Maria Venus Raj, willing magpa-sexy!

WILLING PALANG I-REMAKE ni Venus Raj ang pelikulang Pinakamagandang Babae Sa Balat Ng Lupa na unang ginawa nina Gloria Diaz at Ruffa Gutierrez. “Oo naman, willing akong magpa-sexy, pero dapat may limitation.”

Sinabi pa rin ni Venus na gusto niyang mag-artista, pero hindi raw niya minamadali ang situwasyon, dahil kung may magandang offer ay bakit hindi niya tatanggapin kung magiging masaya naman siya at kikita.
Ayon kay Venus, masaya siya dahil mula nang lumaban siya sa Miss Universe, dumagsa ang kanyang offer. “Hindi naman ako singer, pero natutuwa ako dahil kahit hindi ako singer ay binigyan ako ng break na makakanta rito sa concert ni Christian Bautista.”
NAGKAUSAP KAMI NI Judy Ann Santos at ikinuwento niya na marunong palang mag-alaga ng anak si Ryan Agoncillo. “Marunong siyang maglagay ng diaper at naglilinis din siya ng pupu ni Luchio,” sabi ni Judy Ann.
Nakita namin si Luchio habang nasa tabi ni Juday. Kung titingnan ang bata, mas malaki ang pagkakahawig nito kay Ryan habang lumalaki, pero sa labi ay kay Juday habang ang nguso ay kay Ryan.

Hindi siya pasaway na bata, hindi siya iyakin. Ganyan lang siya ‘pag busog, naglalarong mag-isa,” natutuwa pang pahayag sa amin ni Juday.
Sinabi pa rin ni Juday na never silang pinahirapan ni Luchio sa gabi. “Hindi siya tulad ng ibang bata na iyak nang iyak sa dis-oras ng gabi. Siya, tahimik na tulog ‘pag gabi at gising naman sa araw.”
Tulad ng isang tipikal na ina, nararamdaman na raw ngayon ni Juday ang salitang ina. “Noon, akala ko, sabi lang ‘yung kapag nakita mo ang anak mo, nawawala ang pagod mo. Totoo pala iyon, dahil sa ngiti pa lang ni Luchio, tanggal na ang pagod namin ni Ryan.”
Tungkol naman sa hindi paglabas ni Baby Luchio sa screen, ang one-liner ni Juday, “karapatan namin kung ano ang gusto naming gawin sa aming anak.” ‘Yun na!

MASAYANG NAKAUSAP NAMIN si Derek Ramsay sa mismong bahay nito sa Parañaque, at ayon sa aktor, wala naman daw naganap na pagbabago kay Angelica Panganiban since nang makilala na nito ang tunay na ama. “Ganu’n pa rin siya, likas kasing masiyahin ni Angel.”
Sinabi pa rin ni Derek na naging masaya ng Pasko at Bagong Taon nila ni Angel. “Kasama namin ang family namin sa Palawan at grabe, nag-enjoy talaga kaming lahat.”
Ayon kay Derek, nag-gain daw siya ng weight ngayon, dahil wala silang ginawa ni Angelica kundi kumain at matulog. “Hindi totoong nagpakasal na kami ni Angel dahil kung magpapakasal kami, hindi namin kailangang ilihim iyon.”
Sa kabuuan, sinabi pa rin ni Derek na wala siyang nakikitang masama kung maunang magkaroon sila ng baby ni Angelica, kaysa sa kasal. “Isang simpleng wedding lang siguro ang gusto namin, basta nandu’n lang ‘yung mga mahal namin sa buhay at mga kaibigan.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Maria Venus Raj, willing magpa-sexy!

  1. Parang matanda siya sa pic na diyan. hehe.

    BTW, pakitanggal naman yang dancing ladies sa ad niyo parazzi!! Kakadisturbo! Paulit2x na kacheapan. Dapat link na lang linagay niyo para iclick ng kung sinong gustong makakita dahil hindi lahat dito, nag eenjoy diyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.