Pasko at nag-celebrate ng New Year’s Eve ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres kasama ang anak nilang si Juliana.

“Christmas Day was spent with our constituents,” balita ni Goma sa short chat namin sa Facebook last Wednesday morning.

Habang ka-chat namin siya, nasa-Hong Kong pala silang pamilya kung saan they left for a short break noong unang araw ng 2013.

Sa paglabas ng kolum na ito, baka makabalik na this weekend ang mag-asawa kasama ang nag-iisa nilang dalagita.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

6 thoughts on “Marian Rivera at Bea Alonzo, hindi ipinagdamot ang puwet nina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo!

  1. Just wanna know the truth of what i read iin facebook, totoo ba na implants ang upper teeth ni dingdong dantes kasi chain smoker at malakas daw uminom kaya bata pa lang sure nna ngiin? Nakta nga namin ang group pic nlia noon nakunan ang nngipin nnya mmga ssira ssa iitaas.

  2. sarap naman ng puwet nina dingdong at zanjoe. sana ako na lang sina angelica at angel para malapirot ko rin ang mga puwet nila hakhak

  3. KASI, ANG MGA NORANIANS, SILANG MGA NORANIANS LANG ANG TALAGANG SUMUSUPORTA SA PELIKULA NI ATE GUY. EH SI ALING VELMA, BUKOD SA MGA VILMANIACS, KASALI RIN SA PAGSUPORTA ANG FANS NG KUNG SINO MAN ANG KASAMA NI ALING VELMA SA MOVIE, LIKE YUNG THE HEALING-HING, TODO SUPORTA ANG FANS NI KIM CHU AT MARTIN DEL ROSARIO. SO SAN KA PA? KASO NGA LANG, BOX OFFICE FAILURE PA RIN KASI ANG LAKI-LAKI NG GINASTOS NG STAR CINEMA FOR COMPUTER GENERATED IMAGE. AMININ!!!

  4. WAT DO EXPECTS NMN S MGA nORANIANS??? lagi nlng nmn cla ng-aaway at tili at dakdak wala nmn suporta anong silbi ng tili???!

Leave a Reply

Your email address will not be published.