Marian Rivera and Dingdong Dantes call each other “Hon”

BONGGA ANG SELEBRASYON ng 59th anniversary ng GMA 7 na ginanap sa Araneta Coliseum nu’ng nakaraang Sabado na may pamagat na One Glamorous Night Greater and Grateful at 59. Star-studded ang naturang selebrasyon pero marami pa ring big stars ng GMA 7 ang hindi nakadalo.

Naintindihan naman kung bakit wala ang karamihan sa mga alaga ni Tito Douglas Quijano na sina Richard Gomez, Lucy Torres, Joey Marquez, Jomari at Anjo Yllana dahil last night ‘yun ng burol sa namayapang talent manager.

Pero ang kapansin-pansin, wala si Richard Gutierrez na dapat ay finale sa mga ipakikilalang Kapuso stars dahil i-introduce ang bago niyang primetime series na Full House na ipapalit sa Zorro.

Tinanong namin si Tita Anabelle Rama kinabukasan sa cremation ni Tito Dougs kung bakit wala si Richard. “Naku mahabang kuwento ‘yan, ‘Dong!” Sagot niya agad sa akin. Pero hindi ko na kinalkal at baka lalong uminit ang ulo, dahil medyo kalmado pa naman siya nu’ng mga oras na ‘yun.

Doon pa rin sa GMA anniversary show, napansin din naming wala si Robin Padilla at si Heart Evangelista na dinig namin, nagpa-self quarantine matapos manggaling sa Amerika.

Pero hindi naman gaanong napansin ang absence ng ilang big stars dahil maganda ang presentasyon ng anniversary show na malapit nang mapanood ang special sa GMA.

Siyempre, bida nu’ng gabing ‘yun sina Dingdong Dantes na ipinakilala bilang bida sa Stairway to Heaven, at Marian Rivera bilang Darna. Gaun’n din ang mga bida sa All My Life na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa Rosalinda.

Maganda rin ang exposure kina Sen. Bong Revilla, Ogie Alcasid, Michael V. at Regine Velasquez.

Naamataan nga naming sobrang sweet sa backstage sina Dingdong at Marian. Marami ang nakarinig sa tawagan nilang “Hon” sa isa’t isa. Lagi silang magkasama at isang masarap na halikan bago sila maghiwalay, para gawin ang production number nila.

Hindi na rin mai-deny ang magandang pagtitinginan nina JayR at Krissa Mae Arietta. Sabay pa silang umalis pagkatapos ng number ni Krissa Mae. Matagal nang tapos ang number ni JayR pero hinintay pa nito si Krissa Mae para sabay silang umalis.

Sweet din sina Ogie at Regine. Umiiwas ang huli sa mga tanong namin tungkol sa napabalitang pagpapakasal ni Michelle Van Eimeren sa November. Matagal na raw alam ‘yun ni Ogie at napag-usapan na raw nila ni Michelle ang buong detalye, pero hindi na raw niya puwedeng sabihin ‘yun. Nagtataka nga ito bakit lumabas ang balita. Dapat ay secret daw ‘yun at hindi na kailangang pag-usapan pa, dahil hindi naman daw showbiz si Michelle at ang lalaking pakakasalan nito.

Anyway, masayang nairaos ang 59th anniversary ng GMA 7 at nangako naman ang President at CEO ng GMA 7 na si Atty. Felipe Gozon na mas marami pang kapana-panabik na programang dapat abangan sa Kapuso network.

by Gorgy’s Park

loading...

29 thoughts on “Marian Rivera and Dingdong Dantes call each other “Hon”

  1. My spouse and I stumbled over here different web address and thought
    I might as well check things out. I like what I see so now i am following you.
    Look forward to looking over your web page again.

  2. I am sooo happy for both of them (Marian and Dindong) I just wish and pray that thier relationship and love will last forever.

    Marietta from Dubai

  3. Wow… sweet naman pala talaga nina Marian at Dingdong. Gusto ko sila… sana sila na nga ang magkatuluyan.

  4. Good luck and Congrats Marian and Dingdong!
    Stay nice, humble, true and loyal.
    We are here to support you both.
    Take care.
    DongYan forever, nakakakilig, hehe.

    • Stay nice, humble and loyal? Una sa lahat PALENGKERA SI MARIAN, hndi sya nice. Loyal? Sino? Si marian na malandi at d0ngd0ng loyal? Pwd b. Haha mga hitad.

      • isa kaba s naka tikim ng pagi2ng plengkera nya?
        at inagawan ni dingdong ng jowa?
        weeeeeeeeeeeehhhhhhhhhhh

        be happy nlng lapit na pasko
        hehehe

  5. DongYan rules!
    Marian is so beautiful and DD is so handsome, they look good together.
    God bless to both of u.
    We love and support DongYan and AlKris.

  6. BAM

    I agree!! ms bgay kay anghet ang darna kc medyo my pgka morena sya at mukang pinay na pinay khit na ayaw na ayaw ko skanya but mukang ms sexy c marian dhil mas mlaki waistline ni anghet nung time n ginawa nya ung darna and for the sake of marian I will watch darna.

    sna nga lng c MR at DD nlang ang nasa rosalinda dhil kung ngkataon ay tsak magsasanib ang langit, lupa, ulan, kidlat, araw at kung anik-anik pa. hehehhe!!

  7. marian and dingdong deserve to be happy…it seems naman n masaya n cla..anyway, am not against marian kc maganda and sexy xa pro s tingin ko lng ha, mas maganda c angel n naging darna..mas fresh looking kc xa unlike marian medyo mature looking n xa..opinyon ko lng yan, wlang kokontra…hmmm…

  8. Dongyan forever ako! Huwag na lang makisali ang mga bitter. Doon kayo sa mga article na masaya and comfortable kayo! It’s a Monday start your day right>
    Peace!

Leave a Reply

Your email address will not be published.