Marian Rivera, aminadong bihira na silang magkita ni Dingdong Dantes!

NAG-TEXT PALA si Maxene Magalona kay Lorna Tolentino nu’ng nag-guest ang huli sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Magaganda ang mga sinabi ni Lorna kay Maxene nang tinanong ito kaya touched naman siyempre ang anak ni Pia Magalona.

Nagpasalamat daw siya at tuwang-tuwa siya sa mga sinabi ni Lorna kaya nag-text ito agad.

Hindi pa naman umaamin sina Maxene at Renz Fernandez sa relasyon nila pero hindi na siguro kailangang tanungin pa dahil obvious namang sila na, ‘no!

Sabi naman ni Maxene, “what you see, is what you get”. Hindi lang natin alam kung kailan pa naging sila.

Nakikita naman kasi ni Lorna na masaya ang anak niya kay Maxene kaya boto na rin siya. Basta ang importante, masaya sila.

 

HINDI NA apektado si Marian Rivera pagda-ting sa intriga sa relasyon nila ni Dingdong Dantes.

Sabi na lang niya, Christ-centered ang kanilang relasyon at kung ano mang mga intrigang dumarating, hindi na nila pinapansin, magdasal na lang daw sila.

In fairness naman sa dalawang ito, lalo pa nga silang naging sweet.

Nu’ng nakaraang finals ng Protégé sa GMA 7 nu’ng Linggo, duma-ting talaga si Marian du’n sa studio para samahan lang si Dingdong.

Pangako raw kasi ni Marian sa kanya na kapag sa last day ng programa nito, sasamahan niya basta wala lang siyang schedule.

Pagkatapos nu’n, dinner na lang sila sa labas. At ang paborito pala nilang restaurant na kinakainan nila ay isang Spanish restaurant sa Maynila at napakatahimik daw nito.

Du’n lang daw sila nagpapalipas ng oras, masaya na sila.

Abala na naman ngayon si Marian sa bagong drama series niya na Temptation of Wife. Si Dingdong naman ay sisimulan na rin ang drama series nila ni Kylie Padilla kasama si Lorna Tolentino kaya busy na naman silang dalawa.

Pero kahit bihira na raw silang magkita, okay lang daw dahil nandiyan na raw ang tiwala at sure na silang walang makakatinag sa kanila. O, ‘di ba?

NAKU, SPEAKING of Temptation of Wife, kasama pala rito si Dennis Trillo at naikuwento rin nito sa presscon nitong drama series na malaki raw ang ipinagbago niya kay Bianca King.

Ang dami raw niyang natutunan sa aktres kaya naging strong din ang relasyon nila. Kaya positive daw lahat at masaya na raw siya sa piling ni Bianca.

Bongga, ‘di ba?

Mas tahimik nga ngayon ang relasyon nila at mas gusto nila nang ganu’n siyempre.

Abangan n’yo na lang pala itong Temptation of Wife na magsisimula na sa October 29 na ipapalit sa timeslot ng Luna Blanca na magtatapos na ngayong linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Marian Rivera, aminadong bihira na silang magkita ni Dingdong Dantes!

Leave a Reply

Your email address will not be published.