Marian Rivera’s crying in a press conference, ploy to gain sympathy?!

DAWIT ANG PANGALAN ni Lovi Poe sa bangayang Heart Evangelista at Marian Rivera dahil ang simpleng kuwentuhan ng mga ito (Marian at Lovi) sa shooting ng pelikulang Temptation Island ang naging ugat para mag-isip si Heart na siya ang pinag-uusapan ng dalawa, kaya naman dali-dali itong nag sumbong sa kanyang mommy na kinumpronta naman si Marian. Kung saan nakakaloka ang sumunod na eksena dahil on the next day raw, umupa na raw ang mommy ni Heart ng PSG para ‘di malapitan ni Marian.

Tikom lang ang bibig ni Lovi at ayaw magsalita against Heart at sa mommy nito, mas maganda raw na tumahimik na lang siya para hindi na lumaki ang gulo.

Lalo na raw at wala sa bansa si Heart at hindi maipagtatanggol ang kanyang sarili sa kung anumang ‘di magagandang kuwentong lalabas patungkol sa kanya. Samantalang super explain naman si Marian sa mga nangyari na pabor na pabor naman sa kanya.

Tsika nga ng isang ka-patid sa panulat na knowing Marian, kaya raw siguro kumuha ng PSG ang mommy ni Heart, baka kasi sugurin ito ni Marian katulad ng ginagawa nito sa ibang stars ng GMA-7 like Bela Padilla, atbp.

Tsika pa nito na pautot lang ni Marian ang pa-cry-cry effect during the presscon para makakuha ng sympathy sa mga manonood, dahil compare to Heart, mas ‘di hamak daw na mas mabait ang GF ni Daniel Matsunaga. ‘Yun na!

HINDI NA TALAGA maawat pa ang pag-imbulog ng career ng aming bestfriend na si Shalala, dahil bukod sa kanyang regular shows sa TV5 like Juicy at  Ta-lentadong Pinoy, isa na rin itong certified endorser, kung saan siya lang naman ang celebrity image model ng Chick In, Chicken Inasal.

Happy nga si Shalala dahil hindi niya raw akalain na may magtitiwala sa kanya para ma-ging image model. Wish daw ni  Shalala na magkasunud-sunod ang dating sa kanya ng mga endorsement at sundan ito ng TV commercials nang sa ganu’n, maging kaliga niya ang mga sikat na TV personality na kabi-kabila ang paggawa ng commercials at pagiging mabentang endorser.

Samantala, ayaw pang idetalye ni Shalala ang pelikulang kanyang pagbibidahan bago matapos ang taon. Mas maganda raw na isekreto muna niya ito hangga’t hindi pa gumigi-ling ang kamera. ‘Pag nakapag-shooting na raw siya, tsaka niya idi-detalye ang lahat-lahat tungkol dito. Abangan na lang daw ng kanyang mga tagahanga.

MUKHANG HINDI LANG sa Pilipinas may   Munting   Here-dera mania dahil kahit sa Vancouver, Canada ay panalong-panalo sa mga kababayan nating Pinoy ang naturang show. Tsika nga ni Ms. Lani Amistad, ang butihing ina ng international singer na si Ethel Rose Amistad, inaabangan niya ito from Monday to Friday at wala pa siyang araw na hindi pinapanood ang nangungunang primetime soap sa Pilipinas.

Patok naman sa mga ba-gets sa Canada ang tambalang Kristoffer   Martin  at  Joyce   Ching. Kinikilig daw ang mga ito sa sweetness ng dalawa from Tween Hearts, kaya naman daw pinapanood din nila ang Munting Heredera.

Saludo naman daw si Ms. Lisa Pardilla sa husay ni Ro-derick Paulate at sa tatlong batang bida sa nasabing soap. Hindi nga raw nito maiwasang maiyak sa mga madadramang eksena ng Munting Heredera, kahit nga raw ang kanyang mga co-workers na puti ay nanonood ng nasabing show at nag-e-enjoy ang mga ito.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBianca Manalo covers-up Jake Cuenca’s courtship?!
Next articleCoco Martin denies relationship with Maja Salvador!

No posts to display