Marian Rivera at Alden Richards, nahirapan sa kanilang chemistry

Marian-Rivera-Alden-RichardsMASAYA SI Alden Richards na napapansin na ngayon ang magandang chemistry ng pagtatambal nila ni Marian Rivera. At patuloy ring dumarami ang tumutok gabi-gabi sa primetime series na ito ng GMA 7.

“At least po, naa-appreciate ng viewers,” aniya. “Before, aaminin po talaga namin ni Yan (palayaw ni Marian), hirap po talaga kaming paganahin ‘yong chemistry naming dalawa.

“Siyempre, hindi naman natin maiaalis na… mas bata ako nang konti kay Yan. At alam din ng viewers iyon. ‘Yong edad kasi really matter din, eh. Kaya may kumukuwestiyon din noong una tungkol sa team up namin. Pero at least po, maganda naman ang nagiging feedback. Mostly.”

Ano ba ang ginawa nila ni Marian para ma-establish nila ang magandang chemistry kaugnay ng kanilang pagtatambal.

“Connection lang talaga. And conversation. Parang… the more we talk to each other, the more we understand each other. The more na nakikilala namin ang isa’t isa. And the more nai-establish ‘yong magandang relationship.

“Mostly talaga, magkasama kami sa set. Kaya nagkakausap kami most of the time over lunch or over dinner o kaya ay breakfast. Tapos before doing a scene, nag-uusap kami ni Yan. Kung paano ‘yong magandang gawin o idagdag sa eksena.

“Kasi siyempre, bibigyan kami ng eksena ni Direk na plain lang. Kapag plain ang eksena, si Yan… may input siya sa eksena. So, iyon ang nakakatuwa kasi hands on talaga. Kitang-kita.”

Ano ang masasabi niyang pinakamagandang naging influence sa kanya ni Marian para mas mag-improve pa siya?

“Siguro ‘yong tingnan ang buhay na… positive. Malaking bagay  ‘yon, kasi ngayon lang ako nagkaroon ng kausap na binibigyan ako ng magandang outlook sa buhay at kung ano ang mga dapat gawin. Na gawin mo ang gusto mo. Gawin mo ang makapagpasasaya sa ‘yo at hindi ‘yong nakapagpapasaya sa ibang tao.

“So, nakakatuwa. Kasi ang dami kong nai-realize kapag pinapayuhan ni Yan sa mga bagay-bagay. Iyon siguro ang isa sa mga paraan niya para mas maging at ease kami sa isa’t isa.”

Natutuwa raw si Alden na wala namang bashers na umaatake sa pagiging magtambal nila ni Marian.

“Very supportive ang DongYanatics. Very supportive ang lahat ng fans ni Yan at ni Kuya Dong (Dingdong Dantes). At nagpapasalamat naman po ako na suportado nila kami. Malaking bagay iyon para sa akin. Si Kuya Dong eversince, very supportive naman po. Mula pa no’ng My Beloved na nagkasama kami. Sa lahat naman po, sa kanya talaga ako dapat mag-pay ng respect. Kasi pinayagan niya ako na makapartner si Yan.”

Balitang magkakaroon nga sila ng kissing scenes at intimate scenes. May nakunan na ba sa mga ito?

“Wala pa po. Do’n sa script na binabasa namin ngayon, nando’n pa lang sa malalaman niya na apo ako ni Fernando (character ni Roi Vinzon). So, medyo lalayo muna sa love angle sa pagitan ng characters namin ni Yan. Medyo more on vengeance muna ito na… bakit hindi mo sinabi na apo ka pala? Kaya medyo malayo pa po sa romantic scenes. Siguro po towards the later part ng story.”

Nag-taping na para sa Carmela ang dating Kapamilya star na si K-la Rivera na ngayon ay katatapos lang i-welcomes bilang si Kaye na pinakabagong Kapuso. Gagampanan nito ang character ng anak ng vice mayor na magkakagusto sa kanya.

“Actually, kakilala ko na si K-la.  Hindi pa kami artistang dalawa. Halos sabay kaming nag-start sa ibang network. Pero nagkahiwalay nga kami kasi nag-GMA ako tapos siya still do’n sa other network. Let’s see kung ano ang complication na gagawin ng role niya sa buhay nina Yago at Carmela (mga characters nila ni Marian).”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Marian Rivera at Alden Richards, nahirapan sa kanilang chemistry

  1. marami na bibigay ng negative message kay marian, but the way you look at them, bakit nila pinapanood. mga plastic talaga. kung titingnan mo, yung mga tumitira sa kanya mapa DOS or kapuso. lahat yung mga insecure. Heart, ok you G2B pero bakit ka pa nag tweet? Hmmm….. sorry…. pero alam namin yan. Noted ko yan…

  2. Hahaha very pathetic,did i mention g2b?emz ano?…..isaid like sa kabila it means lahat nang teleserye nila….hahahaha kaloka name emźzzzzzz….
    i am not fan of g2b pambata,….
    at saka carmela ang ganda tignan ang mula mal birhen,kw emz mg moisturizer ka ha..?hahahahahah

      • Oo lahat,its my comments no.,,,,like u,u dont like gma,and me i dont like abs too,bye emz,my flight pa kc aku bukas,out of d country muna…mg cocomment ka nmn,..alam ko ano nasa isip mu….hmmmmmmm
        hindi mu aku makikita for months long,hinay hinay lng ha,dont step ur educ,i will also,…
        emźzzzzzzzszzzz

  3. haha!!CARMELAos, talo sa ratings at ad loads ng G2B..yan na ba ang primetime kwin ng GMEw??last 2 months na lang to 4 sure..#CARMELAosTIGBAKnaSOON…hahaha.kaya dian tutok na.bwahahaha

  4. sa toto lng ang ganda nang carmela,mga viewers tingnan nyo ang sa kabila parang alam na natin ang story,kaya c emz na ngcocomment eh ,masyadong magarbo of course lahat mg bye bye kasi my ending ang story…tanga at bobo ka emz hahaha wawa ka gurl…

Leave a Reply

Your email address will not be published.